May nararamdaman na ba ako sa kanya? Ano ba talaga ang sagot?

"Tandaan mo Pre' ang Pagibig di yan pagkain, na kapag nagsawa kana, bigla-bigla mo nalang itatapon." pagkasabi niya non' ay ininom niya yung rhum sa baso niya, "Dapat siguraduhin mo muna yung nararamdaman mo para kay Shaira." dagdag pa niya.

Nanatiling nakatingin lang ako sa kanya, di ko akalaing sa kanya mismo mangagaling to' napaka-misteryoso kaya nang taong to'.

"Ano? Mahal mo na ba talaga siya? O Infatuation lang? Alam ko pre' na Laro lang sayo ang isang relasyon, ano seryoso kaba?"

"Oo." sagot ko.

Nakita ko namang napatango siya.

"Be sure of it, Kasi iba si Shaira. Pag nagtapat kang totoo yung feelings mo para sa kanya at sinaktan mo din siya, hindi niya kakayanin. Dahil kita ko kay Shaira' na mahina lang siya. She's not strong like the other girls na nakasalamuha mo."

"Mahal ko na talaga siya Pre'" sambit ko. Tama, mahal ko na siya. At totoo tong' nararamdaman ko para sa kanya.

I know i intend to hurt her, to play game with her. But the moments pass by, parang yung plano kong yon' unti unti nang nawawala sa sistema ko. At napapalitan yun nang pagmamahal ko para sa kanya.

SHAIRA's POV

Days has easily passed. Friday na. Ngayon, start na nang preparation para sa Acquiantance Party. Na-approve na kasi nang mga Professors at ni Mr. Jimenez. Kaya this month, na gaganapin yun.

"Ohmy! Bes! May naorder nako sa Internet na Cocktail Dress para sa Acquiantance! Ihhh~" masayang saad ni Melissa.

"Sssh. Mag-peprepare pa nga lang tayo, umorder ka kagad. Excited much??" nang iinis na saad ko. Pasaway talaga to si Bes, masyadong excited.

"Syempre no! Lam mo naman para sa kanya!" Kinikilig niyang sambit. Oo nga pala, nung nakaraan inamin nya sakin na may pagka-crush siya kay Luke. Hahahaha! Napaka-misteryoso daw kasi nang dating, yung tipong shy type pero pag nakausap mo, sobrang jolly pala? Ganun si Luke.

"Sus! Ang Bes ko! Pumapagibig!" mapang-asar kong saad. Nakakatuwa kasing asarin si Bes, napapa-pout. XD

"Hmp! Ewan ko sayo! Buti nga ikaw Malapit ka dun sa Crush mo! Dikit na dikit! Hmp!" maarteng sabi niya sabay pout. Ahhhhh. My Bestfriend is really Cute! *u*

"Okay Guise! Kailangan nating gandahan ang mga designs na gagawin natin, dahil tayo ang inaasahan nang mga Professors natin, Got it?" saad nang President sa section namin. Nag-Yes naman kami at nagsimula na.

Matapos ang ilang oras natapos din namin yung unang design para sa stage.

"This is for now guys, we still have 5 days to finished this, you can leave now. See you tomorrow!" Nakangiting saad nang President namin. Kanya kanya naman kaming ayos nang kalat at nag-ayos nang kanya kanyang gamit at umalis na.

Habang naglalakad sa Hallway, nakasalubong namin si Vanessa.

"Oh? San ka galing?" tanong agad ni Melissa sa kanya. Hindi kasi namin siya ka-Blockmate, iba kasi Course nya, Business Ad siya while Me and Melissa is Tourism Student. Sila Charlie,Sam,Mica and Jen pare-pareho sila nang Course which is Hotel and Restaurant Management. Pero kahit ganun, barkada parin kami kahit hiwa-hiwalay kami :)

"Sa Comfort Room, kayo?" tanong naman niya.

"Sa Stage, kami yung assigned para sa pag-ayos e." sagot ko.

"Uwian mo na ba? Tara sabay kana samin." nakangiting saad ni Melissa. Nag-nod naman si Vanessa at sabay sabay kaming naglakad.

Paglabas namin nang Gate biglang may isang Porsche 918 Spyder ang umistop sa harapan namin. Gulat ang nakarehistro sa mukha namin. Biglang bumaba ang Window nang sasakyan at nakita ko si Ethan.

"Hop in Girls!" sigaw niya.

Nagkatinginan naman kami nila Vanessa at Melissa bago kami sumakay.

"San tayo pupunta?" tanong ko kay Ethan. Kasama din namin si Luke, nasa passenger seat siya.

"Hmm. Wala naman, ihahatid ko mga kaibigan mo pero tayo, may pupuntahan." sagot nya habang nakatingin parin sa kalsada.

"Sa 4th Street lang kayo diba?" Tanong ni Ethan sa kanila.

"Yup!" sagot ni Vanessa, magkapitbahay lang kasi sila ni Melissa.

Pinasadahan ko nang tingin si Melissa, ang tahimik kasi niya simula nung sumakay kami dito.

"Bes are you okay?" tanong ko, imbis na sagutin pinisil lang nya yung kamay ko at nanatiling nakayuko.

"Bes?" hinawi ko yung buhok niya, and.. I saw her blushing!

Gusto kong tumawa nang wagas, pero di ko magawa nakakahiya kela Ethan e. Hahahaha!

Pinisil nya lalo yung kamay ko nang maramdaman nyang nagpipigil ako nang tawa.

"Okay dito na kayo." saad ni Ethan.

"Vanessa, hatid mo muna sa loob nang bahay nila si Melissa, nagha-hyperventilate e." bulong ko. Napatawa naman si Vanessa at nagpaalam na.

Pinaandar agad ni Ethan yung Sasakyan.

"Punta tayo sa bahay, namimiss ka na daw ni Kaira. And... Mom and Dad want to see you."

—-

Thank you po sa mga Nagbabasa! :D

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon