Si Trust at Axle naman ay parang mga batang nagpapa-slide ngayon sa isa sa kilalang spot dito na kung tawagin ay Super Slide; kung saan malaki at mataas ang slide nito na may haba raw na 550 feet simula sa taas pababa. Kanina pa ako niyayaya ng dalawa pero sadyang tinatamad ako. Hindi ko pati trip ang mga ganun. Hindi na naman ako isip bata.

Habang si Sham at Ellie, ayun at magkatandem na naman sa pagkuha ng mga instragamable photos nila sa may hanging bridge. Kaunti na lang mas makukumbinsi pa ako na si Sham ang best friend ni Ellie at hindi si Candid eh.

"Si Candid.."

Panimula nya.

Hindi pa man nya nadudugsungan, parang gusto ko na lang umalis dahil alam kong magkekwento sya tungkol sa babaeng yun.

Bakit ba kapag lumalapit sila sa'kin kagaya na lang ni Axle, si Candid lagi ang bukang bibig nila? Nakakarindi na.

"Narinig ko sya kahapon. Alam ko, alam kong gusto nyang subukan ang firing range. Hindi ko lang alam kung bakit nagbago ang isip nya."

Agad na napukaw ang atensyon ko sa sinabi ni Dwayne.

Kasalukuyan nya pa ring pinapanood ang babaeng tinutukoy nya. Hindi man sya magkwento ngayon madalas sa'kin, sa mga mata pa lang nya alam na alam ko na.

"Kakaiba talaga ang trip ng babaeng yun." ngingiti ngiti syang napapailing habang ang paningin ay nasa babae pa rin.

Hindi man nya deretsahing aminin, masyado ng halata ng gustong gusto nya nga ito.

Sabagay, tama naman sya. Kakaiba talaga si Candid. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, sya na yata ang pinakakumplekadong babaeng nakaharap ko. Iba ang mga trip sa buhay. Kapag nagsalita sya, hindi pwedeng hinding hindi makikinig ng kusa ang tenga mo sa mga sinasabi nya.

"Alam kong alam mo rin na si Candid ang babaeng yun."

"What are you saying?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

Doon pa lamang sya lumingon at tumingin sa'kin.

"Yung nagligtas sa'tin." muli syang tumingin sa kinaroroonan ng babae. "Sa'kin."

Nang binanggit nya ang huling salitang yun, tila ba napakaespesyal nun.

Nanatili akong nakikinig at nakamasid lang sa paligid. Hindi ko alam pero wala akong ganang magreact sa mga sinasabi nya. Kung noon grabe na agad ako magreact,mainis o pagtuunan ng pansin ang malalaman ko sa twing ang babaeng yun ang pinaguusapan, ngayon parang wala akong gana makinig lalo na kung galing sa kanila ni Axle ang kwento. Hindi naman ako naiinis pero hindi rin ako kumportable. Ewan ko ba. Ang gulo.

"She's the real definition of beauty Dude." manghang manghang banggit nito habang pinapanuod pa rin ang babaeng mabagal na ngayong nagpapatakbo ng kabayo.

"Anong klaseng beauty? Kita mo nga laging nakatakip ang mukha." pangaalaska ko sa sinabi nya.

Pero agad ring nawala ang ngisi sa labi ko ng muli kong pagmasdan ang babaeng bahagyang hinila ang kabayong sinasakyan nya dahilan para medyo bumilis ang takbo nito.

ELITESWhere stories live. Discover now