LIX - Claim Your Weapons

931 47 55
                                    

        “Don't fear the fire in angry eyes, but the storm brewing in calm ones.”

       Tandang-tanda ko ang nabasa kong linya na iyan mula sa isang libro dati. Nang mabasa ko iyon ay hindi ko iyon masyadong binigyan pansin, dahil hindi ko ito naintindihan. Pero ngayon, kasing linaw na ito ng tubig sa isipan ko.

        Halos lahat ng tao ngayon, nasa dalawang malalaking monitor ang tingin. Ngunit ang mga mata ko'y nasa iisang tao lang nakatutok. Lahat sila ay nagsisimula ng mag-panic at sumigaw. Pero si Kuya Jarvis... hindi.

       Nakatayo siya sa gitna ng field, ang mga mata niya'y nakapokus sa dalawang screen sa harapan. Sobrang kalmado ng mukha niya, maging ng mga mata niya. Pero hindi ko pa rin maiwasang gapangan ng takot, dahil ramdam na ramdam ko ang galit niya. Parang pagsabog ang bawat kulog na pinapakawalan niya. Ang dilim dilim na rin ng langit kaya nakakagulat ang bawat pagkidlat na nangyayari.

       "Kuya..." Akmang hahakbang pa lang ako papalapit sa kanya pero muli kaming napasinghap nang mamatay ang dalawang HDTV. Naramdaman ko rin agad ang hawak sa'kin ni Cassandra kaya nilingon ko siya. "We must have these people evacuated, Alexandria. They're here." Ngunit hindi pa ako nakakasagot ay napuno na muli ng sigawan ang field nang may sunod sunod na fireballs na tumama sa direksyon ng stage. Nanlaki ang mga mata ko at agad na akong lumapit kay kuya Jarvis na nakatayo lamang sa gitna. Narinig ko pa ang tawag ni Cassandra pero hindi ko na ito pinansin.

       "Kuya, sige na. Puntahan mo na si Arianne." Iyon na agad ang tinuran ko dahil kitang-kita ko na nag-aalinlangan siyang umalis. Naiintindihan ko siya. May obligasyon siya para tulungan ang mga tao rito, pero alam ko ring sobrang masasaktan siya kung hindi niya uunahin si Arianne. Ayaw kong mangyari iyon. At isa pa, ayoko ring mawala ang kaibigan ko. "Magiging okay kami rito, susubukan ko muna silang pigilan. Siguradong papunta na iyon sila Kuya." Isang tango na lang ang sinagot niya sa'kin, at wala pang isang segundo ay wala na siya sa harapan ko.

       Pinasadahan ko ng tingin ang mga tao sa paligid. Lahat sila ay kanya-kanya ng gumagamit ng ability, para kahit papaano ay maprotektahan nila ang kanilang mga sarili sa mga parating na atake. Ngunit hindi ito sapat... sapagkat karamihan sa ability ng mga tao rito ay basic abilities lamang. Kakaonti lang ang may mga kakayahang mag-manipula ng mga elemento. Hindi sila tatagal kung mananatili sila sa field. Kailangan nilang lumabas ng Academy.

       "Alexandria, duck!" Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sigaw ni Cass. Nilingon ko agad ang pinanggagalingan ng mga fireballs attack, at nagulat nang makitang ang dami pang paparating na fireballs, mula na ito sa iba't-ibang direksyon. Ang isa rin ay sobrang lapit na sa akin. Nagsisimula na ring mas magkagulo ang mga tao, at hindi maaari iyon.

       Hindi na ako nagdalawang isip at pinagana ko na agad ang ability ko upang sanggain ito. Wala pang isang iglap ay huminto ang fireball at nawala ito na parang bula. Naramdaman ko na rin agad ang pag-iba ng kulay ng mga mata ko. Nang medyo nahimasmasan na ako sa gulat ay itinaas ko na rin ang dalawang kamay ko. Itinapat ko agad ang mga ito sa mga fireballs na papalapit na sa'min, upang salubungin ito. Medyo nagulat naman ako nang may lumabas na isang napakalakas na enerhiya mula sa dalawang kamay ko, dahilan para tila bumalik ang fireballs sa kung saan ito nanggaling. Gulat namang napasigaw ang mga tao sa field, at hindi ko sila masisisi. Yung enerhiya... ano 'yon? Parang isang ward...

       Parang mayroong isang protective ward ngayon na bumabalot sa Academy, kung kaya't panandaliang natigil ang mga fireball attacks. Kitang-kita naming lahat kung paano ito natitigil sa tuwing tatama na ito sa ward na nilabas ko. Ngunit ramdam kong hindi ito magtatagal, nakaka-ubos kasi ng enerhiya, sa totoo lang.

       Ininda ko na lang ang biglaang panghihinang naramdaman ko at napangiti. Kahit papaano ay nabawasan ang pagpapanic ng mga tao. Ngayon, mas makakapag-isip na sila ng malinaw upang mas maayos din nilang magamit ang mga abilities nila. Lahat sila malalakas, ngunit kapag nagpadala sila sa kanilang emosyon, hindi nila magagawang tulungan at iligtas pa ang kanilang mga sarili. Napakarami rin ng mga bata rito, hindi pa nila kayang protektahan ang kanilang sarili. Ang mga matatanda naman ay masyado ng mahina. Kapag ginamit pa nila ang mga abilities nila, baka mas lalo pa silang hindi makaligtas. Mabuti na lang at ang dami ring ipinadalang Council Guards ng Council. Kahit papaano rin ay nakakatulong ang nagkalat na mga estudyante ng Montecillo Academy, dahil alam kong na-training sila sa paaralang ito para mas palakasin at pagalingin hindi lamang ang mga ability nila, maging na rin ang mga katawan nila.

Alexandria MontecilloWhere stories live. Discover now