XV - Field Trip Part III

1.9K 109 14
                                    

      "Kilala mo ba si Xenon?" Agad na napalingon sa akin si Cassandra at pinagtaasan niya ako ng isang kilay. Tila ba nagtatanong siya kung bakit ko itinatanong ito.

      "Your crush in our PE Class? Who doesn't know him?" Napanguso naman ako sa sagot niya at napa-iling. Hindi ko naman siya crush.

      "Why did you ask?" Takang tanong niya habang sumisipsip ng kape sa mug niya.

      Bumaling muna ako sa magandang tanawin sa harapan at pinagmasdan ang papasikat na araw. Humugot din muna ako ng malalim na buntong-hininga bago sumagot.

      "Wala lang. Bukod sa classmate natin siya sa PE, ano pang alam mo tungkol sa kanya?" Gusto ko lang malaman kung kilala niya na si Xenon dati pa.

      Malaking parte si Xenon sa buhay ni Alexandria- iyon sigurado ako. Pero nagtataka lang ako kung bakit hindi siya binabanggit nila Cassandra o ng mga pinsan man lang niya. Para bang hindi sila magkakilala? Pero ang imposible naman ata?

      "Oooh someone is trying to get to know her crush." Pang-aasar bigla ni Cassandra. Napa-awang naman ang bibig ko dahil sa sinabi niya.

      "Uy hindi sa gano'n!" Bakit ba gano'n ang iniisip ng babaeng 'to? Naku naman.

      "Why are you asking questions like that then?" Tanong ni Cassandra. Mukha siyang naghahamon na nang-aasar.

      Napakagat ako sa ibaba ng labi ko. Nagtatalo sa utak ko ang mga tanong na kung dapat ko bang itanong ito o hayaan nalang?

      "Curious lang ako. Diba mula rin siya sa isa sa mga makapangyarihang pamilya? Naisip ko lang baka kilala mo na siya noon pa." Napatingin sa akin si Cassandra, tingin na para bang sinusuri niya kung anong rason bakit ako nagtatanong ng ganito. Kaya sinigurado kong mananatiling blanko ang reaksyon ko. Baka kung ano-ano nanaman kasi isipin niya.

      Narinig kong napa-hmm muna siya bago sumagot. "I only heard that he's the only of son of Mr. Jace Montreal and the late Mrs. Xierra Montreal, aside from that there's nothing more." Napasinghap naman ako.

      "The late Mrs. Xierra Montreal? Ibig mong sabihin ay?"

      "Yes, she's already dead."

      Hindi ko alam iyon. Walang nakalagay na ganoong information sa nabasa ko.

      "Paano siya namatay?"

      Ilang segundo pa muna ang lumipas bago sumagot si Cass. Mukhang inaalala niya kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng nanay ni Xenon.

      "I heard that she died in a car accident."

      "At...?" Napa-iling iling si Cassandra. "I'm sorry Aria, that's all I know. Our parents never really mentioned them before." Napatango nalang ako.

      Kung ganoon ay hindi talaga kilala ni Cassandra si Xenon... at kung hindi siya nabanggit ng parents nila ibig sabihin malaki ang posibilidad na hindi rin siya kilala nila Yohan? Maaaring alam nila ang pangalan ng isa't isa, pero hanggang doon lang.

      Ibig sabihin ay sila lang talaga ni Alexandria ang malapit sa isa't isa?

      "By the way, is your stomach ache okay now?"

      "Huh? Ah ay oo, okay na. Hindi lang ata ako natunawan kahapon." Binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti.

      Hindi naman talaga sumakit ang tyan ko kahapon, nirason ko lang iyon para umalis na kami roon.

      Pinikit ko ang mg mata ko at nag-inhale exhale. Kahit anong gawin ko ay hindi na rin talaga mawala sa isipan ko ang pinakitang alaala sakin ni Alexandria.

Alexandria MontecilloWhere stories live. Discover now