XXXVII - Hestia

1.1K 72 44
                                    

      Mga gold na telang nakasabit sa dingding, at fairy lights na nakapulupot sa bawat poste. Iyan ang una kong napansin pagpasok namin ng Grand Hall ng Hotel, kung saan gaganapin ang party ni Arianne. Sa gitna, sa may elevated na parte, ay may isang upuan na may cover na gold na tela. May dalawang torch sa gitna nito na nakalagay sa isang bakal na torch-holder at may mga pattern itong disenyo. May ilang torch din sa bawat sulok ng hall at sa gitna ay ang mga lamesa't upuan. Kung iisipin ay dapat mainit sa loob, pero hindi. Para ngang nagsisisi ako sa suot ko dahil nilalamig na ako agad. Hindi sobrang liwanag sa loob at tanging ang mga fairy lights at mga torch lang ang nagsisilbing ilaw. Pero kahit ganoon ay napakaganda nitong pagmasdan. May tumutugtog ding piano na siyang nagsisilbing background music.

      Marami-rami na rin ang mga tao sa loob. Hindi ko sila kilala, pero sa tingin ko'y mula sila sa mga mayayamang pamilya. Maaaring mga business partners o family friend ng pamilya ni Arianne. Nakasuot din sila ng iba't-ibang gown. Ang iba'y nakasuot ng chiton, at ang iba naman ay pinaghalo ang old at modern style sa suot nila. Mukha silang mga totoong Greek Gods at Goddesses.

      Iginaya kami ng isang staff papunta sa mesang para sa'min. Bago kasi makapasok ng mismong venue ay ipapakita muna ang invitation, at dahil nakasulat naman doon ang pangalan namin ay ginagabayan na rin kami ng staff kung saan kami uupo.

      Sa unahan kami dumiretso, katabi ng pinaka-gitnang mesa. May sampung upuan dito na nakapalibot sa mesa. May gold at puting cover ito at sa gitna ay may bouquet ng pulang Camellia.

      "Thank you." Nginitian namin ni Cass ang staff na nag-asikaso sa'min nang maka-upo na kami. Ngumiti rin muna siya pabalik bago tumalikod at umalis.

      Hindi ko maiwasang mapatingin kay Cassandra. Kung makangiti siya ngayon ay para bang hindi siya nagbitaw ng mga nakaka-kabang salita kanina. Sinubukan ko siyang tanungin tungkol doon pero tanging ngiti lang ang isinisagot niya. Gustong-gusto kong malaman ang ibig niyang sabihin, o kung bakit niya iyon sinabi pero mukhang di ko sa kanya makukuha ang sagot, kaya hindi ko nalang siyang kinulit muli at nagpanggap nalang na naniniwala akong wala iyong kahulugan. Pero hindi ibig sabihin no'n ay aalisin ko na ang tingin ko sa kanya. Aalamin ko ang dinadala niya at sisiguraduhin kong walang mangyayari sa kanya.

      "Aria I'll go to the restroom first, okay?" Tumayo na si Cass at nagsimula ng maglakad palayo nang tinanguan ko siya.

      Nang makalayo layo na siya ng konti ay tumayo naman ako mula sa pagkaka-upo., Balak ko sana siyang sundan kaya lang ay may humarang sa aking daanan.

      "Wow Peppermint, maganda ka pala kapag naaayusan?" Pinandilatan ko naman si Raven na natatawang nakatingin sa'kin.

      "Anong sinasabi mo d'yan? Paano ka ba nakapasok dito? Imbitado ka ba?"

      "Wow ang sakit mong magsalita!" Aniya at umarte pang nasasaktan dahil humawak siya sa kanyang dibdib. Inirapan ko nalang siya pero hindi ko rin maiwasang mapangiti ng konti.

      Pinasadahan ko rin ng tingin ang suot niya. Katulad ng karamihan sa mga lalaki dito ay nakasuot siya ng kulay ivory na chiton, pero hindi iyong exposed ang balat. May bronze na belt siya sa bewang at may kulay maroon at gold na disenyo sa baba. Nakasuot din siya ng itim na wooden sandal, at itim na kapa na abot hanggang tuhod ang haba. May kulay gold na mga pattern itong disenyo. Sa ulo naman niya ay may nakalagay na bronze na headdress, na parang koronang panlalaki, at may simbolong lyre ito sa gitna.

       "Sino ka?" Natanong ko sa kanya, dahil hindi ko kilala kung sinong Greek God ang ginagaya niya. Mukhang mali naman ang pagkaka-intindi niya sa tanong ko dahil muli nanaman siyang umarteng nasasaktan.

      "Palagi mo nalang bang itatanong yan sa'kin Peppermint? Hindi mo pa rin ba ako kilala?" Hindi ko tuloy maiwasang matawa dahil dito.

      "Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Natatawa ko pa ring sagot sa kanya. "Ang tinatanong ko ay kung sinong Greek God ang ginagaya mo?"

Alexandria MontecilloWhere stories live. Discover now