XLV - Cassandra Diana

840 45 21
                                    

       "Cass?" Dahan-dahan akong lumapit kay Cassandra na naka-upo sa dulo ng kama. Ang tingin niya'y nasa labas ng ceiling-to-floor na glass window sa kanyang kanan. Walang balcony dito pero kung tutuusin ay parang nagsisilbing balkonahe rin ang bintana. Kaonti lang ang siwang dito dahil nakatakip ang makakapal na kulay grayish brown na kurtina.

       Naki-usap ako kanila Mommy at Daddy na kung maaari ay ako muna ang kakausap sa best friend ko. Mabuti nalang ay pinagbigyan nila ako, at sana ay maganda ang maging kalalabasan nito.

       Hindi naman siya nagsalita o lumingon man lang, pero di rin siya kumontra nang umupo ako sa tabi niya. Nais kong isipin na isang senyales iyon na ayos lang sa kanya ang presensya ko.

       Sa totoo lang ay hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kanya. Kaya sana ay sapat na muna sa ngayon ang presensya ko rito para malaman niyang walang magbabago– siya pa rin si Cassandra sa amin. Siya pa rin ang pinsan at best friend ko. Sa pamilya namin siya lumaki at magiging ganoon iyon anuman ang mangyari.

       Hindi ko alam kung anong naging usapan nila Daddy at Tito Stephen kahapon, lalo pa't hindi ko rin naman naitanong iyon kanina. Ni hindi ko alam kung alam na ba nila Daddy ang buong kwento kung paano napunta si Cassandra kanila Tita Nichole at Tito Stephen. Ngunit kahit naman anong totoo, ramdam kong sobrang mahal ni Tito si Cass.

       "Alexandria I had a bad dream." Napalingon ako agad kay Cassandra nang marinig ko ang tinuran niya. Sandaling nagulat naman ako nang makitang sa akin na siya nakatingin at unti-unti ng namumuo ang luha sa mga mata niya, na tila ba isang kurap lang ay tuluyan na itong lalabas.

       "Ano 'yon?" Sinubukan kong pakalmahin ang boses ko, para hindi niya mahalata na nasasaktan akong makita siyang ganito.

       Ang Cassandra na kilala ko ay marunong magdala ng sarili, hindi basta-basta magpapatalo, walang inaatrasan, confident at malakas. Ngunit itong Cass sa harapan ko... para siyang takot, nasasaktan, hindi alam ang gagawin, at nanghihina. Hindi niya man sabihin ay kitang-kita ko ang mga iyon sa kanyang mga mata.

       "I dreamt about Mom. It was one of my treasured memories with her when I was still young and she was still alive." Sa bawat salitang binibitawan niya ay konti-konti ring nababasag ang boses niya.

       "We were so happy... I miss her so much." May tumulong luha mula sa mata niya pero agad niya rin itong pinahid gamit ang likod ng dalawang kamay niya.

       Hindi na muna ako nagsalita dahil mukhang may kadugtong pa ang sinabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya, nag-aantay na maging handa siya para magpatuloy sa pagku-kuwento.

       "It was a happy dream not until someone came... and told me I'm her daughter." Muli siyang napaluha pero hindi na niya ito pinunasan, sa halip ay nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.

       "Alexandria, I'm not Mommy Nichole's daughter. I'm not your cousin. I'm not who I thought I am." Aniya at tuluyan ng napa-iyak. Hindi ko rin maiwasang mapa-iwas ng tingin dahil sa mga luhang nagbabadyang tumakas mula sa mga mata ko.

       Alam ko na iyon... pero sobrang nasasaktan ako. Nasasaktan ako para sa kanya dahil ramdam na ramdam ko ang sakit sa boses niya... at ni hindi ko alam kung paano papawiin ang nararamdaman niya.

       Gusto kong sabihin na naiintindihan ko siya dahil nang nalaman kong hindi ako anak ni Mama Rianne pakiramdam ko rin ay hindi ko na kilala ang sarili ko... pero hindi. Mas masakit ang nangyayari sa kanya ngayon, at hindi ko man maipaliwanag kung bakit ay ramdam na ramdam ko naman ito. Ngunit hindi porke't nararamdaman ko ay sapat na iyon para masabi kong naiintindihan ko. At hindi rin maganda kung sasabihin ko sa kanyang naiintindihan ko, dahil sino nga ba ang tanging makaka-intindi sa pinagdadaanan niya ngayon kundi siya lamang?

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon