XXI - Lost And Found

1.9K 110 20
                                    


      Nakakatawang isipin na yung minsang pinagkuhanan mo ng saya, ay siya ngayong umuubos sa sayang nararamdaman mo. Ang dating nagpapangiti sa'yo, ngayon ay pinapaiyak ka na.

       Pinunasan ko ang tumakas na luha mula sa mga mata ko. Iniwas ko na lang din ang tingin mula sa nakasabit na picture namin ni Mama sa kwarto niya.

       Simula pa lang nang pagtapak ko sa loob ng bahay na 'to ay hindi ko na maiwasang maiyak. Ang dami naming alaala dito, at kung pwede lang ay dito nalang ako. Pero sa ngayon, kailangan ko munang hanapin ang mga kasagutan sa mga tanong ko. Isa pa, kung mananatili ako dito ay baka maabutan ako nila Cassandra. Paniguradong sa mga oras na ito ay alam na nilang wala ako sa Academy.

        Agad kong binuksan ang vault na pinagtataguan namin ni Mama ng pera. Kakailanganin ko ito kung gusto kong makakain at makahanap ng tutuluyan sa mga susunod na araw. Nang makakuha ako ng sapat na pera ay agad ko itong binalot ng isang damit ko at inilagay sa bag.

      Isasara ko na sana ang vault nang mahagip ng mata ko ang isang parihabang kahon na nakalagay sa likod ng mga pera.

      Napakunot ang noo ko, ano naman kaya ito?

      Agad ko itong kinuha pero mas lalo akong nagtaka nang makitang may lock ito. Kailangan ng kombinasyon ng dalawang letra para mabuksan.

       May importante ba 'tong laman? Ngayon ko lang nakita ang kahon na 'to. May mga sagot kaya dito sa mga tanong ko? Pero ano ang combination?

      Napakagat nalang ako ibabang parte ng labi ko. Inilagay ko nalang din sa bag ang box. Tsaka ko na iisipin ito. Sa ngayon, kailangan ko na munang maka-alis dito.

      Nang masiguro kong dala ko na ang lahat ng kakailanganin ko ay agad na rin akong lumabas ng kwarto. Palabas na ako ng bahay nang mapansin ko ang cellphone kong nakapatong sa may coffee table. Naiwan ko nga pala ito rito noong biglang dumating sila Cassandra at itinakas ako.

     Gusto ko mang dalhin ito ay mas mabuti siguro kung wag nalang. Baka matunton pa ako nila Cassandra kung sakali.

     Sinulyapan kong muli ang kabuuan ng loob ng aming bahay bago ako lumabas. Agad ko ring pinalis ang tumakas na luha sa mga mata ko.

      Kapag nahanap ko na ang mga kasagutan sa tanong ko, at kapag nagbayad na ang taong dapat magbayad sa pagkamatay ni Mama, babalik ako rito.

      Matapos kong i-lock ang pinto at gate ay nagsimula na akong maglakad papunta sa may istasyon ng tren. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero sa ngayon, kailangan ko munang makalayo.

      Nakakatawa na wala naman talagang nagbago sa lugar na tinitirhan namin, pero pakiramdam ko ay ibang-ibang na ito.

      "Aria!" Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa tumawag sa akin. Si ate Jade pala.

      Hindi kami ganoon ka-close kahit na ilang taon lang ang tanda niya sa'kin. Mas malapit sila ni Mama sa isa't-isa. Lagi siyang pumupunta sa boutique namin para mamili ng damit at para makipag-kwentuhan.

      "Kamusta ka na? Ngayon na lang ulit kita nakita! Ngayon ko lang ba umuwi galing sa Academy?" Masigla at sunod-sunod niyang tanong. Napa-iling naman ako.

       "Oo nga pala, isang linggo ng sarado yung boutique niyo ah? Nasaan si ate Rianne?" Natigilan ako sa tanong niya at napatingin sa sahig.

      Malapit sila ni Mama sa isa't-isa. Paniguradong malulungkot siya kapag nalaman niyang wala na si Mama.

      Humugot muna ako ng malalim na hininga bago siya tiningnan. Nakangiti lang siyang naka-tingin, tila nag-aantay ng sagot ko.

      "S-si Mama kasi..." Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko pa rin talaga kayang sabihin ng malakas na wala na siya...

Alexandria Montecilloजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें