XXV - The Celtic Flame

1.7K 95 19
                                    

      "Sunshine, are you ready?" Napalingon ako kay kuya Hendrix na na nakatayo sa may pinto. Agad ko siyang tinanguan at nginitian.

      Sinulyapan ko muna ulit ang sarili ko sa salamin. Para akong ibang tao.

      Naka-suot ako ng isang fit na black leggings at itim na body-hugging sando. Parehas itong may puting design sa mga gilid nito. Ang buhok ko'y nakatirintas sideways. Para akong handa ng sumabak sa matinding labanan.

       Pero syempre joke lang– sa training lang ako sasabak.

      "Ready na ako, kuya." Nilapitan ko na siya at lumabas na ng kwarto. Agad ko ring ikinawit ang kamay ko sa braso niya nang magsimula na kaming maglakad paalis. Nagiging clingy na ako sa kanila. Ewan ko ba, ang kumportable ko kasi masyado sa mga kuya ko. Lalo na kay kuya Hendrix.

      Ngayon ang araw ng training namin. Paniguradong nasa training grounds na rin sila Arianne at Cassandra, pati na rin ang tatlo ko pang kuya.

      Sa nangyari kahapon ay mas lalo ko ng gustong mag-training. Nang sinabi ni kuya Yohan na kailangan na naming umalis, agad nilang inayos ang mga dala namin. Ako naman ay hindi makagawang makatayo dahil nakahiga pa rin sa lap ko iyong puting wolf.

      Nahirapan kami no'ng una na buhatin ang wolf dahil baka magising ito. Pero agad din naman naming naisakay ito sa sasakyan. Nagmamadali silang maka-alis do'n kaya naman hindi man lang sila nagreklamo sa bilis ng pagmamaneho ni Arianne.

      Pagdating dito sa mansion ay nagulat pa sila Mommy na may kasama kaming wolf. Si kuya Yohan na ang nag-explain sa kanila ng nangyari. Hindi ko na alam kung ano pang mga pinag-usapan nila dahil pumunta na sila ng study ni Dad. Ako naman ay sumama kay kuya Hendrix para asikasuhin iyong wolf.

      "Kuya ano nga palang nangyari do'n sa wolf?" Hindi rin kasi ako nagtagal doon. Agad akong pinaalis ni kuya Hendrix.

      "Hmm, ayos na siya. Luckily, she's not affected by that poison." She? Babae pala iyon? Pero ano raw? Poison?

      "Anong poison?"

      "The tip of that arrow has the same poison with that of the daggers. Naalala mo ba iyong nawalan kami ng malay ni Jarvis? Dahil may poison iyong blade ng dagger? Ganoon din ang poison ng arrow." Napasinghap naman ako dahil sa sinabi niya. Kung ganoon ay nakumpirma nga nilang may poison iyon.

      "Ibig sabihin, iyong mga lalaking pumatay kay Mama... maaaring sila rin ang nagpatama doon sa wolf?"

      Tumango naman si kuya Hendrix sa tanong ko.

      Hindi ko maiwasang makaramdam ng galit. Ano bang kailangan nila? Bakit pati ang isang nananahimik na wolf ay pinagtitripan nila?

      "Hindi pa rin ba alam kung sino ang may kagagawan?" Madiin kong tanong. Diretso lang ang tingin ko sa daan habang palabas kami ng bahay.

      Pansin ko sa gilid ng mga mata ko na nilingon ako sandali ni kuya Hendrix.

      "Not yet."

      "Don't worry Sunshine. Dad's doing his best to catch the culprit." Tumango nalang ako sa sinabi niya.

      Alam ko namang ginagawa nila ang lahat para magbayad ang kung sinumang dapat magbayad. Hindi ko lang maiwasang magtaka at mapa-isip kung sino ba ang taong nasa likod nito.

      At ano naman ang balak niya?

      Naiintindihan kong maaaring pinatay nila si Mama dahil nalaman na nito kung sino ako. Pero, bakit naman nila papatamaan ang isang wolf gamit ang arrow na may poison? Ano, wala lang silang mapaglibangan? Ganoon ba? Hindi ko maintindihan.

Alexandria MontecilloHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin