XXXIX - When It Comes to You...

961 54 9
                                    

      "Let's practice your enhanced senses."

       "Sigurado ka? Paano kapag nangyari ulit yung kanina?"

        "It's going to be okay. I'm sure you will be able to control it this time."

       Napabuntong-hininga nalang ako bago tumango kay Xenon. Kanina pa kami nag-uusap tungkol sa kung ano-anong mga bagay. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal na andito sa taas ng puno, baka nga hinahanap na kami nila Mommy. Pero ayoko namang umalis dahil baka maya-maya lang ay dumating na si kuya Jarvis.

         Nasabi ni Xenon na baka kaya ako nagka-gano'n kanina ay dahil nag-activate ng kusa ang enhanced senses ko, pero dahil masyadong maraming tao at nararamdaman ko silang lahat kaya pakiramdam ko ay nanghihina ako. Sabi nga ni Xenon, "You're overwhelmed by your ability."

       "Just remember to focus." Hindi na ako sumagot kay Xenon at ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Huminga rin muna ako ng malalim bago subukang paganahin ang enhanced senses ko. Nakakatawa dahil dati naman ay nagagawa ko na ito ng maayos. Marahil ay tama 'tong katabi ko. Baka nga naninibago lang ako sa dami ng tao at malalakas na presensya sa paligid.

       "I'm glad that Arianne is pretty close with your sons. My heart is at ease when she's with them, for I know that her safety is reassured."

       "Kanina ka pa kain ng kain d'yan Ate, hindi ka ba nahihiya? Para kang hindi pinapakain sa bahay."

       "Can I call you ate Cassandra?"

       "Who is that girl, if you don't mind me asking?"

       Napakunot ang noo ko nang marining at maramdaman nanamang muli ang iba't-ibang presensya at ingay mula sa loob. Nagsisimula nanaman sumakit ang tenga ko dahil sa kakaibang ingay. Tila naghuhurmentado nanaman ang buong sistema ko.

       "It's okay Alexandria, take it in slowly." Naramdaman ko ang paghawak ni Xenon ng kamay ko kaya napangiti nalang din ako. Alam kong naaapektuhan siya sa ginagawa ko, pero andito pa rin siya at sinusubukan akong palakasin.

       Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko at piliin lang kung kaninong presensya ang nais kong pakiramdaman, at kung anong ingay lang ang gusto kong pakingggan. Ramdam ko ring mas humihigpit ang hawak ni Xenon sa kamay ko kaya mas lalong gumagaan ang pakiramdam ko.

        "You're doing good, don't rush it." Tumango-tango ako sa sinabi ni Xenon. Mukhang nararamdaman niyang umaayos na ang pakiramdam ko at dahan-dahan ko ng napapakiramdaman ng mas maayos ang paligid.

       "Where is Aria anyway? Why isn't she back yet?"

       "Let her be, she's with Xenon anyway." Napabuntong-hininga at napangiti naman ako nang sa wakas ay maayos ko ng naririnig ang ingay mula sa mesa nila Kuya. Mukhang maayos kong nagawa ito, dahil sa pagkakataong ito ay hindi na sumasakit ang ulo ko at wala na akong ibang ingay na naririnig. Tila nasa kanila na naka-pokus ang buong atensyon ng enhanced senses ability ko. Malinaw na malinaw sa pandinig ko ang bawat salitang mga binibitawan nila, na para bang nasa iisang mesa lang ako kasama sila.

        "Are they together... like together together?" Hindi ko alam pero napangiti ako sa tanong ni Melissa... Bakit kasi gano'n mga tanong niya?

        "Stop talking gibberish and speak properly. What are you even saying?" Natawa naman ako sa sinabi ni kuya Yohan. Mukhang hindi niya naintindihan kung anong ibig sabigin ni Melissa. Kahit hindi ko siya nakikita ay ramdam kong naka-simangot at naka-kunot noo nanaman siya.

        "Dumb. I mean, are they in a relationship? After all, Arianne here said that Xenon is Aria's boyfriend." Bakit ganito itong dalawang 'to? Laging mainit ang dugo ni kuya Yohan kay Melissa... tapos hindi rin naman siya nagpapatalo sa kapatid ko. Nagagawa nga niyang sagutin ito at sabihan ng kung ano-ano.

Alexandria MontecilloWhere stories live. Discover now