XI - I'll Be Watching You

2.1K 105 29
                                    

"Currently, there are five families ruling Hillwood. The Montecillos, The Montreals, The Pierces, The Austrias and The Arabellas..." Nagtuturo ngayon ang History teacher namin. Weekdays nanaman at balik nanaman sa usual routines. Gigising, papasok, matutulog at repeat.

Mabuti nalang at hindi ako nabobored sa subject na 'to. Madami kasi akong natututunan. Katulad ngayon, tungkol sa powerful families of Hillwood ang topic namin.

Nangunguna syempre ang mga Montecillos, sunod ang pamilya ni Xenon. Sa totoo lang ay ngayon ko lang nalaman na galing pala sa powerful family si Xenon.

Naalala ko nanaman yung nangyari noong Sabado. Hindi ko inasahang gano'n ang ability niya. Para siyang biglang pumasok sa utak ko at doon ako kinausap. Sobrang saya ko tuloy no'n. Mas sumaya pa nga ako kasi nalaman kong hindi galit sila Cassandra sa biglaang pag missing in action ko. Natuloy din noong Sabado ng gabi yung pinlanong sleep over ni Arianne sa dorm room namin.

Sa may gitna kami ng kwarto natulog. Nilapag namin yung bed mattress namin ni Cassandra at pinagdugtong iyon. Nagkuwentuhan lang din kami buong gabi. Sa sobrang libang namin, alas-tres na kami nakatulog dahil hindi namin napansin ang oras.

"Ever since from the start, even when Hillwood was just a little city, these families are already the powerful ones." Patuloy ni Sir. Noon palang pala talagang makapangyarihan na ang family nila Cass.

Pero sandali... nabanggit ni Sir na isa ang mga Pierce sa makakapangyarihang pamilya rito.

Napalingon ako kay Jarvis at Travis na naka-upo sa likuran ko. Tahimik lang sila at nakikinig sa History teacher namin. Nginitian ako ni Travis nang nilingon ko siya kaya nginitian ko rin sya pabalik at ibinalik ko na ang tingin ko sa harapan.

Pierce Family...

Kung tama ang pagkaka-alala ko, tinawag ni Hendrix na Mr. Pierce yung dalawang matandang nakasalubong namin noong Friday sa Town Center... Sila ba ang tinutukoy ni Sir?

"First, The Montecillos. I think all of you know who they are." Pagkasabi no'n ni Sir Andrew ay agad na napalingon ang mga kaklase ko sa mga naka-upo sa likuran ko, kanila Jarvis.

Agad din naman nilang ibinalik ang atensyon nila kay Sir, kaya ipinagpatuloy na ni Sir ang pagdi-discuss.

"Mr. Nick Friedrich Montecillo is the current owner and Director of this school. He is also the husband of Mrs. Scarlett Jane Ferrer Montecillo. And of course you all know their sons. Yohan Montecillo, Hendrix Montecillo, Travis Montecillo and Jarvis Montecillo." Naglalakad-lakad habang nagtuturo si Sir Andrew at tumigil siya sa tabi ni Travis nang banggitin niya ang pangalan ng magkakapatid. Bago siya tuluyang maglakad muli pabalik sa unahan ay tinapik-tapik niya pa ang balikat ni Travis.

"In terms of powerful abilities, businesses, wealth and strength, it's the Montecillos who are in the first rank." Patuloy ni Sir sa lesson niya.

Ang pagkaka-alam ko ay bina-base sa abilities, yaman at lakas ang ranking. Sila Jarvis pareho-pareho silang rare abilities ang taglay, halata rin naman na mayaman sila. Hindi na nakakapagtaka na nangunguna ang pamilya nila.

"The second family..."

Magsasalita na sana ulit si Sir Andrew pero may kaklase akong biglang nagtaas ng kamay. Tinanguan ito ni Sir kaya tumayo ito sa kanyang pagkaka-upo.

"Sir before we proceed to the Montreals, may we ask first about the Montecillo family's one and only daughter? Alexandria Montecillo." Sa tanong ng kaklase ko ay agad akong napalingon kanila Jarvis. Biglang sumeryoso ang mukha nila. Sensitive talaga sa kanila ang pag-usapan si Alexandria.

Alexandria MontecilloWhere stories live. Discover now