II - Clairvoyance

4.6K 183 52
                                    


     "Ayos ka lang?" Nabaling ang atensyon ko sa babaeng nakatayo sa gilid ng kama ko. Maganda siya at matangkad. Hindi siya sobrang payat pero hindi rin mataba, tama lang ang kanyang pangangatawan. Nakalugay rin ang kulay dark brown niyang buhok. Medyo curly ang dulo nito na bumagay naman sa kanyang maliit at bilog na mukha.

     "Ayos lang. Nanaginip lang." Ngumiti ako nang bahagya para ipakitang ayos lang ako. Hindi ko maalis sa mukha niya ang aking tingin. Ang ganda niya, sobra.

     Nagpakawala naman siya nang buntong hininga at ngumiti rin pagkatapos ay inabot niya ang kanyang kamay.

     "Ako nga pala si Cassandra!" Pagpapakilala niya. Nang mahimasmasan na ako sa pagkabigla ay agad ko ring inabot ang kamay niya at nakipagkamay din. "Ako si Aria."

     "Alam ko." Ngiti niya. Napa-kunot naman ang noo ko sa tinuran niya.

     Mukhang napansin niyang naguguluhan ako, kung kaya't agad siyang ngumiti at pumikit. Pagbukas niya ng kaniyang mata ay nag-iba na ang kulay nito.

     Napa-wow naman ako at agad na napatakip ng aking bibig.

     Ang kaniyang kulay abong magagandang mata ay nakatingin sa akin. Rare ability!

     Alam kong masyadong halata na namamangha ako sa kulay ng kanyang mga mata. Bumitaw naman siya sa pakikipag-kamay sa akin at umupo na sa kama upang maging magkaharap kami.

     "My ability is to see the future. Nakita ko na ang pangyayaring ito kaya alam ko na ang pangalan mo." Aniya.

     Pre-cognitive clairvoyance pala.

     "Ikaw? Anong ability mo?" Tanong niya.

     "Element ability ang meron ako." Naka-ngiti kong sagot sa kanya.

     "Ooooh amazing! May I see your eye color?" Tanong nito.

     "This is my eye color." Sagot ko na halata namang ikinagulat niya.

     "That's amazing. I didn't know it's possible." Mangha niyang sagot. Nginitian ko nalang siya. Ako rin naman hindi ko alam na pwede pala iyon.

     Kulay brown na may kaonting shade ng green kasi ang mata ko. Akala ko noon ay ito ang natural color ng eyes ko at magbabago pa ito kapag ginagamit ko ang ability ko, pero hindi. Turns out, ito rin ang mismong kulay ng mata ko tuwing naka-ability mode on ako.

     Ang ability ko ay Earth Element. Pero syempre hindi ko naman kontrolado ang buong Earth Element 'no? Related sa mga puno, lupa at green plants lang ang saklaw ng ability ko. Kaya nga napakalapit ko sa nature.

     Lahat kami dito ay ipinanganak na may kanya-kanyang ability. Hindi mo agad malalaman kung ano ang ability nang isang tao. Malalaman mo lang ito kung ipapakita niya sa iyo ang kulay ng mata niya kapag naka-ability mode on siya. Katulad nang ginawa ni Cassandra kani-kanina lang.

     Kapag brown ay paniguradong related sa nature, pero iba-ibang klase pa rin depende sa kung gaano ito ka-dark or ka-light at kung may shade ito ng ibang kulay. Katulad sa akin, brown na may shade ng dark green kaya mas nakatuon ang ability ko sa mga puno, lupa at mga berdeng bagay sa paligid. Ang sa Mama ko ay naman ay brown din pero may shade ito ng light pink kaya related sa mga bulaklak ang ability niya.

     Ang mga basic abilities naman katulad nang enhanced strength, invinsibility, telekenesis, enhanced thinking skills at iba pa ay kulay bright orange.

    Ang iba namang Element ability ay may iba ring kulay.

     Navy Blue color kapag related sa hangin. Clear Green eyes naman kapag ang ability ay may kinalaman sa tubig at Bright Red kapag apoy.

Alexandria MontecilloWhere stories live. Discover now