XXIII - and Seek

1.8K 101 28
                                    

      Nagising akong umiiyak dahil muli kong napanaginipan ang mga nangyari kagabi. Ang mga hindi ko kilalang lalaki na napatay ko... na pinatay ko.

      Umupo ako mula sa pagkakahiga at tiningnan ang lightning boomerang at dagger. Ipinatong ko ito kagabi dito sa bedside table ng hotel room na tinuluyan ko.

      Hindi ko alam kung nasaan ako, sa totoo lang. Pero pakiramdam ko naman ay malapit lang ito sa Oakwood Plaza. Paglabas ko kagabi ay malayo pa ang nilakad ko para makakita ng matutuluyang hotel. Puros bakanteng lote lang ang nadaanan ko. Sa tingin ko'y inabot din ako ng lampas kalahating oras sa paglalakad.

      Si Xenon naman... Hindi ko alam. Hindi niya ako sinundan kagabi. Sa tingin ko'y nagpa-iwan siya roon para... para iligpit ang mga bangkay nila...

      Umiling-iling ako.

      Maaaring hindi naman gano'n. Baka nga nakasunod lang siya sa akin ng hindi ko namamalayan.

      Paano nga ba niya ako natunton kagabi? Talaga bang dumating siya noong tinawag ko ang pangalan niya?

      Bakit kasi hindi siya agad pumasok agad. Pinanood niya lang akong... patayin sila.

      Napapikit ako dahil sa iniisip ko. Karumal-dumal. Hindi ko akalaing magagawa ko iyon. Hindi ko na talaga kilala ang sarili ko.

      Bumuntong-hininga nalang ako at inabot ang mga weapons. Saan ba kayo galing?

      Tinitigan ko rin ang mga palad ko. Iyong blue flames kagabi... saan naman 'yon galing? Bakit may gano'n ako?

      Bakit imbes na mga kasagutan ay puros katanungan pa ang nakukuha ko? Wala ba akong karapatang malaman ang mga impormasyon na ipinagkait sa akin?

      Inilapag ko sa kama ang boomerang at dagger na hawak ko. Tumayo at dumiretso nalang ako sa banyo para mag-ayos. Pinasadahan ko rin ng tingin ang wall clock na nakasabit sa may dingding ng hotel room. Mag-aalas otso na pala ng umaga.

      Paglabas ko ng banyo ay napukaw ng atensyon ko ang box. Mabuti nalang ay nakuha ko pa rin ito at ang bag ko. Natatakot na akong buksan pa itong muli dahil baka puros bagong katanungan lang ang makuha ko. Akala ko mabibigyan ako nito ng sagot, hindi naman pala.

      Bumuntong hininga ako.

      Ilang minuto pa muna akong nagpalakad-lakad sa loob ng kwarto. Iniisip ko kung bubuksan ko ba ito, o hindi. Sa huli ay napagdesisyunan kong muling suriin ang mga laman nito.

      Bukod sa mga litratong ipinagkait sa'kin, at sa kwintas na nakita ko kahapon, may isang letter pang laman ang box. Sinuri ko muna ang papel at napakunot ang noo ko nang mapagtantong bago lang ito. Hindi ito yung sobrang lumang papel na. Parang kamakailan lang ito inilagay dito.

      Umupo muna ako ng maayos sa kama, at humugot ng malalim na hininga bago buksan ito.

      Aria anak,

      Nakaramdam naman ako ng kakaibang sakit nang mabasa ang unang dalawang letra.

      Isa itong letter. Galing kay Mama.

      Mabigat man sa pakiramdam ay muli ko nalang na ipinagpatuloy ang pagbabasa.

      Aria anak,

     May mga bagay sa mundong ito na hindi ko alam kung paano sasabihin sa'yo. May mga impormasyong hindi ko alam kung paano ipapa-alam sa'yo. May mga sikretong hindi ko alam kung paano ibubunyag sa iyo. Hindi dahil ayokong malaman mo, kundi dahil takot akong mawala ka sa akin.

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon