XLIV - Weapons

859 46 1
                                    

       "Bumabagal ka ata Love."

       "I'm just taking my time."

       Naalimpungatan ako sa mga boses na naririnig ko kaya agad akong napabangon. Medyo sumakit ang ulo ko sa ginawa ko pero ininda ko nalang ito. Dumapo agad ang tingin ko sa wall clock ng kwarto ko at napakunot noo nang makitang alas singko palang ng umaga.

       "Were you practicing without me? When did you learn that?" Tumayo ako agad para hanapin ang pinanggagalingan ng boses. Alam kong boses iyon ni Daddy pero nasaan siya? Bakit rinig na rinig ko ang sinasabi niya?

       "That's a secret." Sunod kong narinig ang sagot ni Mommy na sinundan niya ng isang tawa.

       Kusang naglakad ang paa ko papunta sa balcony at binuksan ang sliding door dito. Hindi ko naman maiwasang mapayakap sa sarili ko nang sumalubong sa'kin ang malamig na hangin mula sa labas. Napahikab ako pero naagaw din agad ang atensyon ko ng dalawang taong nag-eensayo sa baba, sa may training grounds. Medyo madilim pa at hindi pa sumisikat ang araw, pero sapat na ang liwanag para makita ko ang mga magulang ko.

       Nakasuot si Mommy ng isang blue halter top, at itim na shorts na may blue na design sa gilid. Naka-side ponytail ang buhok niya, at may ilang hibla rin ng buhok na nahuhulog sa mukha niya. Hindi ko maiwasang mapangiti sa nakikita ko.

       Nagte-training si Mommy at Daddy at kahit seryoso sila sa pagtalo sa isa't-isa ay halata pa ring nag-eenjoy sila. Maging ang mga galaw ni Daddy ay pulido, at sinisigurado niyang hindi niya mapupuruhan ng sobra si Mommy. Kung tutuusin ay ngayon ko lang sila nakitang mag-ensayo. Palagi kong nakikita sila Kuya na maglaban, pero hindi ko akalaing ginagawa din iyon nila Mommy. Akala ko kasi ay hindi naman sila nagsasanay dahil masyado silang abala sa maraming bagay.

        Tila nabuhayan naman ako ng dugo nang may pumasok na ideya sa isipan ko. Tumakbo ako agad papasok sa kwarto at dumiretso sa closet. Hindi ko na tiningnan kung anong nakuha kong damit dahil hinablot ko lang ang unang pares ng nakatuping training clothes na nakita ko. Nang makapagbihis ako ay saka ko lang napagtanto na halos magkapareho pala ang suot namin ni Mommy.

       Isang light blue na halter crop top at itim na sweatpants ang suot ko. Ewan ko pero hindi ko maiwasang mapangiti. Balak ko kasing sumama sa training nila Mommy at Daddy. Gusto kong matuto mula sa kanila. Tapos nagkataon pang halos pareho kami ng suot. Pakiramdam ko tuloy ay mana ako kay Mommy. Napa-iling iling nalang ako sa mga iniisip ko at itinali ko lang ang buhok ko. Lalabas na rin sana ako ng kwarto ko ngunit nahagip ng mga mata ko ang kwintas kong nakalagay sa ibabaw ng bedside table ko. Nakalagay pa rin ito sa kahong lalagyan nito, pero nakabukas naman kaya di ko maiwasang mapatingin dito.

       Ito yung kwintas na nakuha ko sa mga iniwang sulat ni Mama Rianne. Ang kwintas kong may pendant ng totoong pangalan ko.

        Alexandria

        Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito magawang suotin. Una dahil sikreto pa rin ang pagkatao ko, at ikalawa dahil hindi pa ako handang akuin ng buo ang responsibilidad na nag-aantay sa'kin.

       Kinuha ko ito mula sa lalagyan at niramdam ang mga batong naka-ukit dito gamit ang palad ko. Sa tingin ko ay pinasadya nila Mommy ang kwintas na ito.

       Hindi ko maiwasang mapa-isip.

       Kailan kaya ako magiging handa para harapin lahat ng nag-aantay sa'kin sa hinaharap? Kailan kaya ako titigil sa pagpikit ng mga mata ko at pag-iwas sa mga bagay na nag-aabang sa akin?

       "You're going to close your eyes again?"

       "Closing your eyes is what you've been doing for the past ten years." 

Alexandria MontecilloOnde histórias criam vida. Descubra agora