III - Montecillo Brothers

3.6K 156 42
                                    


     "Sayang Aria, hindi tayo parehas ng schedule sa morning classes. Sa dalawang subject lang din tayo magkaklase sa afternoon class." Malungkot na sabi ni Cassandra habang inaayos ang mga gamit niya.

     "Oo nga, sayang. Pero di bale, diba sabay naman tayong mag-la-lunch?" Tanong ko habang chine-check ang mga gamit ko sa bag. Nang masiguro kong dala ko na lahat ng kailangan para sa unang araw ng klase ay hinarap ko na si Cassandra na ngayo'y abala na sa pag-ayos ng kanyang nagulong higaan.

     "Syempre no! Tsaka malay mo sumabay sa'tin sila Travis." Nilingon niya ako at ngumiti siya. Hindi ko naman naiwasang mapangiwi dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ng pinsan niya.

     "Huwag mo ng ipilit Cass. Kita mo namang wala silang pakialam noong pinakilala mo kami sa isa't isa, diba? Nilayasan pa nga tayo e." Mas lalo akong sumimangot nang maalala ko ang nangyari noong nakaraang araw sa harap ng main building.

     Mabait naman 'tong si Cassandra pero yung mga pinsan niya, walang modo. May topak siguro yung mga 'yon, o di kaya'y sadyang bastos. Pwede namang tumango man lang sila noong pinakilala kami ni Cass sa isa't-isa diba bilang respeto lang. Pero yung mga masusungit na 'yon, nilayasan kami. Daig pa babaeng nireregla.

     "Ano ka ba. Ganoon lang talaga yung mga yun. Pa-cool. Pero I assure you, they're really nice once you get to know them." Oo, tama, pa-cool nga sila. Natumpak mo Cass.

     "Huwag nalang natin silang pag-usapan dahil hindi rin naman ako interesado sa kanila. Pasensya ka na Cass ha? Ikaw lang sapat ng kaibigan para sa'kin. Wala akong pake sa mga pinsan mong may period." Pagtatapos ko ng usapan at nagsimula nang maglakad palabas ng kwarto. Narinig ko pang bumuntong hininga si Cassandra pero hindi na rin naman siya nagsalita pa.

     Lunes na ngayon... At ngayon rin ang unang araw ng pasukan.

     Mula noong makilala ko ang apat na magkakapatid na Montecillo ay hindi ko na rin sila nakita pang muli. Siguro dahil di rin naman ako masyadong naglalalabas ng dorm. Noong hapon ng Sabado ay nagkulong lang ako sa kwarto at nagbasa ng isang novel. Si Cassandra naman ay umalis dahil may kailangan daw siyang asikasuhin. Hindi na rin kami lumabas ng dorm noong sumapit ang hapunan dahil sa dorm nalang namin kinain ang dalang pagkain ni Cass pagbalik niya.

     Kinabukasan naman ay tumambay lang ako sa veranda at pinagpatuloy ang pagbabasa ng librong natipuhan ko. Si Cassandra naman ay umalis din ulit at hapon na siya nakabalik. Hindi ko alam kung saan siya pumunta pero hindi nalang din ako nagtanong. Pagdating niya ay nagkuwentuhan nalang kami ng kung ano-ano.

     Hindi ko alam kung paano umabot sa apat niyang pinsan ang topic namin noong hapon na 'yon, pero pinakilala niya sila sa akin.

     Si Yohan Montecillo, ayon kay Cass, ay yung lalaking pinaka-maliit sa kanila. Hindi naman talaga siya maliit dahil di hamak na mas matangkad siya kesa sa amin ni Cassandra at hindi naman nalalayo ang height niya sa tatlo niyang kapatid, pero "maliit" ang term na ginamit ni Cass kaya um-oo nalang ako. Si Yohan ang pinakamatanda sa kanila, kulay itim ang buhok niya at ang puti puti niya. Hindi naman maipagkakailang gwapo si Yohan pero mukha nga lang laging walang pake. Sabi ni Cassandra ay ganun lang daw talaga siya pero sa kanilang magkakapatid ay maalaga naman ito at pasimpleng sweet. Medyo malakas nga lang mambara. Savage.

     Ang pangalawa naman sa kanilang magkakapatid ay si Hendrix Montecillo. Katulad ni Yohan ay may itsura rin ito. Pero hindi katulad ni Yohan, masayahin daw ito at siya ang main joker sa kanilang magkakapatid. Madaldal daw ito kung minsan at sobrang hyper pero kahit ganoon ay masaya naman itong kasama at tunay na mabait. Maputi rin si Hendrix pero hindi kasing puti ni Yohan. Brown naman ang kulay ng buhok nito.

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon