XLI - Monster

926 48 6
                                    

       Dana Pierce...

       Napanaginipan ko nanaman siya. Muli nanamang sumagi sa isipan ko lahat ng mga alaala ko kasama siya, at si Mama, noong bata pa ako.

       Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na may kinalaman siya, o hindi kaya'y maaaring siya ang may kasalanan sa likod ng nangyari noon... at sa pagkamatay ng Mama Rianne ko- ng taong itinuring siyang kaibigan.

      "Alexandria! Focus!" Nabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang sigaw ni kuya Travis kasabay ng pagdaplis ng isa sa mga throwing knives niya sa kaliwang braso ko.

     Napakagat nalang ako sa ibabang parte ng labi ko dahil sa kirot at tinapunan ito saglit ng tingin. Bago ko muling ibinalik ang tingin sa harapan ay huminga muna ako ng malalim. Hindi dapat ako magpa-apekto sa mga panaginip na iyon. Kailangan kong mas lumakas, para mas maayos ko ng makontrol ang sarili ko. Gusto kong lumakas.

       "Hindi aantayin ng kalaban na maging handa ka. Dapat lagi kang alerto Alexandria." Napatango ako sa sinabi ni Kuya Hendrix, bago sumagot ng "sorry, hindi na mauulit."

       Martes na ngayon, at mula noong nalaman ko kay Xenon na konektado si Dana sa lahat ay lagi ko na siyang napapanaginipan. Kahit ayaw ko ay hindi siya maalis sa isipan ko, at nararamdaman ko ang galit sa loob ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng ganito, at naiinis ako dahil parang gustong kumawala nito.

      Kaya mula pa kahapon ay puros training lang ang ginagawa ko. Hindi rin naman kami pinapasok nila Mommy at Daddy sa Academy dahil paparating na raw ang Dia de Honor para kay Tita Nichole. Hindi ko na itinanong kung ano iyon, dahil malalaman ko rin naman bukas. Ibinaling ko nalang lahat ng atensyon ko sa training para mawala sa isip ko si Dana.

       Kahapon ay puros combat ang pinagawa sa'kin ni sir Saturn. Pinag-1vs1 niya rin ako laban sa mga kapatid ko. Ni hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang kalabanin sila, at ang sakit ng katawan na natamo ko kahapon. Masyadong puno ng katanungan ang isipan ko, at nanggigigil ako na hindi ito masagot. Kaya sa pakikipaglaban ko nalang ibinubuhos ang mga saloobin kong hindi ko mailabas.

        At ngayon, training naman kung saan kailangan kong iwasan lahat ng ibinabato nilang throwing knives sa akin. Kanina pa kami paulit-ulit sa ginagawa namin. Sa katanuyan ay nanghihina na ako dahil ilang beses na akong dinaplisan, at tinamaan ng mga throwing knives ni Kuya Travis. Ang tatalim pa naman ng mga ito at halatang gawa sa mamahaling materyales pa. Mabuti nalang ay andito si kuya Hendrix para pagalingin ang mga sugat ko. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang round na namin ito. Pero masasabi ko namang proud ako sa sarili ko, dahil sa paglipas ng bawat round ay mas nagagawa ko ng iwasan ang mga ito.

       "Maybe you're still too weak to handle this training Alexandria." Napatingin naman ako kay kuya Yohan nang marinig ko ang tinuran niya. Prente lang siyang nakatayo sa ilalim ng puno at nakasandal dito.

       Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Baka nga tama siya. Ang tagal tagal ko ng nagte-training ng paulit-ulit. Sila Sir Saturn at ang mga kapatid ko na mismo ang nagtuturo sa'kin. Pero hindi ako gumagaling. Itong pag-iwas sa mga ibinabatong throwing knives ni kuya Travis na lang ang gagawin ko, hindi ko pa magawa.

       Pero bakit ganito? Nalulungkot ako dahil sa iniisip ko, pero hindi ko rin maiwasang mainsulto. Lalo na sa sunod na sinabi ni kuya Yohan.

       "Perhaps you're not fit to be a Montecillo, baby A." May panunuya kasi sa tono ng pananalita niya. Lalo na sa pagtawag niya sa'kin ng Baby A.

       Napakagat ako sa labi ko at tinaliman siya ng tingin.

       "Kuya ano bang sinasabi mo?" Rinig kong inis na tanong ni kuya Jarvis sa kanya.

Alexandria MontecilloOù les histoires vivent. Découvrez maintenant