LVII - The Night Before

737 48 34
                                    

       Siguro kung may makakakita sa amin, iisipin nilang may party dito o ano. Ako mismo nalulula sa mga nakahilerang sasakyan dito sa parking lot, sa likuran ng H-Park.

        Isa-isa kong pinagmasdan ang mga sasakyang nasa harapan ko. Ang kulay pulang Jeep Renegade ni Raven, pulang Ford Mustang GT Convertible ni Arianne, tapos ang kulay puting Chevrolet Traverse ni kuya Jarvis. Idagdag mo pa ang kulay thunder grey na Volvo XC40 ni Xenon. Hindi ito iyong sasakyan niya noon, kaya sa tingin ko ay bago lamang ito. Kung nagdala pa ng sasakyan sina kuya Hendrix, kuya Travis at kuya Yohan, pwede na silang magkaroon ng car exhibition dahil halata namang puros mamahalin ang mga kotse nila.

       Pero syempre, hindi iyon ang importante sa ngayon. Nililibang ko na lang talaga ang sarili ko sa kakatingin sa mga sasakyan nila, dahil ang totoo ay naiinis na ako kakaisip.

        Simula nang dumating sina Raven, Melissa at Arianne kanina sa Diner nagsimula ng magkaroon ng mga katanungan sa utak ko. Tapos bigla pang sumulpot si Vivienne, ang taong hindi ko pinaka-inaasahan sa lahat, kaya pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko. Isa pang lalong nagpa-kumplikado ng lahat ay kung paanong pinansin ni Kuya Yohan sina Raven, at pinagsabihan pa sila na nahuli sila ng dating. Kasi ni hindi ko inakalang may usapan sila, dahil alam naman naming lahat na ayaw na ayaw ni kuya sa mga Pierce.

        Nang nahimasmasan naman ako sa nangyari at nagsimula ng magtanong, wala naman ni isa sa kanila ang sumagot sa akin. Basta inaya na lang nila kuya sina Arianne, Vivienne, Raven at Melissa na umalis na ng Diner. Pinasakay na rin ako ulit ni kuya Travis sa kotse ni kuya Jarvis kaya wala akong magawa kung hindi sumunod.

       Pagkasakay at noong umandar na ang sasakyan paalis ng Diner, muli akong nagtanong kanila Kuya kung anong nangyayari. Ngunit wala rin sa kanilang sumagot kaya bumuntong hininga na lang ako nanahimik na.

       Halos walang sampung minuto lang ang itinagal ng byahe namin mula sa Diner hanggang dito sa park. Noong una ay hindi ko pa alam ang lugar na ito, dahil hindi pa naman ako nakapunta sa rito. Para kasing nasa may liblib na parte ito kaya nagulat na lang ako nang sabihin ni kuya Yohan na nasa likuran kami ng H-Park.

        Isang beses ko lang napuntahan ang H-Park at sa main entrance kami noon dumaan ni Mama Rianne, kaya wala akong ka ide-ideya na may daanan din dito sa likod. Pinasadahan ko na lang ng tingin si Arianne na kinakausap si Vivienne habang pareho silang nakasandal sa sasakyan niya. Nahagip din ng mga mata ko ang pagbaba ni Melissa ng sasakyan ni Raven kaya napabuntong hininga na lang ako.

        Kanina pa ako nakatayo rito pero hindi pa rin bumabalik sina kuya Yohan. Pumasok kasi silang apat at si Xenon sa H-Park. Sisiguraduhin lang muna raw nilang makakapasok kami. Pero sa totoo lang, ang pakiramdam ko'y mali itong ginagawa namin. Anong oras na, tapos andito kami at nagtatangkang pumasok. Ano ba kasing gagawin namin dito?

       "Parang bad mood ka Peppermint ha?" Agad ko namang nilingon si Raven nang maramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko, at umiling. Humugot din muna ako ng isang malalim na hininga bago sumagot, "naguguluhan lang ako sa mga nangyayari."

       Isang mahinang tawa naman ang pinakawalan ni Raven kaya napakunot na lang ang noo ko. "So hindi mo alam kung bakit ka andito?" Tanong niya na agad ko ring inilingan bilang sagot. Wala akong kahit katiting na ideya, ano.

         Nagpakawala si Raven ng isang malalim na buntong hininga, tapos ay napahawak siya sa kanyang magkabilang sentido. Umarte rin siya na parang minamasahe niya ang ulo niya, na animo'y sobrang stressed siya sa akin. "Why don't you know?" Tanong pa niya kaya napakamot na lang ako sa ulo ko.

       "Ano ba kasing dapat kong malaman? Sabihin mo na lang kaya sa akin?" Eksaherada naman siyang nagpakawala ng hangin at humarap sa akin. Ang reaksyon niya ay sobrang seryoso at para bang pagod na pagod siya kaya nakaramdam din ako ng awa.

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon