XXXVIII - I'm Sorry Princess...

1K 60 23
                                    

       "Happy birthday!" Hinigpitan ko ang yakap ko kay Arianne nang makalapit siya sa'min. Bahagya naman siyang natawa at sinuklian din ang yakap ko.

       "Thank you A girl!" Humiwalay din ako agad sa pagkakayakap sa kanya dahil gusto rin siyang batiin ni Cass at ng mga kuya ko. Nang makababa kasi siya kanina ay hindi pa siya agad nakalapit sa'min dahil pinag-speech pa muna siya ng mga magulang niya.

       Ngayon palang siya nakapunta sa'min dahil dito raw siya kakain kasama kami.

       Isa-isa siyang binati nila kuya at Cass, kasama na rin si kuya Jarvis na halatang nahihiya pero kinikilig din naman. Binati rin siya nila Melissa at Raven, at sinuklian niya ito ng mahigpit na yakap at malapad na ngiti. Alam kong hindi sila malapit sa isa't-isa pero hindi naman mahirap kaibiganin si Arianne, kaya sigurado akong magkakasundo rin sila. At pakiramdam ko naman ay mabuting tao si Melissa at ang kapatid niya.

       Nang matapos na sila sa pagbabatian ay tumabi na si Arianne sa kaliwa ni Cass. May isang upuan kasing bakante sa pagitan ni Melissa at Cassandra. Lumipat din si Raven sa inuupuan ko kanina, kaya ngayon ay katabi na niya ang Ate niya. Ang upuan nalang sa pagitan ni Raven at kuya Hendrix ang bakante. Hindi ko tuloy maiwasang mapalingon lingon sa paligid. Para kay Xenon ba ang sobrang upuan? Nasaan na ba siya? Hindi kaya siya pupunta? Sila ng Daddy niya?

      "Are you okay?" Nilingon ko naman si Kuya Travis at tinanguan. "Ayos lang." Pero imbes na sumagot ay pinagtaasan niya lang ako ng isang kilay kaya nginitian ko na lang siya.

      Mukhang may gusto pa siyang sabihin pero hindi naman niya itinuloy at nagkibit-balikat nalang. Buti naman.

       Isa-isa ng sinerve ang mga pagkain habang mahinang nagkukwentuhan ang mga bisita. Napangiti naman ako nang makitang nakikipag-kwentuhan si Cass kanila Arianne at Melissa. Mabuti naman at mukhang nagkakasundo sila. Si Kuya Travis naman ay pinaglalaruan ang buhok ni Cass kaya maya't maya ay sinasaway siya nito pero tumatawa lang siya. Wala ba 'tong magawa at si Cassandra ang pinagti-tripan niya? Buti pa sila kuya Jarvis, kuya Yohan at kuya Hendrix ay tahimik lang na nag-uusap.

       Huli naman akong napatingin kay Raven at agad na napataas ang isang kilay ko nang makitang nakatingin siya sa'kin. Umiling naman siya bigla at ngumiti kaya napakunot nalang ang noo ko.

       Nang ma-iserve na ang mga pagkain ay nagsimula na rin kaming kumain, at ganoon din ang ibang bisita. May pumunta ring mga performers sa harapan, sa may makeshift stage at nagsimula silang magpakitang gilas gamit ang element ability nila. Hindi ko tuloy maiwasang mapanganga. Gamit kasi ang abilities nila ay pinapakita nila ang mga naging pangyayari sa buhay ni Arianne habang lumalaki. Parang VCR pero gamit ang abilities at hindi recorded kundi live. Pansin ko ngang maging ang ilang bisita ay natitigilan para manood. Idagdag mo pa ang magandang musikang tumutugtog sa background.

      Nasa kalagitnaan kami ng pagkain at kuwentuhan nang maramdaman ko bigla ang presensya ni Xenon. Agad akong napa-angat ng tingin at napalinga-linga. Sigurado akong sa kanyang presensya itong nararamdaman ko, hindi ako maaaring magkamali.

       "A girl, nasaan na pala yung boyfriend mo?" Huh?

       Sasagot palang sana ako kay Arianne nang maunahan ako bigla nila Kuya magtanong. Napa-awang ang bibig ko at nanlaki ang mata ko dahil sa reaksyon nila.

      "Who?"

       "Sinong boyfriend ni Sunshine?"

       "Sinong boyfriend?"

       "Anong boyfriend?"

       "May pumatol sayo Peppermint?"

       Sinamaan ko naman ng tingin si Raven dahil sa tanong niya. Bastos 'to, anong gusto niyang palabasin?

Alexandria MontecilloWhere stories live. Discover now