VI - Sunshine

2.7K 128 56
                                    


      🎶 "Alright, a repeating seesaw game. It's about time we put an end to it. All right, this boring seesaw game. Somebody has to get out of here. Though neither of us can."

      Malakas na musika ang bumungad sa akin pagpasok ko ng kwarto namin ni Cassandra. May catchy itong beat at maganda rin ang boses ng kumakanta.

      🎶 "Don't let anyone know who'll get off first. Let's not drag things out, however our hearts lead us. Are we getting out of here or not? This repeated seesaw game... we have to stop it now."

      "Oh you're here!" Bati sa akin ni Cass nang makita niya ako paglabas niya ng CR. Nginitian ko siya at tinanguan bago ako dumiretso sa kama ko at humiga.

      "Bakit nga pala hindi ka pumasok ng PE, Cass?" Tanong ko kay Cassandra na sumasayaw-sayaw ngayon habang nakikinig sa kantang pinapatugtog niya. Kakatapos lang ng huling klase ko ngayong araw, PE. Pero hindi pumasok si Cass kaya kaming dalawa lang ni Arianne ang magkasama.

      Actually si Xenon din... hindi pumasok. Pero ano nga bang pakialam ko? Hindi ko naman siya kilala at mas lalong hindi naman kami friends. Iniling-iling ko ang ulo ko at pilit na inalis nalang ang lalaking iyon sa isipan ko. Ibinaling ko nalang kay Cass ang tingin ko.

      "I needed to do some errands." Sagot niya ng hindi tumitingin sakin at diretso pa rin sa pagsayaw. "Why? Did something happen?" Dagdag niya.

      "Wala naman. Nag-lesson lang si Sir tungkol sa iba't-ibang uri ng exercises na ipapa-perform niya bukas. Exercises daw 'yon to keep the body fit and ready in times we need to defend ourselves." Hindi pa siya combat moves talaga. Exercises lang.. Pang warm-up siguro.

      Nakita ko namang tumango-tango lang si Cassandra, naka-pokus pa rin siya sa pagsasayaw.

      "Cass sino nga palang kumanta niyan? Ang ganda kasi." Natutuwa talaga ako sa beat at meaning ng song na pinapatugtog ni Cassandra. Ang sarap pakinggan. Catchy yung beat pero yung message ng kanta malalim.

      Tumingin naman sa akin si Cass at tumigil sa pagsayaw. Halata ang tuwa sa mukha niya. Siguro dahil nagustuhan ko rin yung kantang pinapakinggan niya at siguro dahil nag-eenjoy siya sa pagsayaw.

      "It's Yohan."

      "Wow." Hindi ko inaasahang lalabas yan sa bibig ko. Hindi ko kasi inasahan na si Yohan pala ang kumanta. Maganda ang boses niya. Pwedeng vocals at pwedeng rap, may rap na part kasi sa kanta...

      Naalala ko sabi nga pala ni Cassandra na mahilig kumanta ang mga pinsan niya.

      "Why? Is it that shocking?" Tanong ni Cassandra na medyo natatawa pa. Umiling naman ako. "Medyo, pero ang ganda ng boses niya ha?" Tumango-tango naman sa akin si Cass na para bang sumasang-ayon siya sa sinabi ko. Totoo naman kasi, maganda ang boses ni Yohan.

      "Believe it or not, those guys really has an amazing voice. They all sing so beautifully in their own way, like their parents." Mula sa paghiga ay agad akong napa-upo dahil sa sinabi ni Cass. Mukhang may balak kasi siyang mag-kuwento at ewan ko ba, parang interesado ako sa sasabihin niya.

      "Tita has an angelic voice. It's so pretty... like her. As for Tito, he's more focused on rapping and writing songs during his free time." Naka-upo na si Cass sa kama niya at nakatingin sa akin.

      "Alam mo ba, yung mga ginagawang kanta ni Tito ay hindi lang basta basta. Lahat yun magaganda ang message." Dagdag niya pa.

      Napatango-tango naman ako.

Alexandria MontecilloWhere stories live. Discover now