XXXII - For My Brothers

1.2K 68 9
                                    

      "Ready na kami!" Hindi ko maiwasang matawa nang marinig ko ang sigaw ni kuya Hendrix mula sa kabilang dulo. Itinaas din niya ang kanang kamay niya at nag-okay sign. Siya ang magtutulak ng push cart at si kuya Yohan naman ang nakasakay sa team nilang dalawa.

     Itinaas ko rin ang kamay ko para bilangan sila.

     "One..."

     "Two..."

     "Three..."

     "GO!" Pagka-sigaw ko ng 'go' at pagkababa ko ng kanang kamay ko ay nakita ko namang nagsimula nang magtulak sina kuya Hendrix at kuya Jarvis.

     Natawa naman ako nang makita ang mga reaksyon nila. Si kuya Travis at kuya Yohan ay parehong hindi mapakali habang naka-upo sa loob ng push cart at sila kuya Jarvis at kuya Hendrix naman ay pareho nang tumatawa at sumisigaw dahil masyado silang close sa isa't-isa, parehong ayaw magpatalo.

     "Aaaaaaaah." Nang marinig ko ang tili ni kuya Hendrix ay tuluyan na akong napahagalpak. Bigla kasing dumikit sa kanya si kuya Jarvis at naggigit-gitian ang push carts nila. Tinawanan din lang siya ni kuya Jarvis.

     "Speed up Hendrix!" Parang batang tili ni kuya Yohan, parang kulang nalang ay bumaba siya tapos silang dalawa nalang ni kuya ang magtutulak.

      Nasa may kalagitnaan na sila nang bumilis bigla ang takbo ni kuya Hendrix kaya biglang napamura si kuya Jarvis. Narinig kong natawa rin sina kuya Yohan sa inasal ni kuya Jarvis kaya naman napahawak nalang ako sa tyan dahil sa kakatawa.

      "Shit shit shit" Para na siguro akong baliw dahil sa kakatawa nang sunod sunod ang naging mura ni kuya Travis dahil naunahan na sila nina kuya Hendrix. Masyado na silang nadadala ng race kaya kung ano ano na ang lumalabas sa mga bibig nila.

     Pinunasan ko naman ang nakatakas na luha mula sa mata ko dahil sa sobrang pagtawa. Kung dala ko nga lang ang cellphone ko ay vinideohan ko na sila. Napapa-padyak kasi pareho si kuya Yohan at kuya Travis dahil sa sobrang excitement tapos sina kuya Jarvis at kuya Hendrix naman ay masyadong seryoso ang mukha tapos hinahangin pa ang buhok nila kaya sobra akong natatawa. Sobrang priceless ng mga reaksyon nila at ang sarap kuhanan ng litrato tapos i-display sa Museum of Memes.

     "Wooooooh Go Hendrix! Go Jarvis!!" Nang malapit na sila sa finish line ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at napa-cheer na ako. Sinigurado ko lang na di ko sila matatawag na kuya dahil baka may makarinig.

     Ang intense na ng laban nila dahil halos sabay na sabay lang sila. Tapos ang intense rin ng mga reaksyon nila kaya imbes na mag-cheer pa ako ulit ay tumawa nalang ako.

     "Waaaaaaaaaah!" Sobrang lapit na nila sa finish line nang mapasigaw ako bigla dahil nagtake lead sina kuya Hendrix at nauuna na sila kanila kuya Jarvis. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko at napapatalon na rin ako dahil sa sobrang excitement.

      Sila kuya Hendrix kaya ang mananalo dito?

      "Wooooo go kuya!!" Konting konti  nalang aabot na sila kuya sa finish line. Sisigaw at tatalon na sana ako pero natigilan ako nang biglang huminto ang push cart nila kuya Yohan, at parang na-stuck ang gulong.

      "Hala hala!"

     "Anong nangyari Hendrix!" Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at napatawa nalang ng malakas nang mapasigaw si kuya Yohan. Sobrang gulat niya siguro kaya nakapag Tagalog na siya. Ngayon ko lang din siya narinig na mag-Tagalog kaya wala na akong pake kung grabe ang tawa ko dito.

     Idagdag mo pang tinatawanan din sila nina kuya Travis dahil nahahabol na sila at di magtatagal ay malalampasan na sila nito. Tapos para pang mga batang nagpa-panic sina kuya Hendrix.

Alexandria MontecilloWhere stories live. Discover now