XXXIII - Travis' Girlfriend

1.1K 61 5
                                    

     "Travis has a girlfriend!"

     Iyan ang bumungad sa'min ni Arianne pagkapasok namin ng cafeteria. Agad namang nagbulong-bulungan ang ilang estudyante dahil sa sinabi ng babaeng student na nag-announce no'n. Nagkatinginan kami ni Arianne at parehas na napakibit balikat nalang.

     Hindi naman kasi totoo 'yon. Paano magkaka-girlfriend si kuya? Kung hindi pagkain ay weapon naman ang hawak niya. Kung may girlfriend man siya, yung mga daggers niya iyon. Kita mo nga tinatawag niyang baby yung favorite dagger niya.

     Hinayaan nalang namin ni Arianne na magkagulo ang ilan at dumiretso nalang sa counter para umorder. Tapos na ang exam namin at pareho kaming gutom na gutom na. PE kasi ang exam namin ngayong araw, at talaga namang naubos ang lakas ko doon sa combat.

     "Poor Cassie girl needs to help the teacher pa. I'm sure gutom na 'yon." Napatango naman ako sa sinabi ni Arianne. Dapat kasi ay sabay sabay kaming magtatanghalian, kaso biglang ipinatawag si Cass ng isang teacher. Ayun, pinauna niya na kaming kumain dahil marami raw iniuutos sa kanya.

     "Ibili nalang natin siya ng pagkain pagkatapos natin, kung sakaling di pa siya makababa rito." Tinanguan naman ni Arianne ang suhestiyon ko bago bumaling sa staff para sabihin ang order niya.

      Pagkatapos naming makuha ang pagkain namin ay dumiretso na kami sa lamesa namin. Ganoon pa rin ang ilang mga babae, nagbubulungan pa rin sila at pinag-uusapan ang 'girlfriend' kuno ni kuya Travis. Napapa-iling nalang ako. Saan naman kaya nila napulot ang balitang iyon?

     "They're so weird." Natawa naman ako sa sinabi ni Arianne. Sinabihan ko nalang siyang huwag nalang silang pansinin at kumain nalang.

      Habang kumakain ay hindi naman namin maiwasang magkuwentuhan tungkol sa exam. Sobra talaga kasi akong bumibilib sa kanilang dalawa ni Cassandra. Ang exam kasi namin sa PE ay dapat naming iperform yung combat skills na itinuro sa'min ni Sir Saturn. 1vs1 ang style pero hindi laban sa kapwa namin estudyante, kundi laban kay Sir Saturn. Kapag naperform ng maayos lahat ng offensive and defensive skills, automatic na perfect score iyon. Kapag naman may isang mali, minus five points sa bawat mali.

     Naperform ng maayos nila Cassandra, Arianne at Xenon yung skills kaya automatic na perfect score silang tatlo. Sila nga lang nakakuha ng ganoong score sa buong klase. Ako naman, marami-rami akong minus. Nakakaba kasi. Gustong-gusto ko rin yung combat lessons namin, kahit halos pamatay ang sakit sa katawan, pero hindi ata talaga para sa'kin iyon. Hindi kasi ako kasinggaling nila kuya.

     "Are you still thinking about the exam?" Napansin siguro ni Arianne na natigilan ako sa pagkain at napatingin sa kawalan. Tumango ako sa kanya bilang sagot.

     "Sorry, hindi ko maiwasan. Nakakapanghinayang lang." At nakakahiya kay sir Saturn. Noong nag-training kami sa Montecillo Mansion ang dami niya pang itinuro sa'kin. Dapat nga ay mas naging okay yung performance ko kaso ayun nga, marami akong mali. Baka isipin niya ay hindi ko tinandaan lahat ng lesson niya.

     "A girl, I'm going to say this not because I'm your friend but because it's what I see. Para sa'kin you actually did great for someone who never tried any combats before." Napanguso naman ako sa tinuran ni Arianne.

     "Remember when you first tried the skills sir Saturn taught us? When you don't know the truth yet? Noong mga second week palang ng pasukan? You were so awkward at it. Ang bad ng fighting stance mo at ang bigat ng mga galaw mo. Now it's gotten a lot better and I'm sure sir Saturn thinks the same." Napatakip naman ako bigla ng mukha dahil sa sinabi niya. Totoo naman iyon, na sobrang pangit ng performance ko noong una. Palagi nga akong nasisita noon ni sir Saturn. Kung umaayos ayos man ang performance ko, dahil na rin siguro iyon sa mga itinuro ni Sir at ng mga kapatid ko.

Alexandria MontecilloNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ