XII - You Lost

2.1K 120 61
                                    

      Thursday.

      Dalawang araw na ang lumipas pero hindi ko pa rin nakikita sila Jarvis, o kahit sino sa mga kapatid niya. May nangyari kaya?

Gusto ko mang tanungin si Cassandra ay hindi ko magawa. Nitong mga nakaraang araw ay masyado siyang seryoso at mukhang stress. Palagi rin siyang hindi nakakasabay sa amin ni Arianne tuwing lunch time, mukhang may pinagkaka-abalahan siyang importanteng bagay. Tuwing PE class naman ay masyado kaming focus palagi sa combat dahil strikto si Sir. Pagdating naman sa dorm ay umaalis siya ulit at minsan babalik siya kapag gabing gabi na o di kaya'y tulog na ako. Kinakausap niya kami pero laging mabilisan lang. Lagi siyang nagmamadali.

      Hinahayaan ko nalang si Cassandra. Sa tingin ko ay family-related ito. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala kanila Jarvis. Naka-tanggap nga kaya sila ng punishment? Pero anong punishment naman?

Hindi ko na mabilang kung nakaka-ilang buntong hininga na ako mula pa kaninang umaga. Parang masyadong tahimik ang paligid.

      Sa History class namin ay tahimik. Parang ayaw ng magsalita ng mga kaklase ko. Ayos naman sila. Wala naman silang sugat o kung ano man. Mukha lang silang takot magsalita pa tungkol kay Alexandria. Hindi na rin itinuloy ni Sir Andrew ang lesson niya tungkol sa powerful families in Hillwood. Sobrang nakakalungkot. Gusto ko pa naman yung topic na iyon.

      "Aria!" Napalingon ako sa pamilyar na boses na tumawag sa'kin. Si Arianne.

      Patakbo siyang lumapit papunta sa akin at mukhang nagmamadali.

      "Arianne bakit? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya nang makalapit siya.

      Humugot muna siya ng isang malalim at mahabang hininga bago sumagot.

      "It's nothing Aria girl. I just want to tell you na hindi ako makakasabay sa'yo ngayong lunch. May kailangan lang akong tapusin na report. I'm sorry." Bakas ang lungkot sa boses niya. Agad ko naman siyang nginitian.

      "Ano ka ba! Akala ko naman kung ano na. Ayos lang, 'wag kang mag-alala. Tapusin mo na ang kailangan mong tapusin." Wala namang kaso sa'kin iyon. Syempre ay naiintindihan ko siya.

      "Sure ka you'll be fine eating alone?" Halata namang nag-aalinlangan pa rin siya sa tono ng pagkakatanong niya kaya binigyan ko siya ng isang malapad na ngiti at tinanguan.

       "Oo naman. 'Wag kang mag-alala. Magkita nalang tayo sa PE class."

      Kahit nag-aalinlangan ay tumango pa rin si Arianne kaya pinagtulukan ko na siya paalis. Nang tuluyan na siyang maka-alis ay pinagpatuloy ko na rin ang paglalakad ko papunta sa kabilang building.

      Nakaka-conscious na mga tingin.

      Iyan ang sumalubong sa akin pagpasok na pagpasok ko palang ng cafeteria. Hindi ko nalang ito pinansin. Siguro ay nagtataka sila kung bakit mag-isa lang ako, at kung bakit hindi ko kasama sila Arianne o Cassandra.

      Minsan naiisip ko pa rin kung sila ba ay masama rin ang tingin sa akin, tulad no'ng mga babaeng narinig ko sa washroom noong Welcome Party. Lagi kong naitatanong sa sarili ko kung iniisip din ba nilang kaya lang ako nakiki-pag-kaibigan kanila Cass dahil gusto kong umangat. Pero pinipilit ko nalang na kalimutan iyon at huwag na lang intindihin. Tutal naman ay alam ko sa sarili ko ang totoo. At alam ko ring alam at ramdam nila Cassandra na hindi masama ang intensyon ko sa pagkakaibigan namin. Iyon ang mas importante. 

      "Sasama ka ba sa field trip next week?" Habang nakapila ako sa linya ay hindi ko maiwasang hindi marinig ang pag-uusap ng dalawang estudyante sa unahan ko.

Alexandria MontecilloWhere stories live. Discover now