Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko.

"Sa isang mahirap na katulad namin, natural ang magkaroon ng magaspang na mga kamay." Sambit ko.

"I'm sorry. Did I offend you?" Nakita ko ang pagkabahala sa mukha nito.

Umiling ako.

"Hindi naman." Sambit ko at bahagyang napaatras nang makaramdam ako ng pagkahilo.

Mahina akong napadaing at nabitawan ko ang hawak na baso. Nabasag iyon at akmang pupulutin ko nang pigilan ako ni Ethan.

Nanlalaki ang mga matang tumalikod ako at tinakpan ang mukha nang aksidente nitong nahila ang scarf na nakatakip sa kalahating mukha ko.

"D-Don't look at me, please." I'm almost begging and my voice is trembling.

Nanginginig din ang buong katawan ko sa pagkabigla.

Narinig ko ang marahas na pagbuntong-hininga nito at kapagkuwan ay nakita kong inabot nito ang scarf ko mula sa likod.

"Ibalik mo sa mukha mo." Anas nito. "Promise, I didn't see anything." Patuloy nito.

Sa nanginginig na mga kamay ay kinuha ko ang scarf mula dito at mabilis iyong itinakip sa mukha ko.

"You okay now?" He softly asked.

Tumango ako kahit nakatalikod ako dito.

Napapitlag ako nang hawakan ako nito at dahan-dahang ipinihit paharap dito.

"I don't know what's your reason why you're hiding your face but I won't judge you whatever it is. Don't be scared, Hanna." Anito habang titig na titig sa mga mata ko. "I can see it in your eyes. You're totally scared. Hindi lahat ng tao ay katulad ng iniisip mo." Dahan-dahan ako nitong binitawan at kapagkuwan ay umatras.

"I don't know but I don't like it." He murmured.

"Y-You don't like what?" I silently asked.

"'Yong nakita kong takot sa mga mata mo kanina. I honestly don't like it. Parang...gusto kong alisin ang takot sa mga mata mo." Mahinang tugon nito.

Natigilan ako at hindi na makaimik pa. Ano ang ibig nitong sabihin?

Napabuntong-hininga ito.

"I think, I should go home." He said and smiled at me. "Subukan mong ipaayos ang pinto ng apartment mo." Iyon ang huling bilin nito bago ito tuluyang lumabas.

Naglakad ako at hinatid ito ng tingin habang naglalakad ito patungo sa kotse nito. Lumingon ito sa akin at nakipagtitigan. Ako ang unang nag-iwas ng tingin at awtomatiko kong isinara ang pintuan ng apartment ko.

Dumiretso ako sa maliit kong kuwarto at tinanggal ang takip sa mukha ko. Napatitig ako sa repleksyon ko sa harap ng salamin.

Umangat ang kamay ko at hinaplos ang mukha kong sinira ng mga taong pinagkatiwalaan ko ng husto. Ang sakit na dinanas ng mukha ko ay wala pang kalahati sa sakit na naramdaman ko nang malamang tinraidor ako ng mga taong pinagkatiwalaan ko.

Si Enzo, ang kababata ko. Si Selene, ang pinsan kong wala akong ibang ginawa kundi ang pakitaan ito ng kabutihan at ang mga tiyuhin ko na akala ko ay totoo ang mga pinapakita sa'kin pero lihim palang may binabalak sa kayamanang iniwan ng mga magulang ko.

Sila mismo ang nagpakilala sa'kin na bagong CEO ng kompanyang iniwan ng mga magulang ko but I never thought that they have hidden agenda.

They all ruined not only my face but my whole world. And until now, the pain that they've caused is really painful. Nagpapakasaya sila sa kayamanang ninakaw nila mula sa'kin at inakala nilang tuluyan na akong nawala.

Nang gabing nangyari ang sunog sa bahay ko sa isla ay may nagligtas sa'kin. Sila ang pamilyang pinagkakautangan ko ng loob. Ang pamilyang tahimik na naninirahan sa kabilang isla.

Nang gabing iyon ay wala na akong malay at natagpuan ko na lang ang sarili na nakahiga sa isang maliit na papag habang ginagamot ako ng isang matandang babae.

Yes, they are poor and helping me escape from that hell was a big help. Malaki ang utang na loob ko sa kanila at kung kaya ko lang ibalik ang lahat ng kabutihang ginawa nila ay gagawin ko. Inalagaan nila ako at pinakain sa loob ng ilang buwan habang nagpapagaling ako.

I tried to live normal and they let me live here in Manila. Hindi ako puwedeng magtagal doon dahil bukod sa halos wala din silang makain ay ayokong maging pabigat sa kanila.

Kung anu-anong trabaho na ang pinasok ko dito sa Maynila. Hirap na hirap ako lalo na sa hitsura ko. Hindi ako basta-basta nakakahanap ng trabaho dahil sa hitsura ko. Some people are looking at me with disgust. Diring-diri sila sa mukha ko.

Sino nga ba ang hindi mandidiri? Binuhusan ng asido ang mukha ko at kalahati niyon ang nasira. Dagdagan pa na naabot ng apoy ang kalahati ng katawan ko. I look like a monster.

It's a good thing that my eyes weren't damaged by the chemical. Hindi umabot sa mga mata ko ang asido kaya iyon na lamang ang nagmumukhang matino. Kung sakaling naabot iyon ng asido ay paniguradong mabubulag ako.

Muling bumalik sa isip ko si Ethan. Natakot ako kanina dahil baka nakita nito ang mukha ko. I don't want him to see my face for some reason. Tama nang nakita ko ito ulit at kailangan ko na itong iwasan.

Maybe I should change my work. Bukas na bukas din ay magre-resign ako sa cafe. Ayokong magkaroon ng koneksyon dito. Ayokong makilala ako nito kahit alam ko namang imposibleng makilala ako nito. Ang mukha ko noon ay malayong-malayo sa mukha ko ngayon.

Tama, dapat ko na itong layuan. Dapat ko itong iwasan. Ayoko nang magkaroon ng koneksyon sa mga taong nakilala ko noon. Ayoko nang magtiwala ulit sa kahit na kanino man.

Minsan na akong nagtiwala at heto ako ngayon, pinagdudusahan ang tiwalang binigay ko noon sa mga taong nakapaligid sa akin. Sinira at kinuha nila ang lahat sa akin. At hindi ko na alam kung kaya ko pa bang bawiin ang lahat ng iyon.

Hindi ko hahayaang mapalapit muli sa mga tao. Hinding-hindi na ako magtitiwala.

To be continued...

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang