"I thought it was three, like what you said.." mahinang bulong nya pa.

Yun nga pala ang sinabi ko sa email ko.

"And this one." sinulyapan nya ako sa salamin at muling tumitig sa batok ko. "I know what it means."

Agad ko syang hinarap para mabitawan nya ang buhok ko.

Kitang kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata nya. Magsasalita pa sana ako pero mabilis nya na akong hinila at niyakap.

Eto na nga ba ang sinasabi ko.

"Akala ko ba sa email mo na sasabihin lahat? Pero bakit hindi mo isinamang ikwento ang tungkol dito? May alam na ako tungkol doon sa organization nyo dahil sinabi mo, pero bakit hindi kasama ito?" tuluyang nagcrack ang boses nya kaya humiwalay ako sa kanya para matignan ko sya. Bigla syang tumungo pero alam kong umiiyak na s'ya.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matouch o dapat akong mainis sa inaasta nya. Ayaw ko ng kinakaawaan ako.

"Don't you trust me enough?" tanong nya pa habang humihikbi.

"Hindi ko sasabihin sa'yo ang mga bagay na yun kung hindi kita pinagkakatiwalaan Ellie. At alam kong alam mo yan." pagdidiin ko sa kanya. "I trusted you. Kaya dapat pagkatiwalaan mo rin ang mga bagay na hindi ko pa kayang sabihin dahil masakit pa sa'kin."

"Pero bakit kailangan mong solohin? I'm always here for you. Ready akong makinig kapag masyado ka ng nabibigatan."

Naiinis ako sa mga tingin nya sa'kin ngayon na para bang sobrang kaawaawa ako.

"Huling beses ko na itong sasabihin sa'yo Ellie at hindi ko na muling uulitin pa. Hanggat kaya kong tiisin ang bigat, dadalhin at dadalhin ko yun kahit saan ako magpunta. Hinding hindi ko yun para ipapasan sa iba." pagtutuldok ko sa usapang iyon.

Pero bago pa man kami matapos sa ginagawa namin, muli na naman syang may sinabi na nagpaisip sa'kin.

"Alam kong may balak ka pang idagdag. Sana bago mo yun gawin, sabihin mo muna sa'kin. Huwag mo ng ilihim sa'kin. I love you Candid, at alam mong bilang kaibigan mo, karamay mo ako sa lahat ng bagay. Huwag mo naman sanang ipagdamot sa'kin yung obligasyon bilang matalik na kaibigan mo."

And that line makes my heart aches. Hearing those words from her makes me realizd a lot of things.

Do I really deserve someone like her?

Kung alam ko lang na marami ang mangyayari at nakaamba pang mangyari sa pagbabalik ko dito sa Laguna, sana hindi ko na lang piniling magkaroon ng kaibigan kahit isa.

How can I protect you now Ellie?

May rason ako kung bakit ko sinabi sa'yo ang mga bagay na hindi ko dapat sinasabi kahit na kanino. Yun lang kasi ang naiisip kong paraan para malinis ang konsensya ko. Para kapag dumating yung araw na kinatatakutan ko, may isang katulad mo na magsasabing hindi ako ganoong tao.

Kahit ikaw lang Ellie. Kahit ikaw lang ang maniwala. Kahit ikaw lang ang makaalam.

At yun ang natatanging karapatan na pwede kong maibigay...bilang kaibigan.

ELITESWhere stories live. Discover now