Epilogue

3.8K 134 48
                                    

EPILOGUE - VON'S POV

"Inhale.. Exhale, Baby! Push it. Common and push.." Coach ko kay Lianne habang hawak ko ng mahigpit ang kamay niya.

Naandito ako sa loob ng Delivery Room. Namumuo na ang pawis sa aking noo. Ninenerbyos ako dahil ngayon ipapanganak ng asawa ko ang panganay namin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ganito pala ang feeling ng first time Daddy? Mixed emotions.

"AGHHHHH...." Ani Lianne kasabay ng isang sobrang lakas na ire.

"UHA!" Iyak ng anak ko sa wakas!

"Congrats, Doc Von & Mrs. Lee! It's a bouncing Baby boy!" Masayang balita sa amin ng OB na nagpaanak sa asawa ko.

Tinanaw ko sila habang nililinisan ang anak ko. Pagkatapos ay bumaling ako sa asawa ko. Awang awa ako sa kanya. Parang pagod na pagod na siya. Siya ang nagiisang inspiration sa buhay ko. Pero mas masaya ako ngayon dahil binigyan pa niya ako ng dagdag na dahilan para mabuhay. Binigyan niya ako ng isang supling na lalaki. Hindi ko tuloy napansin na napaluha na pala ako. Tears of joy.

"Thank you, Asawa ko! Salamat sa paghihirap mo para bigyan ako ng anak." Malambing na sambit ko sabay halik sa kanyang basang basa ng pawis na noo. Hindi biro ang pinagdaanan niya alam ko. Kaya higit na minamahal ko pa siya kumapara sa dati.

"It was all worth it, Baby! Mahal na mahal ko kayo ng anak mo." Sagot ng namumutla niyang mga labi dala ng pagod. Ngumiti siya sa akin. Ngiti na tuwing masisilayan ko ay nagbibigay ng kaligayahan sa puso ko.

"Here's your baby, Doc." Abot sa akin ni Doktora.

Binitawan ko muna si Lianne. Binuhat ko ang anak ko para ipakita sa kanya. Ingat na ingat ako. Takot na mahulog siya sa kamay ko. Para sa akin, isa siyang babasagin na kailangang ingatan. Wala akong pagsidlan ng kaligayahan dahil sa wakas, may isang trophy na ako!

"Kamukha ko siya, Asawa ko." Masayang sambit ko kay Lianne.

Inabot niya ang mga kamay niya sa akin. Kaya naman maingat na inilapag ko si Little Lee sa tabi niya.

"Ang gwapo niya, Baby!" Masaya ring sabi niya. Kinuha pa niya ang isang kamay nito at hinalikan.

Kumawag kawag naman si Little Lee. Parang naramdaman niya na katabi niya ang kanyang Ina. Alam ko naman kasi na wala pang nakikita si Little Lee. Ilang araw pa iyan bago makakita. Pero naririnig na niyan ang paligid niya.

Just by looking at my wife and my son, I can't help but cry. Naiiyak ako. After all the troubles we've been through, magiging masaya din pala kami sa huli. Mabuti na lang at nailigtas ko sa kamay ng mga goons ni Don Juan sina James at Lianne.

Aaminin ko na para akong mamamatay muli ng bigla na lang siyang naglaho ng parang bula kasama si James. Tanging iyong kaalaman ko lang na buntis siya, base sa pregnancy test na iniwan niya, ang nagpatatag sa akin. Kung hindi dahil sa kaalaman kong magkakaanak na kami ay baka nawalan na naman ako ng interes para mabuhay.

Lungkot na lungkot ako noon ng umattend ako ng kasal ng inaanak kong si ZL Roff. Mabuti pa si Steph at magkakaapo na sila ni Franz. Samantalang ako, nawawala ang aking asawa.

Kung hindi ko pa naging asawa si Lianne, maaaring nagselos ako at nagisip ng masasamang bagay sa pagkawala nila ni James. Baka pumasok sa isip ko na nagtanan sila at pinagtaksilan ako. Pero hindi kailanman sumagi iyon sa isip ko. Because I know that the moment na ikinasal na kami ni Lianne sa isa't-isa, we have surrendered ourselves to each other. Body and soul.

Kaya kumuha ako ng private investigators. Bukod sa personal na paghahanap ko ay ipinahanap ko din sila. Bumalik ako sa pagkanta, para madali akong matukyan ng mga tao. Ginawa ko iyon para kung sakaling ordinaryong tao ang makakaalam kung nasaan sila, madali nila akong mahahagilap para sabihan. Mas magiging malapit ako sa masa, mas okay. Mas madaling matutugunan ang mga anunsyo ko sa mga dyaryo kung nasaan sila.

Forever with the Star (AWWTS 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant