FWTS 10

8.9K 110 17
                                    

A/N:

Paki basa naman po ang MY ALIEN BOYFRIEND na isinulat ko. Nasa works ko po iyan. Baka po kasi maligaw kayo. Huwag kayong mag-alala. Iibahin ko ang takbo ng story niyan. Hindi ko itutulad sa ending ng nasa Korean Drama.

Salamat po sa lahat ng nagVOTE at nagCOMMENT dito. Sana po ay patuloy nating suportahan sina VON at LIANNE. Thanks!

___________________________

FWTS 10

ONLY HOPE

BLAG!

ENGGG!

Nagtakipan kaming lahat ng tenga. Nabitawan kasi ni Von ang mic kaya nagfeedback. Agad niya akong inalo dahil nag-alala siya.

"Lianne, hindi naman iyon ang sasabihin ko eh." Mahinahong sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

"S-Sa-Sabi m-mo, hihingin m-mo ka-kasi ang kamay ko, eh." Sabi ko sa gitna ng paghikbi.

Dinaluhan na rin ako ng mga kasama ko. Pati sila ay hindi maunawaan kung anong nangyayari sa akin. Alam kong center of attraction ako ngayon. Pero the h3ll I care! Sila kaya tanggalan ng kamay, matutuwa sila?

"Shh.. Tahan na, Baby. Ang ibig kong sabihin ng hihingin ko ang kamay mo ay pakakasalan kita." Paliwanag niya habang eto ako, binabasa ng luha ang dibdib niya.

Ano daw???

...hihingin ko ang kamay mo ay pakakasalan kita.

...hihingin ko ang kamay mo ay pakakasalan kita.

....hihingin ko ang kamay mo ay pakakasalan kita.

Parang gripo na biglay sumara ang tuluan ng mga luha ko. Napadistansiya ako sa kanya ng konti. Laglag ang aking panga na nakatitig sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa sinambit niya. Totoo ba iyon?

Pati mga kasama ko ay parang naestatwa. Alam kong dinig na dinig din nila ang sinabi niya. Si Cathy ay namimilipit na sa kilig. Alam kong tulad ko, masaya sila sa narinig mula kay Von.

"P-Pakakasalan mo ako?" Nauutal na tanong ko.

Ang lakas ng kalabog ng puso ko sa sinabi niya. Parang kinakapos pa ako ng hininga. Lalo na at nang titigan ko ang kanyang mga mata ay nababasa kong seryoso siya at hindi siya nagbibiro.

"Pakakasalan mo ako!" Tuwang-tuwang sabi ko.

Ang laki ng ngisi ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Wala akong paglagyan ng kaligayahan ko. Proposal na ba ito?

"Hey!" Inilayo niya ako ng konti sa kanya para matitigan ako. Pero ang kamay niya ay nasa magkabilang balikat ko. Ang kamay ko ay nasa bewang pa rin niya.

"Woo!"

"ANG TAGAL NIYAN!"

"Kanta na!"

Kanya-kanyang sigaw ng mga tao. Naiinip na sila dahil ang tagal naantala ng kanta ni Von dahil sa akin.

"Nagpopropose ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko. "Hindi pa, Lianne. Plano palang iyon na pinaalam ko sa iyo." Nakangiting sabi niya.

Naginit ang pisngi ko. Nahihiya ako dahil masyado akong naging assuming. Sabagay, tama siya. Wala pa kaming isang linggo bilang magkasintahan. Napaka-aga nga naman kung kasal agad ang aatupagin niya.

Forever with the Star (AWWTS 2)Where stories live. Discover now