FWTS 29

6.9K 98 29
                                    

FWTS 29

WALA NA

Tulad ng sinabi ni James, hindi nga ako ginalaw ng mga tauhan nila. Tinanong lang ako ni Mang Cardo kung nasaan daw ba si James. Nang sinagot ko naman siya ng hindi ko alam, hindi naman na siya umangal. Alam ko namang imposible ang sagot ko, pero hindi nila ako tinanong pang muli.

"Mukhang naisipan pa ninyong dalawa na maligo ah?" Nakangiting sabi niya at tumalikod na. Ayaw pa sanang sumama ng dalawang lalaking kasama niya, pero hinila na niya palayo sa amin.

Napakunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang mga pangyayari. Hindi ba dapat ay inusisa nila ako? Dapat ay pilit nila akong pinaamin kung nasaan si James? Tapos sa simpleng sagot kong ganoon ay ayos na sa kanila? Ang weird nila!

Pumasok na ako sa bahay. Naabutan ko na doon sina Tatay at Nanay. Tinuturuan ni Nanay ng leksyon niya si Angela. Habang si Tatay naman ay nakikipagkulitan kay Kyle.

"Saan ka galing?" Tanong sa akin ni Tatay matapos kong magmano sa kanila.

Lumipat si Kyle sa tabi ko at hinalikan ako sa pisngi. Pinaglaruan niya ang dulo ng mga buhok ko. Ngumiti lang ako. Hinayaan ko siya dahil alam kong aalis na rin ako mayamaya.

"Sa bukid po." Sagot ko.

Natigil si Nanay sa pagtuturo ng assignment kay Angela. Kunot noong tumingin siya sa akin.

"Anong ginawa mo doon?" Usisa niya.

Tumikhim muna ako. Magulang ko sila. At tingin ko, kailangan kong magtapat sa kanila. Ayokong nagtatago ng sikreto kina Nanay. Huling sinubukan ko, pumalpak ang plano ko. Iyon ay noong pekeng kasal nga namin ni James.

"Nagkita po kami ni James." Sagot ko habang nilalaro ang mga daliri ko dahil sa nerbyos.

Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksyon nila. Kumbaga ay quota na ako sa gulo ngayong linggong ito. Ayoko naman na pumasok na naman sa panibago at magalala sila. Pero tingin ko ay kailangan ko pa ding ituloy ang plano.

"LJ." Untag sa akin ni Tatay. Nilingon ko siya at inaantay ang susunod niya sasabihin. "Lumayo ka. Alam kong hindi mo gustong makasal kay James. Lumayo ka sa hindi ka maabot ng kanilang impluwensiya." Dagdag ni Tatay.

Kapag sinabing malayo sa impluwensiya ay talagang kailangan kong lumabas ng Pilipinas. Bakit naman ako pinalalayo ni Tatay?

"Narinig ko si Don Juan. Inutusan niya sina Cardo na bantayan ka. Alam kasi nilang pupuntahan at pupuntahan ka ni James." Pagpapatuloy ni Tatay.

"Tinatakot mo naman ako, Tatay." Hindi ko mapigilang sabihin. Nanglalamig na nga ang mga palad ko agad eh!

Tumikhim si Tatay. "Ang sabi ni Don Juan, kailangang dalhin kayo ni James sa mansyon. Hindi pwedeng paisa-isa. Kailangang sabay kayong dalawa." Ani Tatay.

"Bakit naman daw, Dan?" Usisa ni Nanay.

Inabot ni Tatay ang kamay ko at marahang pinisil. "Buo pa din ang loob ni Don Juan na makasal sina LJ at James. Kahit daw bakla ang anak niya, magiging lalaki din daw iyon kay LJ." Paliwanag ni Tatay kay Nanay pero sa akin nakatingin.

Forever with the Star (AWWTS 2)Where stories live. Discover now