FWTS 50

6.7K 145 77
                                    

A/N:

Mag VOTE at COMMENT na po kayo agad para hindi nadedelay ang update. Iyon kasing iba, nabasa na, deadma! Tapos magvovote lang kapag atat na sa next chapter at wala nang mapiga na pwedeng votes sa co-readers nila. Magparticipate naman po kayo. Alam ko kung sino ang mga nagvovote at nagcocomment. Napasok sa notification ko kasi ako ang nagsulat ng kwento. Alam ko kung hindi totoong naboto kayo.

Mamayang gabi pagkatapos ng mga lakad ko ay magpopost ako ng teaser ng next update sa FACEBOOK PAGE na ANGELMELAY WATTPAD

65 VOTES + 60 COMMENTS = UPDATE! MAXIMUM of 3 COMMENTS PER READER. Pero kapag nareach na ang 60 comments, pwede na kayong magunli comment. Oh baka magkamali. Basahin ulit ang reminder ko ah. Ayoko na ng paulit-ulit na sinasaway. Malalaki na tayo :)

Please add TROY'S ACHILLES to your reading list. Magfollow na agad dahil may mga SPG CHAPTERS iyan na balak kong i-private. Read ninyo din iyong THE STAR sa hindi pa nakakabasa.

Enjoy!

___________________________________

FWTS 50

I REMEMBER

Madami kaming napagkwentuhan ni Von on our way here sa Majayjay, Laguna. Puro tungkol sa current events, showbiz at career nila. Pero ang mas gusto ko sanang topic ay tungkol sa aming dalawa. Pero parang umiiwas siya. Ang sabi niya lang ay magenjoy lang daw kami.

Huminto kami sa malapit sa paanan ng Majayjay River. Hindi siya public resort. Pumunta lang kami sa isang private place na dinadaanan din ng malamig na tubig ng Majayjay. Walang tao dito sa pinuntahan namin. Ang sabi ni Von ay sa kanyang Lolo Bennet pala iyong bahay bakasyunan sa taas. Dito daw sila napunta kapag gusto nilang magrelax.

"Kumain muna tayo." Yaya sa akin ni Von dito sa may veranda ng resthouse ng pamilya niya.

Kanina ay tinawagan niya sa kanyang celphone ang katiwala dito para ipaghanda kami. Pinagluto pa kami ng makakain. Kaya nang pagdating namin ay maaliwalas na ang paligid at luto na ang pagkain. Babalik na lang daw si Ateng tagalinis mamayang hapon.

Umupo ako sa tapat ng inuupuan niya. Tumingin ako sa paligid. "Ang ganda naman dito!" Hindi ko napigilang puriin ang lugar. Napaka peaceful kasi ng paligid.

Ngumiti siya at inabutan ako ng sandwich. "Thank you!" Sabi ko pa at kinagat na ang sandwich. Masarap siya, in fairness!

"Mabuti naman at nagustuhan mo." Nakangiting sabi niya.

Muntik ko ng mabitawan ang tinapay na hawak ko ng dumukwang palapit sa akin si Von. "B-Bakit?" Kinakabahang sambit ko. Kapag ganito kasi kalapit ang mukha niya, hindi ko maiwasang hindi maisip ang nangyari sa coaster kahapon.

"May dumi ka." Pinunasan niya ang gilid ng labi ko. "Messy." Natatawang puna pa niya sa akin.

Nagiwas ako ng tingin. Dahil sht lang! Nagiinit ang pisngi ko sa ginawa niya. Nagkunyari na lang akong abala sa paninitig sa ilog.

"Paborito dito ni Lola Nicole noong buhay pa siya." Kwento niya.

"Maganda naman kasi dito." Sangayon ko sa kanya. Pati hangin ay parang ang linis-linis.

"Oo. Ang ganda."

Tumingin ako sa kanya at ganoon na lang ang gulat ko ng mahuling sa akin siya nakatingin. Ako ba ang sinasabi niyang maganda? Weh! Kinikilig ako!

"Lalo na kapag nagba-blush ka." Dagdag pa niya.

Homay goodness! Pwede bang himatayin? Pakiramdam ko tuloy ay may kumikiliti sa puso ko. Nagtatatalon tuloy ang aking maliglig na puso.

Forever with the Star (AWWTS 2)Where stories live. Discover now