FWTS 2

12.8K 168 37
                                    

FWTS 2

JAMES VILLAREAL

"LJ, gising na at tanghali na. Kumain ka na dito at nakapagluto na ako." Tawag sa akin ni James mula sa labas ng pinto ng aming kwarto ni Cathy.

Noong isang araw pa naandito si James sa aming apartment. Kasama siyang dumating ng kapatid ko mula sa Laguna. Marahil ay ipinahatid sa kanya ng mga magulang ko ang kapatid kong si Jerico. Dito din kasi nag-aaral si Jerico ng B.S. Computer Science sa Maynila. 

 

Si James Villareal ay kababata ko. Maaga siyang pumasok sa eskwelahan noong mga bata pa kami. Kaedad ko siya at malapit na siyang matapos ng kursong Agriculture sa UP. Parehas kami ng baryong pinagmulan. Ang kaibahan nga lang, doon sila sa malaking bahay sa aming baryo naninirahan. Hindi tulad namin na barong-barong lamang ang tirahan. May kaya kasi ang pamilya nina James. Sila ang nagmamay-ari ng limang ektaryang sakahan sa aming baryo at ilan pang ektarya sa kalapit. Pero kahit ganoon, nanatiling mabait at walang ere sa katawan.

 

Solong anak si James kaya sabik siya noong mga bata pa kami sa kalaro. Madalas siyang makipaglaro sa amin ni Jerico, lalo na sa akin, kapag napunta kami sa kanila. Kapag medyo mainit na ay naglalaro na kami. Kapag kasi hindi pa masyadong mainit ay pinapatulong kami noon ng aking kapatid sa aming mga magulang sa paghuhulip ng mga tanim na palay ng mga Villareal. Ang aming mga magulang kasi ay dati nilang mga magsasaka. Natigil lang noong nabenta na ang iba pa nilang lupa at ginawang subdivision.

 

Kaya madalas na kasama kami ni Jerico nina Nanay at Tatay sa pilapil. At sa murang edad ay natuto na kaming humarap ni Jerico sa hirap ng buhay. Swerte nga ang mga sumunod sa amin ng pangalawa kong kapatid. Tanging pag-aaral at paglilinis na lamang ng bahay ang kanilang pinagkakabalahan. Hindi tulad noong kami ni Jerico ay bata pa. Naglilinis, naglalaba, natulong sa bukid, nag-aaral, at nag-aalaga ng aming mga nakakabatang kapatid ang aming mga gawain.

 

Nang maging highschool kami ay mas naging dikit pa kaming magkaibigan ni James. Hindi naman matapobre ang mga magulang niya. Nang kinulit niya ang mga iyon na ilipat siya sa public school na pinapasukan ko ay pumayag sila. 

 

Para kaming kambal noon ni James na laging magkasama. Kung nasaan ang isa, nandoon din ang isa. Madalas tuloy kaming tuksuhin noon ng mga kaibigan at kalaro namin sa isa't-isa. Anya, sa pagtanda daw namin ay tiyak na kami ang magkakatuluyan.

 

Alam ko noon sa sarili ko na mahal ko si James, at ganoon din siya sa akin. Datapwat, hindi namin alam noon kung anong uri ba ng pagmamahal ang nararamdaman namin. Hindi kami nagligawan at naging magnobyo. Ang katwiran namin ay 'Bakit pa? Kung para na rin naman kaming magkasintahan na laging magkasama. Doon lang ay masaya na kami.'

 

Nang maging highschool kami ay naging tampulan na kami ng tuksuhan. Madalas kasi kaming magkapareha sa lahat ng bagay. Madalas tuloy kaming biruin na bagay kami. Ngiti lang ang palagi naming sagot noon. Masaya rin naman kasi kami sa isa't-isa kaya ayos na rin sa amin ang mga biro nila.

"Gusto kong si LJ ang maging asawa ng anak ko sa hinaharap, Dan." Nakangiting sabi noon ni Don Juan sa aking ama.

Nasa sakahan sila noon sa kabilang baryo. Kasalukuyan kasing anihan kaya naandito ang mga magulang ni James. Ako noon ay abala sa pagluluto ng tanghalian ng mga magsasaka sa malaking kubo na pinagawa ng mga Villareal sa gitna ng sakahan.

Forever with the Star (AWWTS 2)Where stories live. Discover now