FWTS 8

9.8K 113 18
                                    


A/N:

I would like to thank my ever AVID READER, na hindi pa ako masyadong marunong magsulat ay taga-basa ko na, @mjvelasc0! Sis, thank you! Salamat sa pagtama mo ng FWTS 7. Hindi nga pala naging magkasintahan sina Fatima at Von. Si Franz nga pala ang dating nobyo ni Fatima. Thank you!! <3

And to my other readers, please VOTE & COMMENT. Diyan sumasaya ang isang author. Salamat sa walang sawang nagVOTE at nagCOMMENT sa mga previous chappies. Tenchu!

_________________________________


FWTS 8


WHY DO WE HURT THE ONES WE LOVE?

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Tama ba talaga ang pagkakarinig ko? Parang hindi ako masyadong sigurado.

"Gusto lang kitang makasama, LJ." Nakangiting sagot ni James.

Dmn! Totoo nga ang narinig ko na sinabi niya! Dito nga mag-aaral sa aming school ang kababata ko! 

Napakunot ang noo ko. Bakit siya lilipat eh consistent na Dean's Lister siya sa UP? Gagawin niya iyon para lang makasama ako? Baliw ba siya?

Pero ang noo ko ay tuluyan ng nalukot ng maramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Von sa aking palad. Automatic na napatingin tuloy ako sa kanya. Napansin kong naniningkit ang kanyang mga mata at titig na titig kay James, na nakatingin naman sa akin. Parang alam ko na ang dahilan. Tsk! Tsk!

"Ayaw mo ba akong makasama, LJ?" Nakangusong untag sa akin ni James kaya napabalik ang atensyon ko sa kanya.

"Tss.." Narinig kong ingit ni Von.

Ayokong isipin ni James na hindi ko siya gustong makasama. Pero ramdam ko din ang nakakalokang pagseselos na naman ni Von.  Kaya naisipan kong magtanong sa paraan na hindi halatang ayaw ko ng desisyon ni James, para lang huwag magselos ang nobyo ko.

"Bakit? Mas kilala ang school mo. Isa pa, kapag lumipat ka, baka maging irregular third year ka niyan." Komento ko sa sinabi niya. Sinamahan ko pa ng konting tono ng pagkumbinsi na huwag na siyang lumipat.

Totoo naman, hindi ba? Pwedeng may mga subjects na ma-credit at may mga hindi kapag lumipat siya. Hindi naman puwedeng iisa ang curriculum ng bawat unibersidad dito sa Pilipinas.

"Ok lang iyon. Maihahabol ko iyon kung may kulang man." Walang matunog na kaba na sagot sa akin ni James.

Napailing na lang ako. "Baliw ka na ata." Tanging nasabi ko. Nakakapanghinayang kasi talaga na lilipat siya eh third year na din siya.

"Baliw sa iyo!" Natatawang sagot ni James. Hanggang ang tawa niya ay naging halakhak na! Baliw na ito!

Nanglaki ang mga mata ko. Ang kapatid ko ay napakagat labi at parang inaantay ang magiging reaksyon ni Von. Alam kong hindi ngayon ang tamang panahon para magbiro siya ng ganyan. Huwag sa harapan ni Von! Ayokong magkatapuhan na naman kami. Kababati lang namin.

Lagot sa akin itong kababata ko mamaya pag-uwi ng bahay! Manhid siya kung hindi niya napapansin na kanina pa nagtatagis ang bagang ni Von at nakakuyom ang kabilang kamao. Habang ang kabilang kamay ko ay halos mawalan na ng kulay sa sobrang higpit ng hawak ng huli!

Nagkibit balikat na lamang ako. Hindi ko kasi alam kung paano iibahin ang usapan. Kailangan kong umiwas. Hahakbang na sana ako paalis kasama si Von sa harap ng chapel nang hindi ko inaasahang magsasalita siya.

"What did you say??" Pigil ni Von ang mapasigaw. He's gritting his teeth for pete's sake! Patay na!

Mabuti na lamang at alisto ang kapatid ko. "Tara na, Kuya James!" Nagaalalang humawak agad si Jerico sa braso ni James. Marahil ay natatakot siya at parehas kami ng iniisip na mangyayari sa usapang ito.

Ewan ko ba kung anong kabaliwan ang pumasok sa utak ni James. Imbes na sumunod siya sa kapatid ko, mas lumapit pa siya kay Von.

"I know you heard me." Nakangising sabi pa ni James kay Von.

"Hey!" Alistong pumagitna ako sa kanila.

Nangangamoy away na eh!

Ramdam ko kasi na nanginginig na agad sa galit ang kamay ng nobyo ko. Bakit ba kasi iniinis pa siya ni James ng ganyan eh? Alam ko namang inaasar lang si Von nitong kababata ko. Inaaasar nga lang ba?

"Huwag mo nang subukan na landiin si Lianne. Mapapagod ka lang!" Nangdidilat na sabi ni Von. Nakakatakot!

Lalong lumaki ang ngisi ni James. Sarap bigwasan eh! "Ako mapapagod? Parang siguradong-sigurado ka na hindi na maagaw si LJ sa iyo ah?!" Pangaasar pa ni James.

Pati tuloy ako ay tuluyan ng uminit ang ulo kay James. "James, shut the fvck up! Tigilan mo na!" Singhal ko sa kanya.

Unti-unting nawala ang mayabang na ngisi ni James. Binigyan niya ako ng isang malungkot na titig. Bigla tuloy nag-iba ang pakiramdam ko. Parang nagsisi tuloy ako na nasigawan ko siya. Kasi naman siya eh!

Mabilis na inawat namin ni Jerico ang dalawa, nang walang anu-ano'y itulak ni Von si James sa dibdib. 

"Huwag na huwag kang magpapakita ulit sa akin, gag0 ka!" Dinuduro pa ni Von si James nang sinabi iyon. Lalo tuloy nag-init din ang ulo noong isa.

Forever with the Star (AWWTS 2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum