FWTS 58

6.3K 139 65
                                    

A/N:

65 VOTES + 60 COMMENTS = UPDATE! MAXIMUM of 3 COMMENTS PER READER. Pero kapag nareach na ang 60 comments, pwede na kayong magunli comment. Oh baka magkamali. Basahin ulit ang reminder ko ah. Ayoko na ng paulit-ulit na sinasaway. Malalaki na tayo :) Ayan ha. Mahaba ang upadate na ito para sa inyo. Participate naman po kayo.

Please add TROY'S ACHILLES to your reading list. Magfollow na agad dahil may mga SPG CHAPTERS iyan na balak kong i-private. Read ninyo din iyong THE STAR para sa hindi pa nakakabasa.

Enjoy!

___________________________________

FWTS 58

THE RECEPTIONIST

Imbes na sagutin nila ako ay akbay ni Von ang tangi kong natanggap. "Let's eat. I'm hungry." Sabi niya at tumalikod na kina James at Belle.

Mamaya ko na lang siguro itatanong. Excited na kasi ako kung saan kami kakain dito. First time ko nga kasi dito sa Ilocos Norte. Sana ay sa native resto kami pumunta. Gusto kong malaman kung anong ipinagmamalaki nila dito sa lugar nila.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ni Von sa akin ng makasakay na kaming apat sa sumundo sa amin na Limousine. Malamang na siya siguro ang kumontak dito. Wala naman sa usapan namin ng traveling agency na may sundo kaming ganito at may driver pa talaga.

"Kahit saan, Baby. Gusto ko nga sana ay iyong restaurant na magseserve ng mga pagkain nila dito." Sagot ko.

Bumaling ako kay Belle na nasa tabi ko. Mabuti na nga lang at isinama ko siya. Hindi ko kasi sinasadya na medyo mapabayaan si James. At least, may nakakausap si James at kasabay sa paglalakad. Baka kasi magselos pa ang mahal na hari kapag ako ang gumawa noon eh. Alam ko namang nauunawaan ako ni James sa puntong iyon.

"Ikaw, Belle? Saan mo gusto?" Tanong ko sa kanya.

Imbes na ako ang sagutin niya ay kay Von siya sumilip. "Sa Abuelita's tayo, Von. Masarap doon." Aniya ni Belle.

Hindi ko na naman binigyan ng meaning iyon. Sumandal na lang ako sa balikat ni Von nang akbayan niya ako. Papunta na kami sa inirekomenda ni Belle na Abuelita's na sinabi niya kanina.

Natunton naman agad ng driver naming kasama ang sinasabi ni Belle. Pakiramdam ko ay para akong prinsesa ng ipagbukas ako ni Von ng pinto ng limo at nakalahad pa talaga ang palad sa akin. Para bang ingat na ingat siya sa akin. Kaya naman, I'm so kilig!

Nang makalabas ako ay mabilis kong sinenyasan si James na alalayan si Belle sa paglabas sa kabilang pinto. Umiling siya sa akin. Halatang hindi niya gusto ang idea ko.

Pinandilatan ko tuloy si James ng makaikot na siya sa tabi namin ni Von. Pero agad ding nawala ang ganoong pagmulaga ko kay James ng makita kong nagpapaabot ang kamay ni Belle kay Von.

Ang supladong Lee ay tumalikod lang at binilinan ang driver. Habang si James naman ay nagkunyaring inaayos ang kayang nagusot ng konti na shirt. Kaya wala akong nagawa kundi ako na lamang ang umalalay sa kanya.

Hay naku! Bakit ba nawawala ang pagkagentleman ng dalawang ito pagdating kay Belle?

Papasok na kami sa loob. Pinagigitnaan ako ng dalawa. Lumingon pa ako sa likod para lang mahintay si Belle, na parang yaya naming nakasunod sa aming tatlo.

"Ang bagal naman kasi!" Palatak ni Von kaya siniko ko siya.

"Huwag kang ganyan, Baby!" Mabilis na saway ko sa kanya.

Forever with the Star (AWWTS 2)Where stories live. Discover now