FWTS 37

6.9K 130 45
                                    

A/N:

Natatawa ako sa intense reactions ng mga readers sa FWTS 36. Lalo na kina @mjvelasc0, @glenma, at @haicee23. Ang mga puso ninyo! Haha! Syempre, salamat din sa ibang nagcomments. Tulad nina: @MiriamGermanIgnacio, @oishiangela, @summerbb, @AllieJaneSantos, @Athena_9, @BeverlyMaeAvila, @karlrichmell, @Paul_Samboa, @yongann, @CaligulaMariella, @kianna_smith, @starkiez, @dezxang, @annz29, @ jjamessam, @kimramilo, @theboringone, @charlynneaira, @NicaBoquirenVillanue, @judy71 at @Zeus_9. Salamat din sa mga nakakaunawang nagbibigay sa akin ng mga votes. Thank you!!

40 VOTES & 30 COMMENTS = UPDATE!

_________________________

FWTS 37

WALANG KAPANTAY

Patawid na sana ako ng kalsada ng may dalawang kamay na pumigil sa magkabilang siko ko.

"Lianne, no!"

"LJ, teka lang!"

Halos sabay na pigil sa akin ni Doc Kent at Von. Kaya dahan-dahan akong humarap sa kanila. Binitawan na ako ni Von, pero si Doc Kent ay hawak pa din ako sa siko.

Ikinurap-kurap ko ang mga mata kong hilam na hilam na ng mga luha. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang aking paghikbi. Nababasa kong parehas silang naaawa sa akin. Pero hindi awa ang kailangan ko eh. Kailangan ko ng pagmamahal.

Hindi na ako nakibo ng bigla akong yakapin sa balikat ni Doc Kent. Bakit ba ang bait niya sa akin? Wala pa ngang isang araw kaming magkakilala nitong taong ito eh. Pero dahil na rin siguro sa magaan agad ang pakiramdam ko sa kanya kaya hindi ko siya inilayo sa akin.

"Bakit ka ba umiiyak ng ganyan?" Punong-punong na pagaalala niya tanong sa akin. Hinahaplos pa niya ang aking likod. Lalo tuloy akong naiiyak.

"Errr.." Pagpapansin ni Von kaya ako binitawan ni Doc. Bakit ba kasi naandito pa siya? Kulang pa ba ang pagkakaila niya na girlfriend niya ako?

Hinawakan siya ni Doc Kent sa balikat. Hindi ako makatingin kay Von ng diretso. Lalo akong maiiyak kapag tumingin ako sa kanya. Kaya kay Doc Kent lang ako nakatitig.

"Von, you made her cry." Mahinahong sabi ni Doc Kent sa kanya.

Obvious naman, hindi ba? Kailangan pa bang ibalita ni Doc Kent sa kanya iyon? Ang gulo naman nila!

Pinunasan ko ang mga luha ko ng likod ng kamay ko. Nakakainis! Bakit ba kasi nalimutan kong wala akong dalang panyo?

"Kent, can you leave us?" Mahinang boses na sabi ni Von. Parang pagod na pagod. Sino ba kasing may sabi na habulin niya ako?

Nagtama ang paningin namin ni Doc Kent. Parang inaarok niya kung papayag ako. Nakikita ko naman sa gilid ng mga mata ko na nakatitig sa akin si Von. Pinunasan kong muli ng likod ng palad ko ang mga luha ko.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ayokong makita pa niya ako na wasak na wasak ang puso. Ayoko nang bigyan siya ng kaligayahan. Ito ata ang kasiyahan ni Von. Ang makita akong nasasaktan.

"Pero Von, masyado mo na siyang nasaktan." Wika ni Doc Kent ng humarap sa kanya. Binitawan na rin ang balikat ni Von.

Forever with the Star (AWWTS 2)Where stories live. Discover now