FWTS 9

9.1K 115 24
                                    

FWTS 9

KAMAY

Ang daming tanong ng mga kasama ko sa trabaho nang ihatid ako ni Von. Tumambay lang kami sandali sa studio at pagkatapos ay inihatid na niya ako ng natapos na sila ng practice.

Ayon sa kanya ay may performance daw sila ngayong gabi sa The Chase Bar. Kaya hindi niya ako masusundo mamayang paglabas namin. Kaya napagkasunduan na lamang namin na susunod na lamang kami ni Cathy doon. Magko-commute na lamang kaming magkaibigan.

Dalawang beses akong napagalitan ni Mam Pat kasi nagkakamali ako ng punch. Paano ba naman ako hindi magkakamali kung kanina pa ako inuulan ng mga tanong na walang katapusan?

"Gaano na kayo katagal, LJ?" Anya ni Juliet na nasa kabilang counter ko. Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagpunch ng orders.

Ano naman kasi ang isasagot ko? Ang katotohanan na wala pa kaming isang linggong magkasintahan? Ayokong magmukhang mahuna ang relasyon namin ng nobyo ko. Baka kasi may umagaw sa kanya kapag nalaman na bago pa lang pala kami.

"Saan kayo nagkakilala?" Tanong naman ni Dane ng kumuha na ako ng chicken sa frying area na pinabudburan ng chilli powder ng customer. Ngiti lang ang isinagot ko at isinerve na ang orders nila.

"Paano mo nakuha ang atensyon niya?" Tanong naman ni Wade na siyang naglalampaso dito sa loob ng counter. Sasagutin ko sana ng mapa-ayos kami ng tayo at ibinalik na ang atensyon sa trabaho dahil napatingin sa amin si Mam Pat.

Hindi na ako nagpasimple ng pagsagot kay Wade. Alangan namang sabihin ko na dahil sa kakengkoyan ko? Hindi ba at iyon ang sinabi ni Von kanina kaya ko daw nakuha ang atensyon niya?

"Sabay tayong maglunch. Madami kang ikukuwento." Yaya naman sa akin ni Athena.

Hindi ako sumagot. Nagkunyari akong hindi ko siya narinig. Pwede ko iyong gawing palusot sa paguusisa niya sa akin mamaya.

Mabuti na lang at nang magdinner break ay Ako, sina Cathy, Vera, Kim at Gelo lang ang magkakasabay. Pagkatapos pa naming kumain saka kakain sina Athena, Wane, Juliet, Dane, at Jun. Kasi sila muna ang bahala sa customers habang nagbebreak time kami. At least, konti lang ang mangungulit sa akin.

Share kami ni Cathy ng pagkain. Nagluto siya ng baon namin at nagiwan naman ng panghapunan para kay Jerico at James. May take-out pa akong pagkain na binili ni Von para sa akin sa Max's.

"Pahingi." Agad na sabi ni Vera ng buksan ko ang styro ng isang buong manok na pabaon ni Von.

Grabe din iyong boyfriend kong iyon. Tatanggihan ko nga sana dahil hindi ko naman kayang ubusin ang isang buo nito. Pero ang sabi niya kasi, para daw hatian ko ang mga kasabay kong kakain. Lalo na ang aking bestfriend na si Cathy. Ang caring talaga!

"Kuha na kayo. Binili talaga iyan ni Von para sa atin." Nakangiting alok ko.

Natatawa ako ng magkahiyaan pa sina Vera at Bez sa pagkuha. Hanggang sa pinauna na lamang ni Vera si Bez. Pandilatan ba naman ng huli eh. Ayon tuloy, natakot!

"Palaging nagpapadala ng pagkain ang boyfriend mo ano, LJ?" Sabi sa akin ni Kim habang inaabot kay Gelo ang ulam.

"Kuha ka na." Kumbinsi ko kay Gelo ng makita kong tumanggi siya kay Kim. Pero umiling lang siya at ipinasa na kay Cathy pabalik ang manok na nasa styro.

"Hindi naman, Kim. Nagkataon lang na bibilhan niya ako kaya binigyan na rin kayo." Nakangiting sagot ko na walang halong yabang.

Ngiting unti-unting nawala ng makita ko si Gelo na nakatitig sa akin at nakasimangot. Tatanungin ko sana siya kung may problema pa siya? Pero nagbawi na agad siya ng tingin at sumubo na lang ng pagkain niya. Galit ba siya sa akin? Bakit naman?

Forever with the Star (AWWTS 2)Where stories live. Discover now