FWTS 21

7.7K 99 26
                                    

FWTS 21

MAPATUNAYAN

Nangangatal ang kamay ko nang maghain ako sa lamesa ng mga Villareal na siyang may-ari ng bukid. Magiging kasalo nila ang magulang ko dahil si Tatay ang siyang bantay ng bukid na ito. Dito na ako nakatoka dahil tapos na akong magbigay ng pagkain sa dahon na nasa mahabang lamesa para sa ibang mga magsasaka.

Si Jerico ang taga-bigay ng tubig para sa mga magsasaka. Katulong niya si Angela na siyang nagaabot ng tigigisa na saging sa bawat isa. Si Kyle naman ay iniwan ko sa loob ng kubo kasama si Von.

"Excuse po." Pagbibigay daan ko habang ibinababa ang malaking mangkok ng monggo na dala ko.

Nakahalumbaba kasi si Donya Juana habang nakatitig sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay lalo akong kinakabahan. Namumuo na ang pawis sa aking noo.

"Hindi ka pa nagmamano sa amin, LJ." Nakangiting sita sa akin ng Donya.

Napatingin ako kay Tatay at nakita ko ang naiinis niyang titig sa akin. Anak ng tinola! Oo nga pala! Sa sobrang kaba ko tungkol sa pagkakaroon ng kasintahan ay nalimutan ko. Bakit nga ba ako kinakabahan? Hindi naman ako nangaliwa dahil magkaibigan lang kami ni James.

"S-Sorry po." Hingi ko ng paumanhin sa nanginginig na boses. Sht!

"Mano po." Dagdag ko pa habang inaabot ang kamay ng Donya at pagkatapos ay kay Don Juan naman.

"Kaawaan ka ng Diyos." Nakangiting sabi pa nila.

Ngumiti lang ako at pilit tinuwid ang lakad ko pabalik sa may likod ng kubo. Kukuha pa ako ng kanin para sa mag-asawa.

"Bilisan mo, Lianne. I'm hungry." Ungot ni Von sa nanghahabang nguso.

Nilingon ko siya at ngumiti ako. "Wait lang, Baby. Antay mo ako diyan sa loob." Malambing na sabi ko.

"Alright!" Sagot niya at muling pumasok sa loob ng kubo.

Nagsandok na ako ng kanin sa malaking plato. Pagkatapos ay muli kong dinala sa unahan ng kubo sa labas. Sa lamesa ng Don, Donya, at ng tanging tagapagmana ko ibinaba ang kanin. Sana matapos na ng makakain na rin kami nina Von, Kyle, Jerico at Angela sa loob ng kubo.

"Dito na kayong magkakapatid kumain, LJ." Anyaya sa aking ni Don Juan.

Umiling ako para tumanggi. "Huwag na po. Sa loob na lamang." Magalang na sagot ko.

"I insist!" May diing sabi ng Don.

Ano ba ito! Kung dito kami kakain, paano si Von? Wala naman akong balak na itago ang aking nobyo sa mag-asawa, pero hindi pa nga lang ngayon ko siya ipapakilala. Hindi pa ito ang tamang timing dahil madaming ibang tao dito.

"Kukunin ko lang po iyong pinirito." Sabi ko at agad na tumalikod. Tumikhim pa si Tatay pero hindi ko na pinansin.

Habang kinukuha ko ang isda ay nagiisip na ako ng paraan. Hindi ako pwedeng sumalo sa kanila. Paano si Von?

Nang dalhin ko na sa lamesa ang isda ay agad kong napansin ang bakanteng pwesto sa tabi ni James.

"LJ, umupo ka na sa tabi ni James." Malumanay na utos ng Donya.

"Hindi na po. May pagkain na po ako sa likod." Pagtanggi ko.

Magpupumilit pa sana si Donya Juana pero agad na nagsalita si James. "Ma, let her be. Kumain na lang tayo." Malumanay din na sabi niya.

Sht! Kung pwede ko lang halikan sa pasasalamat si James ay gagawin ko. Dahil ng sinabi niya iyon ay tahimik na sumandok na ang magulang niya ng pagkain. Si Nanay naman ay hinawakan agad ang kamay ni Tatay ng akmang magsasalita ito. Natahimik na lang si Tatay at napailing sa akin. Mukhang hindi siya sangayon sa pagtanggi ko.

Forever with the Star (AWWTS 2)Where stories live. Discover now