FWTS 55

5.9K 138 65
                                    

A/N:

Nalulungkot ako. Parang ang tumal ng mga VOTES at COMMENTS last chappy. Parang nawawalan tuloy ako ng gana magsulat :( Iyong mga hindi makapagcomment dahil kailangan i-verify ang email add, please gawin na po ninyo. Hindi lang ninyo alam kung gaano kaimportante sa akin ang bawat participation ninyo. Energy booster ko po iyan.

I hope ito ang last time na pagbibigyan ko kayo kahit hindi pa narereach ang VOTES & COMMENTS last chapter. Iyong iba po, paki balikan po iyong FWTS 54. Baka nalimutan lang ninyo magvote. Pero magingat din kasi baka imbes na makadagdag ay makabawas pa ng boto. Baka ma-UNVOTE ninyo.

Maraming, maraming, maraming salamat sa lahat ng mga readers at loyalista kong nagpaparticipate. Silent readers.....GISING!

Please play youtube video para madama ninyo ang eksena. 65 VOTES + 60 COMMENTS = UPDATE!

_________________________________________

FWTS 55

ALL BY MYSELF 

"TANGNA! IWAN NA NINYO AKO SABI EH!" Boses ni Von sa loob. Parang may narinig pa akong kalabog.

"Masakit ang puso ko." Biglang daing ni Belle. 

Hanggulo! Ano ba talagang masakit? Iyong ginawa ni Von na pagbato ata ng babasagin na tumama sa binti niya? O literal na iyong puso niya?

Ano ba ito? Sino bang uunahin ko sa pagkakataong ito? Si Von na sigaw ng sigaw sa loob at nakikipagmurahan kay Syd, o si Belle na masakit ang puso? Baka atakihin siya dito eh.

"Dalhin kita sa hospital. Baka atakihin ka." Puno ng pagaalalang sabi ko.

Umiling siya at ngumiti ng mapakla. "LJ, nagpapatawa ka ba? Masakit ang puso ko dahil sa pagibig. Hindi dahil sa kung ano." Malungkot na paliwanag niya. Iyon naman pala! Mabuti na iyong malinaw.

"LAYAS! LAYAS!" Sigaw ni Von.

"Oo, aalis ako! Aalis ako!" Boses ni Syd na mukhang suko na kay Von.

Natanaw ko si Syd na palabas na. Parang galing siya sa kusina, o sa banyo, o sa kwarto. Hindi ko alam kasi hindi pa nga ako nakakadungaw ng ayos sa loob dahil kay Belle.

"LJ, let's go!" Galit na yaya ni Syd sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Anong nangyari sa iyo?" Nagaalalang nilapitan ko siya agad ng makalabas na siya ng pinto ng condo.

Gulo-gulo kasi ang kanyang buhok. Ang polo niya ay natanggal sa pagkaka tuck-in. Para siyang hinangin ng bagyo. May bagyo nga ata sa loob ng bahay ni Von.

"GUSTO KO NANG MAMATAY!" Sigaw ni Von mula sa loob ng bahay.

Para akong tinadyakan sa likod. Nilampasan ko sina Syd at Belle at agad akong pumasok ng unit ni Von. Ibang usapan na kasi iyon. Gusto ng mamatay ni Von. Kailangang may gawin ako para malinawan siya.

Hinatak ako ni Syd pabalik. "Baka masaktan ka lang niya, LJ. I think he's going crazy." Pigil niya sa akin.

Homaygad!

Hinawi ko ang kamay niya sa akin."I will try."

Forever with the Star (AWWTS 2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang