FWTS 49

6.4K 137 71
                                    

FWTS 49

IKAW

Ano nga bang sasabihin ko? Kaya ko bang mapahiya si Syd? Pero ayoko siyang umasa. Pero kung tatanggihan ko ba siya sa harap nila, makakaya ko ba ang atake ng konsensiya ko?

"Pero, Syd...."

Iniharang ni Syd ang daliri niya sa labi ko. "Mangliligaw lang naman ako, LJ. It doesn't mean na kailangan mong sagutin din ako pabalik. Gusto ko lang ipakita sa iyo na totoo ang nararamdaman ko." Malambing at nakangiting sabi niya sa akin.

"Fck!" Sabi ni Von sabay hagis ng bote ng gatorade sa basurahan. Narinig namin ang pagkabasag ng bote kaya napalingon kami sa kanya.

Nag-aalalang nilapitan agad siya ni Belle sa tabi ng personalized ref nila. Sana nga ay magpreno para tumalsik na siya. Sa ganoon, wala nang kontrabida sa lovelife ko. Hehe! Joke lang!

"Baby, what is wrong with you?" Ani Belle.

Ngumiti ng pilit si Von sa kanya. "Expired na iyong gatorade sa ref."

Kumunot ang noo ni Belle at binuksan ang ref. Sinipat-sipat niya iyong ibang mga bote sa loob noon. "Hindi naman ah? 2015 pa ang expiration."

"Tss.." Umupo ng muli si Von.

Ano bang problema ni Von? Ang sabi naman ni Belle ay hindi pa daw expired iyong gatorade. Baka naman may naligaw lang na isa.

"LJ, pabayaan mo nang manligaw si Syd sa iyo." Bigla na lang nasabi ni Pooch.

Naku! Paano ba ito? Ang sama ng tingin sa akin ni Von. Para bang kakainin niya ako. Pero ng tumingin naman ako kay Syd ay tila nagmamakaawa ang kanyang mga mata na pagbigyan ko siya. Ngunit alam ko sa puso ko kung ano ang aking gusto. Kaya...

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Syd. Napasinghap silang lahat sa amin. Habang siya naman ay titig na titig sa akin ang mga mata.

"Syd, I'm sorry. Pero kasi..."

Pero sadyang determinado si Syd. Muli ay hindi niya ako pinatapos magsalita. Hinawakan niya din ang magkabilang pisngi ko. Homaygad! Para naman kaming magkikiss nito sa puwesto namin. Hawak namin ang pisngi ng isa't-isa.

"Awe! Sorry!" Hingi ni Von ng paumanhin. Bigla kasing sumingit siya sa pagitan namin ni Syd at kinuha iyong throw pillow. Bumalik rin naman siya agad sa puwesto niya kanina. Mukhang siya naman at ang inaantok ngayon.

Alam kong hindi lang ako ang napatingin ng parang padabog niyang ibagsak ang unan at humiga ng walang pakundangan. Humawi tuloy sina Belle, na kauupo lang, at si Pooch. Binigyan siya ng daan para makatulog ng ayos.

"LJ." Pagkuha ni Syd ng atensyon ko. "Huwag mo muna akong tanggihan. Sana naman ay bigyan mo muna ako ng chance para iparamdam sa iyo ang nararamdaman ko. Please?" Nakikiusap na dagdag pa niya.

Hala! Paano ito?

"Pagbigyan mo na si Syd, LJ." Sulsol naman sa akin ni Jay at Ate Ghie. Ang galing! Halos sabay pa talaga sila.

Naging malikot ang aking mga mata sa paligid. Mababakas mong halos lahat sila ay gustong pagbigyan ko ang pakiusap ni Syd. Maliban sa isang tao dito na kanina lang ay pikit. Pero ngayon ay nakatingin siya sa akin habang nakahiga sa upuan. Mapapansin mong inaabangan niya talaga ang isasagot ko.

Forever with the Star (AWWTS 2)Where stories live. Discover now