FWTS 72

3.8K 150 75
                                    

FWTS 72

CLOSED O CLOSE?

Kaya pala nawala si Von ay matagal na nakiusap sa kanya si Miss Hera Chan-Lao para makipagkantahan sa amin ni Belle sa stage. Ginamit ng Lao Entertainment ang mga write-ups noon to come-up with this concept. Pinakanta kaming tatlo nang sabay sabay sa stage na para bang love triangle.

Una ay nagduet kami ni Von ng Please Be Careful With My Heart. Tapos ay kinantahan siya ni Belle ng Luha (by: Aegis). At ang huli, kumanta si Von ng Kasalanan Ko Ba? (ng Neocolors) para sa akin.

Tama ang Lao Management! Halos mabaliw ang mga fans at mukhang enjoy na enjoy na makita kaming dalawa ni Belle na parang pinagaagawan si Von. Kung sila ay nageenjoy, ako naman ay naalibadbaran. Lalo na at halatang hopia pa din si Belle sa kanya. Oh well, hanggang asa na lang siya.

Hindi na ako naiinsecure sa kanya. Dahil ramdam na ramdam ko naman na mahal na mahal ako ni Von. Kahit nga sa harap ng libo libong tao ay hinalikan niya ako sa lips. Sheez! Alam kong para akong sinampal ng sampung bakla sa pula ng mga pisngi ko. Idagdag pa ang nakakabinging sigawan at palakpak ng tao. Nakakailang, pero feel na feel ko.

"MORE!" Sigaw ng mga fans dito sa Araneta.

Gusto nila kasing kumanta muli si Von. Pero ayaw niya na talaga. Hindi ko nga alam kung paano napapayag ni Miss Sapphire na kumanta siya kanina.

"Are you really gonna wear that?" Nangingiwing tanong sa akin ni Von na akala mo ay nandidiri. Naandito kami sa backstage.

"Panget ba?" Tanong ko sa kanya.

Nakasuot kasi ako ng super shorts, midriff at booths. Sasayaw kasi ako kasama ng backup dancers ng Lao Music. Parang break ko muna sa pagkanta. Gusto kasi ni Boss Lance na ipakita ko daw dito sa concert ko ang versatility ko sa stage.

"It's too revealing. Tss.." Nakangusong reklamo niya.

Sinenyasan na ako ng floor director na umakyat na. Kaya humalik na ako sa pisngi niya para magpaalam.

"Okay lang ito. Minsan lang naman." Sagot ko sabay takbo paakyat ng stage. Hindi na ako nagtagal sa pakikipagusap kay Von kasi baka pagpalitin pa ako ng wala sa oras. Hays!

Pawisan ako ng matapos ang sayaw ko. Umakyat naman ang mga bisita kong Lao Models para sa intermission. Kaya bumaba na ako at nagpalingalinga sa paghahanap kay Von.

"Si Von, Kuya Tim?" Tanong ko agad sa isa sa mga P.A. ko.

"Nasa dressing room po yata ninyo, Ma'am." Magalang na sagot niya. Kaya dumiretso na ako sa kwarto para na din makapagbihis.

"Von?" Tawag ko kay Von pagkapasok ko sa dressing room. Pero nadismaya ako ng makita na mga staff lang namin ang naandoon.

Hindi kaya umuwi na dahil nagalit sa akin? Ang tanging naiisip ko para magalit siya ay itong suot ko. Malungkot tuloy ako habang binibihisan ng mga staff dito.

"Miss LJ, mukha kang biyernes santo." Puna sa akin ni Ate Ghie.

"Hindi ko kasi makita si Von." Malungkot na paliwanag ko. Napanguso pa ako kaya lumampas tuloy ang lipstick ko. Kainis!

"Miss LJ, huwag ka pong malikot." Saway sa akin ng make-up artist na nagreretouch ng make-up ko.

Eto na nga ba ang kinakatakot ko. Sinanay ako ni Von na palagi ko siyang kasama. Kaya ngayon tuloy na wala siya, pakiramdam ko ay para akong naputulan ng paa.

Forever with the Star (AWWTS 2)Where stories live. Discover now