FWTS 5

10.1K 142 26
                                    

FWTS 5

APELYIDONG LEE

"Anong nangyari sa iyo, Baby?" Nag-aalalang tanong ni Von at agad akong dinaluhan.

Naginit ang mukha ko sa sinabi niya. Nagbulungan tuloy ang mga tao sa paligid namin. Pero itong si Von ay parang walang naririnig buong atensyon niya ay nasa akin.

"Siya ba ang sinasabing girlfriend ni Von?" Narinig kong boses iyon ni Juliet.

'Oo ako nga ang maswerteng babae!' Gusto ko sanang sabihin pero hindi na lang. Ang gusto ko na lang ay makaalis dito sa mga taong nakasunod sa amin papuntang sasakyan niya.

"Sht! Ang swerte naman ni LJ!" Anya ni Athena.

"I can't believe this! Si LJ pala ang girlfriend??" Boses ni Dane.

'Ano namang hindi ka pani-paniwala doon? Ganoon talaga kapag sinuwerte. Inulan ng swerte!' Bulong ng utak ko.

"Iuuwi na kita." Nakangiting sabi ni Von habang nakaalalay sa siko ko.

Tiyak na magiging laman ako ng internet nito. Mabuti na nga lamang at wala akong celphone. Wala din kaming internet sa bahay.

Kitang-kita ko ang mga naiinggit na mga tingin ng mga babae sa akin. May mga kulang na lang ay saksakin ako ng kanilang mga titig. Gusto ko na talagang umalis na kami dito, pero may naalala ako na pumupigil sa akin.

"Von, m-magcocommute na lang kami." Nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Magcocommute tayo? Libre na nga ito eh!" Reklamo ni Cathy sa likuran ko. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Kahit kailan talaga ang daldal nito. Nagpeace sign naman sa akin si Loka.

Nang ibinalik ko ang atensyon ko kay Von ay nakatitig na pala siya sa akin. Napalunok ako ng sunod-sunod. Ayan na naman kasi ang mga titig niyang parang hinihigop ang katinuan ko eh! Mga titig niyang nakakawindang!

"No! Tama si Cathy. Ihahatid ko na kayo!" May seryoso at may diin na sabi niya.

"Pero..."

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng buksan ni Von ang passenger's side ng kotse.

"Huwag na tayong mag-inarte. Sakay na tayo." Sabi ni Cathy sa akin na nakangisi. "Bye fans! Sinundo na kami ni Von Anthony Lee eh!" Malakas na sabi niya at kumaway pa na parang beauty queen sa mga tao.

Napailing na lang ako sa lakas ng sapak nitong kaibigan ko. Wala na akong magagawa. Dito na kami sasakay. Bahala na nga! Kung tatanggi kasi ako, baka may mga fans na manakit sa akin dahil mapapahiya si Von sa kanila.

Pero bago pa ako tuluyang makapasok ng front seat ay pinigilan ako ni Gelo sa siko.

"Hindi naman si Von Lee ang sinasabi mong boyfriend mo, hindi ba? Imposible namang ikaw ang girlfriend niya." Seryosong tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa mga taong nakasunod sa amin ni Von. Iyong mga kasamahan namin ay talagang inaantay ang sagot ko. Si Cathy ay nakangisi sa akin at nagsusuklay ng buhok niya gamit ang kanyang mga daliri. Hanggang sa mapatingin ako kay Von na seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy malaman kung sasabihin ko ba ang totoo kay Gelo o ano.

"Ako nga ang girlfriend niya, Gelo." Amin ko.

Nalaglag ang panga ni Gelo sa sinabi ko. Tinalikuran ko na siya at sumakay na ako ng tuluyan. Natakot kasi ako ng lumakas ang usap-usapan ng mga tao sa paligid. 

Sumakay na din si Von na nakangiti. Kumaway pa siya at nagflying kiss sa mga fans niya. Halos magkikisay ang mga babae sa harap niya. Naalala ko na ganyang-ganyan din kami ni Cathy dati. 

Forever with the Star (AWWTS 2)Where stories live. Discover now