FWTS 13

8.8K 109 19
                                    

FWTS 13

HALIKA NA!

Hanggang sa dumating si Von ay nagkakanda haba ang nguso ko. Hindi ako makamove on sa pagtatawanan ng mga kasama ko dito sa bahay. Kahit nagsorry na si Bez ay hindi pa rin nakalubag ng sama ng loob ko. Naiinis kasi ako. Tinatanong ko lang naman kung sino iyong Secret na reyna daw ng buhay ni James ay nagtawanan na sila. Ano bang nakakatawa? Eh sa hindi ko siya kilala?!?

"Baby, what's the matter? Bakit ang sama ng mukha mo?" Tanong sa akin ni Von.

Naandito kami sa sala. Inaantay lang namin na matapos maligo sina James at Jerico at aalis na kami. Napaaga kasi ng isang oras si Von sa usapan naming alis papuntang Laguna.

Ngumiti ako at sumandal sa balikat niya. Inakabayan niya ako kaya pakiramdam ko ay kumakalma na ako. Mabuti na lang at naandito na siya. Meroon na akong automatic na kakampi. Hmmp!

"Wala ito, Baby." Pangbabalewala na sagot ko. Ayoko na ding magsumbong sa kanya. Baka humaba lang. "Bakit nga pala napaaga ka? Mabuti at pinayagan ka ni Sir Lance Lao na biglang magleave?" Concern na dagdag ko pa.

Nakaramdam ako ng ibang kiliti ng paglaruan niya ang dulo ng buhok ko. "Hindi ako matatanggihan ni Ninong Lance, Baby. Mabait iyon. Hindi tulad ni Tita Sapphire na dragona. Pakiramdam ko nga ay galit iyon sa mundo. May bitterness kasi sa dibdib dahiil mas pinili ni Papa si Mama ko kesa sa kanya." Anya na natatawa.

Kumunot ang noo ko. "Bakit may bitterness? Dahil hindi nagkatuluyan ang Ninong mo at si Mama Zyrah?" Naguguluhang tanong ko.

Alam ko na kasi iyong tungkol sa nakaraan ni Sir Lance Lao at ni Mama Zyrah. Naikuwento na iyon sa akin ni Von dati. Nakakahanga nga dahil kahit naging involve silang tatlo nina Papa Zeon sa tatsulok na pag-ibig ay close pa din sina Mama Zyrah, Sir Lance at Papa Zeon. Nakilala ko din ang magandang si Miss Hera. I must say, na bagay sila ni Sir Lance. Kaya ano namang dapat ika-bitter ni Miss Sapphire doon?

"Nope. Mahabang kwento, Baby. Basta ang magkapatid na Lao ay parehas nagkagusto sa magulang ko. Si Ninong Lance ay matagal na nangligaw kay Mama. Habang si Tita Sapphire naman ay walang sawang minahal si Papa ko dati. Pero wala eh. Si Mama talaga ang love ni Papa. Kaya madalas na masungitan lang ni Papa si Tita." Mahabang paliwanag niya.

Wow! Isa lang ang masasabi ko. Kapag talagang nakatadhana kayo ay hindi talaga kayo mapaghihiwalay. Tulad na lang ng mga magulang ni Von.

"Sana ganoon din tayo, ano Von?"

"Ganoong paano?" Naguguluhang tanong niya sa akin.

Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit sa bewang. "Nakatadhana sana tayo para sa isa't-isa. Tulad nina Mama at Papa mo." Paliwanag ko.

Kinilig na naman ang mga alipores kong paru-paro ng halikan niya ako sa buhok. "We will make that happen. Basta dapat magtiwala lang tayong dalawa sa isa't-isa." Anya niya sa akin.

I don't know what to say. Sobrang saya ko. Almost perfect ang relasyon namin ni Von. Sana wala ng dumating na bagyo na hindi namin malulutas. Aminado naman ako na kasama sa bawat relasyon ang bawat pagsubok. Kaya inihahanda ko na din ang sarili ko sa mga ganyang bagay.

Nakayupyop lang ang ulo ko kay Von ng magsilabasan na sa kwarto ang dalawang kasama namin. Napangiti ako ng makita ko si Jerico na naka kupas na t-shirt na medyo body fit at pants na may punit sa tuhod. Ngayon, ko lang napansin na gumaganda na pala ang katawan ng kapatid ko. Kahit luma tuloy ang damit niya ay nadadala niya pa rin ito ng ayos.

"Ate, ayos lang ba?" Tanong niya sa akin habang napapakamot pa ng batok. Mukhang medyo asiwa pa nga siya sa suot niya.

Tumango ako. "Ayos lang."

Forever with the Star (AWWTS 2)Where stories live. Discover now