FWTS 51

6.3K 135 78
                                    

A/N:

Oh si @Glenma lang pala ang inaantay para sa ika-65th vote eh. Hahaha! Siguraduhin ninyo muna po kasing pumasok ang votes ninyo bago kayo lumipat ng ibang kwento. Para walang delay. Ok po? Labyu guys!

65 VOTES & 60 COMMENTS = UPDATE! 3 COMMENTS MAXIMUM OKAY? Pwede lang sumobra sa 3 comments kapag naka 60 comments na ang LAHAT. Understand? Huwag nang paulit-ulit ah? Malalaki na tayo. Oh capslock na iyan, ha? Baka naman may magkamali pa! Please add and read Troy's Achilles. Salamat po!

__________________________________________

FWTS 51

DUWAG

Kahit isang araw lang ay naramdaman kong maging masayang muli. Hindi ko na muna inisip ang pagiwas na kailangan ko daw gawin bukas. Hindi naman siguro ako pupunta agad sa impyerno kung hahayaan kong maging masaya ang puso ko kahit ngayon lamang.

Tulad ng plano, sinamahan ako at ipinagmaneho ni Von papunta sa apartment ng mga kapatid ko at ni Cathy. Medyo maaga pa kaya tanging si Jerico pa lang ang nasa bahay nila. Hindi na naman kasi siya pumasok. Nasa trabaho pa daw ang kaibigan ko. Habang si Angela naman ay nasa paaralan pa.

"Ate? Kuya Von? Nagkabalikan na kayo?" Nasosopresang bungad ng kapatid ko nang pagbuksan niya kami ni Von ng pintuan.

Nagiwas tuloy ako ng tingin dahil sa hiya. "Hindi kami nagkabalikan." Sagot ko habang sumasalampak sa sala set nila.

Tumabi sa akin si Von. "Magkaibigan lang kami ng Ate mo, Jerico." Dagdag paliwanag din niya.

Mabuti naman at hindi na siya nagusisa pa. Mapaguusapan na namin ang pakay ko dito sa apartment nila.

"Bakit hindi ka daw pumapasok, Jerico?" Seryosong tanong ko habang nakaupo siya sa harapan ko.

Napatungo si Jerico. "May problema kasi kami ni Cathy, Ate." Panimula niya.

"Ano?"

Bumuntong hininga siya at nagangat ng tingin sa akin. "Ate, umuwi kasi ako sa atin noong isang linggo."

"Oh? Bakit hindi mo sinabi? Dapat ay nakapagpadala ako ng pera para kina Nanay."

"Biglaan lang kasi Ate. Kinuha ko lang ang birth certificate ko. Hinihingi kasi sa school."

Tumaas ang kilay ko. Hindi ko makuha ang koneksyon ng pagkuha niya ng birth certificate at ang pagkakadawit ng relasyon nila ni Cathy.

"Nang umuwi ako ay nakasama ko na naman si Gina. Nalito na naman ang puso ko, Ate. Nang makabalik ako, Ate, hindi ko na siya mawaglit sa isipan ko." Bumuntong hininga siya at muling nagpatuloy. "Dahil doon ay nagselos si Cathy at nagaway kami. Palagi akong naglalasing kaya hindi ako nakakapasok."

Napailing ako. Parang parehas ng problema namin nina Von, Belle at ako, at sina Jerico, Cathy at Gina. Mukhang ang babaw para ipagwalang bahala niya ang pagaaral niya. Pero kapag tulad ko na nararanasan din iyon ngayon, alam kong mahirap na sitwasyong hinaharap nila.

"Bakit kasi naguguluhan ka? Matagal na kayo ni Cathy, hindi ba? Eh bakit nalilito ka pa?" Salubong ang kilay na tanong ko.

Hindi ko maiwasang sabihin na para bang parinig ko na din kay Von. Bakit kailangan niyang maguluhan? Kung mahal niya ako, mahal niya ako. Kung mahal niya si Belle, mahal niya si Belle. End of story.

Hindi makapagsalita ang sarili kong kapatid. Masyado ata akong naging marahas sa sinabi ko. Kaya natigilan lang siya.

"Minsan kasi, Lianne, hindi natin maiwasan. Ayaw man nating makapanakit, hindi sinasadyang ganoon pa din ang kinahahantungan. Minsan, malilito ka talaga. Hindi mo alam kung sino ang minamahal mo lang dahil nakasanayan mo na, at sino ang mahal mo dahil hinahanap mo siya." Singit ni Von.

Forever with the Star (AWWTS 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora