Chapter One

369 16 4
                                    

Elizabeth's POV:

Pumunta ako sa salon kinabukasan ng Valentine's Day.

I'm gonna color my hair into Rose Gold Balayage. Wala akong planong pumasok ngayon kaya nagpakulay nalang ako.

Naghintay ako ng tatlong oras bago ito natapos.

"You look gorgeous" pag puri sa akin ng bakla.

"Thank you" nakangiti kong pasalamat and gave him a tip. Ayaw kong maging bastos sa ilan kaya nag pasalamat ako.

Pagkatapos ay naglakad lakad ako sa buong mall pampalipas oras lang.

Pumasok ako sa bawat store na natitipuhan ko pero hindi ako bumili. Wala akong trip sa mga damit nila. So girly! Nang ma-bored na ako ay lumabas na ako. Pumunta ako sa parking lot pero tumigil ako dahil may nararamdaman akong may sumusunod sa akin.

Pero imbes na hanapin kung sino iyun ay kinuha ko nalang ang phone ko at kunyare ay may tinawagan.

"Asan ka na?... Sige sige pupunta na ako"

Bat pa ako nagkunyaring may tinawagan? HAHAHA!

Pumasok ako sa kotse at umalis. Kakakuha ko lang ng kotse kaninang umaga sa bahay. Tumingin ako sa rear view mirror at may isang motor na nakabuntot talaga sa akin.

Umikot ikot ako hanggang sa may alam akong dead end kaya pumasok ako sa daan papunta doon. Pagpasok ko ay walang tao ang nandito.

Malamang dead end eh!

Tinigil ko ang kotse sa dulo at naghintay hintay sa loob. Hinihintay kong bumaba ang tao sa motor at lumapit sa akin. As if naman na yun ang gagawin niya. Duh?!

T*nga lang naman ang gagawa ng ganun--

WTF?!

T*nga nga ang potek! I can't believe it! Bumaba ito sa motor niya at lumapit sa kotse ko.

Kumatok ito kaya binaba ko ng kaunti ang bintana. Sapat na baba para makausap ko siya.

"Anong kailangan mo?" nakangiti kong tanong.

"I would like to know if you're Elizabeth Santos" boses lalake.

"Sorry but you got the wrong person"

Sinarado ko ang bintana pero hinarangan niya ito gamit ang kamay niya. Akala ko ay maglalabas ito ng baril yun pala naglabas lang ito ng litrato ko.

Tinignan niya ito at ako ng paulit ulit. Ilang beses niya itong ginawa hanggang sa nainip ako.

"Wag mo akong tignan ng pabalik balik, alam kong maganda ako" sarkastiko kong sabi.

"Ikaw nga ito" ibinalik na nito ang litrato sa bulsa at naglabas bigla ito ng baril.

"That's my twin" bored na sabi ko.

"You don't have a twin"

"So what if I really have a twin?"

Hindi ako sinagot nito. Nakipaglaban pa ito ng titig sa akin.

Napirap ako.

"Ano naman kung ako nga yan?"

Imbes na sagutin ang tanong ko ay hindi nanamn ako nito pinansin. Tsk!

"Sumama ka sa akin para hindi ka masaktan"

Napangisi ako bigla dahil sa sinabi niya. Ako masasaktan? Kailan pa?

"Pano kung ayaw ko?" hinanda ko na ang baril na nasa gilid ng upuan ko ng hindi niya nakikita. Hinanda ko na rin ang kamay ko sa pintuan para buksan ito.

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]Where stories live. Discover now