Chapter 4 - live like hell?

4.4K 110 5
                                    

LACHLAN CHUA POV

Nandito kami ngayon sa bahay. Nandito silang lahat. Umagang umaga ay nagsho-shot kami. Hindi maalis alis ang sama ng loob ko sa nangyari sa pinakamamahal kong big bike kahapon at sa pagka-badtrip ko sa punyetang babaeng yun. Makita ko lang talaga at sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niya sa motor ko. Shit that girl! Damn!


School days ngayon oo. Start ng klase pero wala akong paki kapag ako ang badtrip. Hindi rin ako natatakot ngayon na isumbong ako! Shit! Pati mga barkada ko ay nadadamay sa pagka-badtrip ko dahil pati sila ay umabsent din para lang mag-inuman dito sa bahay.

" so...it's a girl who did that to your bike?? Hahaha! She must be a brave girl!" Si Relk.

" brave my ass! She'll live like hell! Fvckshit! I SWEAR! damn that girl!" Ako na hindi matigil-tigil ang pagmumura ko kanina pa.




" hindi ko pa man siya nakikita pero naaawa nako sakanya. L babae parin yun." Si Syke..tsk! Problema ng gagong to? Fvck!

" pero hindi makatarungan yun pare! Pinakamamahal ni L ang big bike niyang yun. Dapat lang parusahan ang babaeng yun." Si Davon.

Maghapon lang kaming tumambay at nag-inuman pero hindi ako nalalasing dahil sa kakaisip kung paano ako makaganti sa babaeng yun! Tsk! Kahit pa babae siya wala akong pakialam!

Inutusan ko din ang isa sa favorite guard ko na si Red para mangalap ng impormasyon about dun sa babae. Yeah. I have body guards dahil nag iisang anak lang daw ako. Pero tyaka lang sila umeeksena kapag kailangan ko sila. Lalo na kapag napapa-trouble o nagwawala ako sa mga bar kapag lasing. Sila ang bahalang naglilinis sa mga gulo ko. At loyal na loyal sila sakin dahil mababait naman ako sakanila. Hindi din nila ugaling magsumbong sa mga magulang ko. That's why kapag bonus ay ako ang nakikiusap sa mga magulang ko para dagdagan ang ibibigay sakanila.

And nalaman ko na Janjie Kane Socrates ang pangalan at maangas daw talaga pero matalino sa klase. A third year Liberal Arts student. I don't fvckin' care kung matalino pa siya dahil ginawa niya sa motor ko ay isang katarantaduhan! King ina.










Papasok na ko bukas para lang hanapin ang babaeng yun. At para maipatikim ko na din ang higanti ko sakanya. Tch! Tignan lang natin kung gang kelan ang tapang niya. Ang lakas ng loob niyang sirain ang isa sa mga pinaka-mamahal at pinaka-iingat-ingatan ko.

_______

Shit this fvcking hang over.! Madaling araw na kasi kami natapos mag-inuman.

At nagmadali na akong bumangon para makapasok ng maaga dahil ay aasikasuhin pa ako sa school.






Tch! Kelan ba uunlad ang Pilipinas? Noong bata pa ako traffic na. Ilang taon na ako ngayon traffic parin? Tsk! Nakakabanas!






Naglalakad na ako sa corridor ng pagkaguluhan nanaman ako ng mga walang kwentang babae. Mga papansin. Bubulong na nga lang pero ang lakas naman. Sadyang nagpaparinig sila. Amputs! Nakakairita! Tsk!







Ang unang pinuntahan ko ay ang Law Department. At pinuntahan ko ang Dean. Malakas ako dito sa school na to dahil isa sa mga board ang Mommy ko. Pero kahit na ganun ay kailangan pa din daw mag-aral ako ng mabuti para daw wag isipin ng mga tao na gagraduate ako dahil lang sa mataas ang posisyon ng Mommy ko na kinaiinisan ko dahil ang dami dami niyang patakaran. Laking pasalamat ko talaga at nasa America sila dahil sa mga inaasikaso nilang business doon.







" G-Goodmorning Mr.Chua.Please have a seat. What can I do for you?" Salubong agad ng Dean pagka-pasok ko sa office niya.






Ang syota kong abnormal [completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora