Chapter 38 - why are you following me!

1.9K 67 1
                                    

JANJIE KANE SOCRATES POV

Bagong umagang tahimik! Wala kang maririnig talaga na kahit anong ingay kundi ang ingay ng mga ibon...mga aso, manok at mga iba pang hayop na alaga nila Tita.

Mataas na din ang sikat ng araw ng mapatingin ako sa balcony.

Agad akong bumangon at pumunta doon. At sinalubong ako ng medyo malakas na preskong hangin.

"Ahhhhhhh! This is life!" Ako habang nag-iinat.

Simula na ngayon ang adjustment ko. Sabi nga ni Tita ay may isang linggo pa ako.

Hindi naman ako nagtagal sa balcony at pumunta na ako sa banyo para maghilamos.

At bumaba na baka sakaling maabutan ko pa sila Tita. Nasabi kasi nila kagabi na maaga silang pumapasok sa opisina.

Pero ng pagbaba ko ay may dalawang bagong mukha na naman akong nakita. Isang lalaki at babae. Sa tingin ko ay mas matanda sa akin yung lalaki at ang babae naman ay sa tantya ko ay kaedad ko lang.

Nahihiya akong magsalita sakanila kaya naman pumasok ako sa kusina para magtanong sa mga katulong.

"Go-Goodmorning po." Pagpapansin ko sakanila dahil kasalukuyan nilang ginagawa ang kani-kanilang mga trabaho.

"Oy! Janjie Kane! Goodmorning din sa iyo. Nakita mo na ba yung dalawang pinsan mo na galing sa baryo?" Sa pagkakatanda ko ay siya yata si Manang Rona. Mataba na hindi naman sa panlalait ay maitim.

"Sila po siguro yung nasa sala Ate. Eh.....hindi ko po kasi sila kilala." Nahihiyang saad ko. Dahil totoo naman. Hindi ko matandaan na na-meet ko na sila noon pa.

"Hi." Mula sa likuran ko ay may nagsalita.

Hindi ko alam pero bakit ganito? Parang nahihiya ako sa mga pinsan ko? Siguro ay dahil ngayon ko lang sila nakilala/nakita?

Kahit medyo nahihiya ay nilingon ko siya and nakangiti siya sa akin. A sweet smile.

""Hello!" Pilit kong pinasigla ang boses ko.

"Halika muna sa sala. Ako nga pala si Aprille. At Gusto ka daw makilala ni Kuya Luke eh." Yaya niya sa akin sa sala at sumunod naman ako sakanya.

And there's this awkward feeling again. Para bang hindi ko talaga sila kilala? Tsssss. -___-

Parang ka-klase lang. Nag-get to know each other kami. At sila, kwento ng kwento about dito sa lugar nila. Habang ako ay puro pilit na ngiti...oo at hindi lang ako.

"Why this weird feeling? It feels like....hindi ko sila kadugo?"

MARCIANO SERAN POV

"Tsk! Wala na. Napalayo na tayo sa mga chicks natin. Bakit ba kasi dito pa sa malayo pinatapon tong anak ni boss." Reklamo ko sakanila. Habang inaayos ang mga gamit ko dito sa kwartong tutuluyan naming tatlo.

Nag-renta kami ng apartment malapit lang sa bahay na tinutuluyan ng anak ni boss dahil iyon ang utos niya.

"Tsss! Wag na kayo magreklamo. Dahil tiyak ako na kapag malaman yan ni General na nagrereklamo tayo ay katakot-takot na naman na bugbog ang aabutin natin sakanya." Sagot ni Jayson.

"Ang sabihin niyo kasi mga tol. Ganon niya kamahal ang anak niya. Kung bakit kasi hindi pa niya bawiin yang anak niya e. Tsk! Tsk!" Si James na iiling-iling.

Tae! Ang layo namin sa sibilisasyon. At wala kaming ibang gagawin kundi ang sundan ang bawat kilos ng nag-iisang anak ni boss.

At kagabi lang ay nagsimula na kami. Sinundan namin siya hanggang sa narating namin ang isang hospital.

Ang syota kong abnormal [completed]Where stories live. Discover now