Chapter 18-for real?

3K 95 1
                                    

JANJIE KANE SOCRATES POV

Hindi ko namamalayan at almost 2 months na palang nanliligaw si Chua. At hindi ko din namamalayan ay unti-unti ng nahuhulog ang loob ko sakanya. I think, I am ready na sagutin na siya pero parang there's a part of me na natatakot parin ako.

Araw-araw kaming magkasama. Masipag na din siyang pumasok dahil isa yon sa mga utos ko sakanya. Every after matapos ang klase ko ay lagi niya akong ipinapasyal or inililibre sa kainan. Hindi din siya maarte huh? Kahit na kung minsan niyayaya ko siya sa gilid-gilid lang ng kalye ay wala siyang reklamo.

Hindi din siya nangungulit sa panliligaw niya. Kung magkasama kami ay parang normal lang. Kung minsan nga, super feeling comfortable ako sakanya to the point na feeling ko ay kami na. Ang weird diba? Ganito ba ang pakiramdam ng inlove na sinasabi nila?? Haist! Bahala na si kupido.

Weekend ngayon at napag-usapan namin ni Chua na ipasyal si Raprap dito sa park. Matagal na din kasing hindi lumalabas sa bahay si Raprap. And of course hindi mawawala si Red na favorite niyang kalaro.

"Red..ikaw nalang muna bahala kay Raprap. Dito lang muna kami ni Jake." Si Chua.

"Bakit ayaw mong makipaglaro kay Raprap?" Tanong ko pagka-upo ko sa tabi niya.

"Tsss! So hot in there at nandyan naman si Red. Ayaw ko lang masyadong mapalapit sa batang yan dahil hindi siya atin. Mahahanap at mahahanap siya ng mga magulang niya." Ako din ay biglang nalungkot sa sinabi niya.  Tama nga naman siya. Kukunin at kukunin nila samin si Raprap.

"Chua gaano mo ako kamahal??" Out of nowhere ay biglang lumabas sa bibig ko ang katanungang iyon.

"Wha-? What! The hell?? Bakit ba pabigla-bigla ka??" Sigaw niya sakin at hindi na ako nagulat don dahil sa araw-araw naming pagsasama ay laging siyang sumisigaw at ganon din ako sakanya. " I don't know. It's just that...mahal kita. Yun na yun!" Natuwa naman ako sa sagot niya dahil may katotohanan ang nabasa ko kagabi. Na if a person loves you, there's no reason. Basta nararamdaman niyang mahal ka niya at wala ng madaming dahilan pa.


"Do you really want me to be your girlfriend??" Tanong ko ulit. Tinotopak na ata ako dahil unexpected talaga ang mga tanong ko.


"Of course yes! Bakit ba ang dami mong tanong ha babae ka!?" Sigaw ulit niya at nagsisimula na akong mainis.


"E kasi sinasagot na kita!!!! Tayo na!!! Gf mo na ako at bf na kita!!!" Sigaw ko din sakanya at sabay talikod dahil pupuntahan ko nalang sila Red at Raprap kesa mag-stay sa tabi niya at mabingi pa ako.


Ng nilingon ko siya. Para siyang tangang nakatingin lang sakin. Sarap sipain. Ang slow niya promise. Tssss! -_____- kaya naman lakad takbo na ang ginawa ko para mas madaling makalapit ako kung nasaan sila Raprap.

Naglalaro sila ng baril-barilan ni Red at tawa ako ng tawa dahil kapag tumatakbo si Raprap ay tumatalbog din ang pwet niya. Hahaha!


Nakaupo lang ako dito sa bench. At kanina ko pa napapansin na parang pinagtitinginan kami ng mag-asawa sa di kalayuan. Nakakakilabot ang paraan ng pagtingin nila samin.


"He-hey!!! For real?? Tayo na? Girlfriend na kita??" Gulat naman ako dahil tinapik ni Chua ang balikat ko.


"Ano ba!!! Bat ka ba nanggugulat???! Oo na nga e! Tayo na!" Pagsusungit ko sakanya.

Ang syota kong abnormal [completed]Where stories live. Discover now