Chapter 41-Tell me everything or I'll kill you!

1.7K 59 0
                                    

LACHLAN CHUA POV

Katatapos ko lang mag-goodnigh kay Janjie ng lumabas ako ng kwarto ko. And coincidentally, may narinig ako sa loob ng kwarto ni Jayle.

It's not my hobby to eavesdrop but...curious ako sa mga pinagsasabi niya.

May kausap siya sa phone.

Kaya naman mas lumapit pa ako sa pintuan niya then heard everything.

"Fvck!? Ang layo nun sis! Pupunta ba tayo don? Wala tayong kakilala doon. For God's sake! At one more thing....bantay sarado ako kay kuya Lachlan. Pano ako tatakas dito? Magtataka yon!" Siya sa pagkalakas-lakas na tono. Napataas ang isang kilay ko ng marinig ko ang pangalan ko.

Bakit naman ako napasali sa usapan nila.? And maybe it's Angel on the other line. Siya ang kausap niya. Siya lang naman ang kapatid niya na tinatawag niyang sis.

And she's here also in the Philippines pero sa hotel siya tumutuloy dahil ayaw niya ng napapakialaman. Nakakatandang kapatid siya ni Jayle.

Ng wala na akong marinig ay bumaba na ako para uminom ng tubig dahil kanina pa ako nauuhaw.


Hindi na muna ako umakyat agad.

Sinadya kong abangan si Jayle dito sa baba kasi for sure ay tatakas nanaman yon ngayon.


They are very weird. Silang dalawa ng kapatid niya. Pareho din silang marunong sa mga self-defense. Hindi naman nakapagtataka yon kasi talagang ipinasok na sila ni Tito noong maliliit pa sila sa isang martial arts school. Ang nakapagtataka lang para sa akin ay ang mga kilos nila. Para bang sobrang nag-iingat sila na ewan ko.


Pinatay ko lahat ang ilaw dito sa baba para akalain ni Jayle na wala ng tao dito.

At hindi nga ako nagkakamali dahil nakita ko siyang pababa na ng hagdan with her bagpack on her back. And maingat na naglalakad animo ninja. Tsss! -____-



Ng tuluyan na siyang makababa at palapit na sa pintuan ay tumayo na ako. Para ibukas ang mga ilaw.

"And where do you think you're going? It's already 11 in the evening!" Sigaw ko sakanya.


"Shit! Patay!" She uttered.

"What!? Where are you going!" Ulit ko sakanya. At doon lang siya humarap na naka-peace sign pa at nagpapa-cute.



"Pupuntahan ko lang sana si Ate sa hotel. Gusto daw niya ako makasama." Alam kong nagpapalusot na naman siya. At pinagloloko na naman niya ako.



"Really? Then let's go. Ihahatid kita." Ako at lumapit sakanya sa pintuan.

"Ha!?wa-wag na pala kuya! Bahala siya mag-isa doon. Matutulog na ako." Tatalikuran na sana ako pero hinawakan ko ang bag pack sa likuran niya tyaka siya hinila palabas papunta sa garahe at pilit na ipinasok sa loob.



They're getting on my nerves! I knew it! May itinatago sila sa akin!




Ng makarating kami sa hotel ni Angel ay hawak-hawak ko parin siya.



Pinindot ko ang doorbell at agad ng binuksan iyon ni Angel at nagulat dahil nakita niya akong kasama ni Jayle.


Walang salitang lumabas at hinila ko ulit si Jayle papasok sa loob ng kwarto ni Angel.


Doon ko lang siya binitawan at umupo sa couch saka sila tinitigan ng masama.


Ang their faces was priceless. Because they know me! And I'm mad right now.



"What's going on? Anong tinatago niyo sa akin? What's with your conversation on the phone earlier? " kalmado ngunit mahihimigan ang babala sa tono.



Pareho lang silang nakatunganga sa akin.


"Speak!" Sigaw ko at nagulantang sila. Lalo na si Jayle.



"I-It's a-about ate Janjie Kane kuya." Pag-amin ni Jayle tyaka napayuko.


"Shit!" Mura naman ni Angel.



At bakit napasali na naman si Jake dito!? Fvck!?


"And what about Janjie!? Huh!? Tell me everything or I'll kill you!!" Sigaw ko at napatayo na ako dahil nanggigil ako sa pambibitin nila sa akin sa pagbibigay ng impormasyon.




And there....Angel told me everything and I just can't understand. Is this really happening?



Ano ba to? Tadhana??



Or pinaglalaruan nila kami?




And about Janjie??! Can't believe it! Parang hindi kayang i-digest ng utak ko ang mga nalaman ko.



Sinabi din nila lahat ang mga plano at kung ano ba talaga ang ginagawa nila dito sa Pilipinas.


"Please kuya....only us and Daddy knows about this. And ikaw...this is very confidential. Very dangerous. Sobrang iniingatan ng lahat si Ate dahil delikado ang buhay niya. Madami ang naghahanap sakanya. Pero wala siyang kaalam-alam. Please....just please don't tell this thing to anybody else. Malilintikan kami kay Daddy at kay General." Pakiusap ni Jayle.





"Pero malapit ng sabihin sakanya ang lahat. Maybe pagbalik niya dito galing probinsya. And what you heard was...pupunta kami don para masubaybayan siya though may mga tauhan ng pinadala si General doon. Pero sabi ni Dad ay kailangan parin namin pumunta doon." Si Angel.




I don't really know what to say. Pilit ko paring ipinaiintindi at ipinapasok sa utak ko ang mga nalaman ko sakanilang dalawa tungkol sa kung anong meron kay Janjie.



Kaya ba ganon siya kalakas at katapang? Dahil....shit! Fvck!?


Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko siya lubusang kilala.

Ang syota kong abnormal [completed]Where stories live. Discover now