Chapter 29 - His Family

2.1K 82 0
                                    

JANJIE KANE SOCRATES POV

tssss! Kinakabahan ako literally. Syempre pamilya niya yon. Ang mga naiisip ko ay baka hindi nila ako magustuhan sa itsura at sa pag-uugali ko. Nakakapraning.>_

"Hey! What's wrong? Are you nervous?" Pansin sakin ni L habang nagda-drive papunta na kasi kami sa cottage nila.

"U-uhmmm. Ye-yeah!" Pag-amin ko.

"Tsk! Don't be babe. Ipakita mo lang kung ano ka talaga sa harapan nila. At kung hindi ka nila tanggap, problema na nila yon. Basta mahal kita at gusto kita. Okay?" Kindat niya sa akin at uminit nanaman ang pisngi ko. And with his thought, napanatag ako. Oo nga naman. Mas mabuti ng makilala nila ang totoong ako. Para din malaman ko kung tanggap ba nila ako o hindi. Hay! Tanga ko kase!

Ng makarating kami sa cottage nila ay nandon silang lahat sa loob. Nadatnan namin silang nag-uusap-usap. About ata sa business.

"Oh son! Bumalik kana. Kumain kana ba? I-I mean...kayo? Kumain na ba kayo iha?" Hindi ako makasagot agad dahil medyo nagulat yata ako sa mga tingin nila."by the way iha...you can call me Tita Editha. Ditta for short. I'm lan's Mom." Yakap niya sakin at lalo akong naging uncomfortable dahil hindi ko inaasahan na maging ganito ang trato sakin ng Nanay niya. Ang buong akala ko kase ay masungit ito base sa pag-uugali ni Chua.

"Later Mom.. Mom, Tito and Tita. This is my girlfriend. Janjie Kane Socrates. You can call her Jake for short." Pagpapakilala sakin ni Chua at naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng pisngi ko.

"Hello po." Ngiti ko sakanila. I'm feeling better now dahil ramdam ko namang mababait sila.

"Oh! Finally at nakilala ka rin namin. All I thought ay si Sierah talaga ang girlfriend ni Lan. At maigi ng hindi pala sila dahil parang may sayad ang babaeng yon. I'm Tita Lily iha.Ako ang panganay and these are Tita Inday, and Tito Jowell. Mga kapatid kami ng Daddy niya. Oh? Where's Manuel Ditta?" Tanong ng Tita Lily niya sa Mommy ni Chua habang iginagala ang paningin niya sa paligid.

"I don't know ate..if you'll excuse me. Hahanpin ko lang siya." Si Tita Ditta at lumabas nga para hanapin ang Daddy ni Chua.

"How lovely your face. Saan ba kayo nagkakilala ni Ja-Jake? Right?"-Tita Inday. Tumango naman ako." Share us your story Lan." Baling niya kay Chua. At itong katabi ko ay parang walang kagana-gana kaya naman siniko ko siya.

"Tsss. Sa school po." Magalang naman na sagot niya. Good dog din pala siya. Haha!

"Mmm. Nga pala, nextweek darating ang mga pinsan. Dapat ay makilala mo sila iha. For sure..excited silang makilala ang first girlfriend ng pinsan nila." Dagdag pa nito at napatingin naman ako kay Chua. Seriously?? First girlfriend din niya ako?

"Haha! Natawagan ko na nga sila Ae-R at R-Dee eh. Gusto na daw nilang umuwi ngayon" ngayon ko lang narinig ang boses ng Tito Jowell niya.

"Tsss. Tell them Tito, I don't need them here." Ganting biro naman ni Chua.

"You were always mean to your cousins Lan." Si Tita Lily na umiiling habang tumatawa.

Ng dumating ang Daddy niya ay nagulat ako sa tangkad niya. Sakanya namana ni Chua ang height niya. Akala ko na naman ay masungit ito pero mali nanaman ako dahil unang salita pa niya ay nagbiro na agad. Sabihin ba namang pakasal na daw kami at bigyan na siya agad ng apo. Kaya naman agad itong sinaway ng Mommy niya. His family was nice. Mababait sila. Lalo na ang Mommy ni Chua...pakiramdam ko nga ay parang kasama ko lang si Mama.

Kung noong naipakilala ko siya sa mga magulang ko at mga kapatid ko ay sobrang saya ko. Ngayong nakilala na din ako ng family niya at tanggap nila ako ay hindi ko na alam. Ito na yata ang sinasabi nilang walang katumbas na saya.

Madami silang tinatanong sakin. Like my family background. Nagkwento naman ako.

Hanggang sa gumagabi na. Magpapaalam na sana kami ni Chua dahil baka hinihintay na kami ng mga kasama namin sa cottage, though, tinawagan naman sila kanina ni Chua na nandito kami kasama ang family niya. Hindi nila kami pinayagan dahil gusto daw nila kaming makasama sa dinner mamaya.

Wala naman kaming nagawa kundi pumayag naman. At sinabi ko din kay Chua na pagbigyan niya ang family niya lalo na't kararating lang nila dito sa bansa.

>>>>>>>DINNER

Shemay!! Ang daming pagkain at parang naghahabulan na yung mga bulate ko sa tyan sa sobrang pagka-excite nila.

"Babe, you're like an idiot. Itikom mo nga yang bibig mo!" Napahiya naman ako sa sinabi niya kaya naman. Tinikom ko nga ang bibig ko.

Pero seryoso nga! Ngayon lang ako nakakita ng mga ganitong pagkain. Mukhang masasarap lahat.

LACHLAN CHUA POV

haha! Napaka-abnormal talaga ng girlfriend ko. Habang sineserve ang mga pagkain namin sa lamesa, kulay nalang ay tumulo literally ang laway niya. Haha!

At mas lalo pa akong natawa sa sagot niya na "shit babe! Hindi pa ba tayo kakain?" Haha! Napaka-inosente niyang tignan. Na-iignorante siya sa maliliit na bagay. Pero ang pagiging ignorante niya sa mga pagkain ngayon ay nakakaaya sakanya. Ang cute lang niyang pagmasdan. Para siyang bata na bago sa paningin niya ang mga nakikita niya.

Pagtingin ko sa pamilya ko ay parang hindi din sila makapaniwala sa nakikita nila sakanya. They give me a "what's wrong with her?" look. But I just smiled to them.

"Let's call this dinner a celebration for having our son her first girlfriend. Haha! Welcome to our family iha. We are all glad to meet you." Anunsyo ni Daddy at lahat sila ay tumawa maliban lang sa akin. Tsss. Ang baduy nila mag-celebrate.


"Haha! Salamat po lahat sa inyo! Sa pagtanggap po sakin bilang girlfriend ni Chua. So-sorry po, yun po kasi ang nakasanayan kong itawag sakanya nung hindi pa kami." Sagot din ni Jake sakanila. I'm impressed sa pinapakita niya sa pamilya ko. Pinapakita niya talaga kung ano siya. Yung totoong siya."at ikinagagalak ko din po kayong makilala lahat." Dagdag pa niya bago umupo ulit sa tabi ko.

"Oh! Let's eat na!" Anunsyo naman ni Mommy.

Kaming lahat...


O__________O

Haha! Parang gutom na gutom kasi si Jake sa pagkuha niya ng pagkain. Halos mapuno na ang plate niya.

"Ah-hehe. Hindi po kasi ako nag-lunch kanina?" Parang napapahiyang saad niya. Hawak pa niya ang isang leg ng chicken.

"Haha! Go on iha. Ang cute mo parin." Si Mommy at itinuloy na nga niya ang pagkain.

Hindi ako kailanman nag-enjoy makasama ang family ko sa mga ganitong okasyon. Pero ngayon ay, hindi ko maipaliwanag ang saya sa loob ko. Masaya pala ang ganito na makasama ang buong pamilya. Lalo na't kasama si Jake. Pakiramdam ko ngayon ay kumpletong kumpleto na ako at sobrang nag-uumapaw ang saya sa dibdib ko.

Ang syota kong abnormal [completed]Where stories live. Discover now