Chapter 14- okay deal!

3K 105 3
                                    

continuation of Chapter 13...........

Tuluyan ng nakalapit si Raprap sakin at yumakap agad sa bewang ko. Pinagtinginan lalo kami ng mga estudyante.








"What the fuck Red!!! Bakit ka nandito at bakit mo sinama si Raprap??" Sabunot ni Lachlan sa buhok niya dahil sa inis.









"E-eh boss iyak po kasi ng iyak kaninang nagising siya tapos hinahanap kayong dalawa. Hindi po namin siya mapatigil kaya inutusan ako ni manang na sunduin na sana kayong dalawa tapos bigla siyang tumigil sa pag-iyak at nagpupumilit na sumama. Wala naman po akong nagawa. Ng nasa harap na po ako ng gate niyo ang sabi ko hintay lang siya sa sasakyan at susunduin kayo pero sabi niya naiihi daw siya ng pagbukas ko ng pintuan ay agad din siyang lumabas at tinakbuhan ako patungo dito. Pati nga po mga guards ay nalusutan din niya."mahabang paliwanag ni Red at talagang hinihingal pa siya habang nagsasalita dahil siguro sa pagod sa paghabol kay Raprap.








"Mama! I mit youuuuuuu! You too Papa!! Hihi!" Hagikgik niya. Shet! Bat ba hindi ko magawang magalit sa batang to? Pati si Chua ay parang biglang nawala ang inis at bahagyang napangiti kay Raprap.









"Hayaan mo na. Tapos na. Mauna ka ng umuwi at kami na bahala dito." Utos niya kay Red at agad naman itong gumalaw para makaalis na.










Pareho nanaman kaming natigilan ng lumakas ang bulungan ng mga estudyanteng nakakakita samin ngayon.
>_________________< grabe na talaga! Kelan ba ako lulubayan ng kamalasan???




O____________O




"Oh! KAYONG LAHAT!!! WALA KAYONG KARAPATAN PARA PAGTSISMISAN KAMI!!! ITONG BATANG TO AY ANAK NAMIN AT SI JANJIE AY GIRLFRIEND KO SA NGAYON BUT WE'RE GETTING MARRIED SOON!!! STOP talking about us and all of you!!!! MIND YOUR OWN BUSINESS!!! LAYAS NA!!!" Sigaw niya sa lahat at parang natakot naman ang mga estudyante at bigla silang nagsialisan. Kami-kami nalang ng mga barkada ko at mga barkada niya ang naiwan at lahat sila ay nakatingin kay Raprap.





Pati si Raprap ay nakatitig lang din sakanila. Parang isinasaulo niya lahat ang mga pagmumukha nila. Haha!




"Tang na pre! Anak mo to??? Kelan pa?? Akala ko ba kakakilala mo palang kay Janjie???" Ewan ko pero si Davon ata nagsalita.











"Ano nanaman to Jake??? Una boyfriend tapos ngayon anak naman? Pano kapag malaman ng tatay at mga kuya mo to??" Si Ulo na parang tatay na namomroblema.








Walang nagsalita sa aming dalawa.









"Hello eblione!! I'm Laplap! Hihi!" Tangna talaga ang cute na nga tapos sinasabayan pa ng hagikgik. Haha! Natawa tuloy kami pareho ni Chua. Parang may anak na tuloy kami talaga.







"Hello there little buddy! I'm Tito Syke. Barakada ng Tatay mo. Hahaha! Come here dude!" Abot ni Syke sa kamay niya kay Raprap.












"Hihi! Okay dyud! Mama...I want to play with them!" Siya at tumakbo na kay Syke para magpakarga.








"Ayyyy! Gusto din namin makilala ang anak ni Jake. Gora kami sainyo mga boys!" Si Allan at nakisali sa mga barkada ni Chua sumunod din sila Buddah at Ulo sakanila.










In short? Kami nanamang dalawa ang naiwan dito. Grabe. Nakakapagod na ang ganito. Kelan ba niya ako titigilan??





Susunod na sana ako sakanila ng hinila niya ako palabas ng canteen. Hinayaan ko lang siyang hilain ako. Hindi ako nagreklamo or nagsalita pa ng kung anu-ano dahil lahat naman ng sasabihin ko sakanya ay laging may nakahandang sagot.
-_______________-







"Jake we need to talk. Please talk to me seriously. Gusto talaga kita. Ano ba kasing mahirap intindihin doon??" Simula niya pero di ako kumikibo at hindi ako tumitingin sakanya. Seriously?! I don't have time for his trippings! Tsk! "Look. Listen. Tumingin ka kasi sakin. Ano pa bang gusto mo? Ano bang gusto mong gawin ko para mapaniwala kita?" Pilit niya ako inihaharap sakanya.







"This is bullshit! Ano ba Chua!? Kung gusto mong maghiganti dahil sa ginawa ko sa motor mo! Gawin mo nalang akong alila mo or whatsoever na gusto mong paraan except this.......except sa pananakit sa damdamin ko. Never pa akong nagmahal at ayoko lang talagang subukan yon sa ngayon. There will be a right time for me to fall inlove and I don't like it this way. Ayoko ng pinipilit ako." Mahabang paliwanag ko sakanya. Pagod na akong mang-harass at sigaw-sigawan siya kaya siguro naman madaan ko na siya sa mabuting usapan.









" Yeah I got your point. Kaya nga I'm asking if what you want me to do just to prove that I'm serious. Kung ang gusto ko lang ay maghiganti about sa nangyari sa motor ko, hindi ako magpapakahirap ng ganito! You know me! I can do what I want and can get  what I want immediately dahil wala akong pasensya sa lahat ng bagay! Pero ikaw lang tong pinagtyatyagaan ko ng ganito!!! Now what!??? What do you want me to do!!??? You're making me desperate woman!" Sabunot niya ulit sa sarili niya sa inis niya.














"Stop it! Okay! Okay! Court me!" Sigaw ko sakanya. Sabay talikod na hawak-hawak ang dibdib ko.









Bigla ko lang naramdaman ang biglang pagtibok ng malakas at mabilis ng puso ko. Siya ang madaming sinabi pero parang ako ang napagod sa mga pinagsasabi niya at ang haba pa. Ghad! Kung ginagawa ko siyang desperado ako naman ginagawa niyang baliw!!!









"Okay deal! I will court you! Ready your answer! Hoooooooo! I like you Janjie Kane!! " ang yabang talaga! Eksena kahit kelan! -_______-









Dinig ko pang pahabol niya. Pero hindi ko na siya nilingon pa at binilisan ko pa lalo  ang lakad ko.






Ang syota kong abnormal [completed]Where stories live. Discover now