Chapter 40-Sulat

1.8K 55 0
                                    

JANJIE KANE SOCRATES POV

aaaaagggggghhhh! Tsk! Kahit nakatakip na ang ilong ko ay amoy na amoy ko parin ang tae ni lola.

Inilabas na kasi siya kahapon sa hospital. At ngayon ay kami lang dalawa ang naiwan dito kasi namalengke si Aling Saling at lahat sila ay pumasok.


"Lola...a-angat mo po kaunti yang pwet mo para mapunasan ko pong mabuti." Ako na hirap na hirap ng iangat ang pwet niya dahil hindi na siya masyadong nakakapag-pwersa.



Tahimik lang naman siya. Pansin ko nga ay medyo nahihiya siya dahil sa tuwing hahawakan ko ang pwet niya ay napapakislot siya.


Ng matapos na ay inalalayan ko na naman siyang lumabas sa CR. Ihahatid ko siya sa may tumba-tumbang upuan sa harap ng TV. Sabi ni Tita ay doon niya laging gustong tumambay.


At wag ka...dahil ang mga favorite movie pa daw niya ay mga action movies. Haha! At ang favorite actor niya ay si Fernando Poe.


"Apo...ilipat mo nga yang channel. Doon sa Cinema one ang gusto ko." See? Hehe! Kasi ngayon daw ay may Fernando Poe na palabas doon.



Inilipat ko naman tyaka siya iniwanan.


Nangialam ako sa kusina. Gagawan ko si Lola ng soup.

Busy naman ang mga katulong. Nasa labas silang lahat at inaayos ang mga halamanan ni Tita.


Bago din ako bumaba kanina ay nakausap ko na si Chua. Maaga na siyang nagigising para sa akin. Para daw makapag-usap muna kami bago man lang siya pumasok.



Ramdam ko na ang pagiging long distance ng relationship namin. Ang hirap pala talaga dahil kapag gusto ko sana siyang makasama at makita ay wala man lang akong magawa dahil sa sobrang layo niya.


Ganon din sila Papa. Gabi-gabi sila tumatawag at nagte-txt para lang kamustahin ako. And as usual, wala na naman kaming communication ni Mama na lagi kong ipangtataka kung bakit okay lang.



Tsk! Ang mga barkada ko. Ayun! Laging nambubulabog sa inbox ko. Pero wala akong nirereply sakanila maski isa. Iniiwasan ko lang magdrama. At kapag ganon na lagi ko silang makakatawag ay lalo ko lang silang ma-mimiss. Pero syempre pwera lang kay Chua dahil iba siya. At alam ko namang naiintindihan nila ako. Ganon naman ang magkakaibigan diba? Naiintindihan ang isa't-isa?




"La...eto po oh soup ka muna." Alok ko sakanya sa niluto ko.


"Sa-Salamat." Sabay ihip at subo. " ang sarap mo naman palang magluto Jake." Parang bata na natutuwa sa niluto ko para sakanya.



Habang ino-obserbahan ko si Lola ay ang daming naglalaro sa utak ko. At hindi ko maintindihan kung bakit ganon. Tsk! Napapraning na naman yata ako.


Kaya naman nagpaalam muna ako sakanya at umakyat ako sa kwarto.



Bzzzzzt.bzzzzzt..bzzzzzt.


From Papa:
Anak..okay ka lang ba dyan? Basta lagi mong tatandaan nandito lang si Papa kahit anong mangyari. Mag-iingat ka lagi dyan. Love u nak.

Napataas ang kilay ko sa narecieve kong txt mula kay Papa. Bakit ba ang weird ng txt niya? Maybe hindi lang ako sanay na ganito siya mag-txt sa akin?


But the worst was this feeling......kakaiba.




OLIVER SOCRATES POV


Kararating ko lang dito sa bahay at nadatnan ko si Papa na nililinisan niya ang baril niya.


Bihira ko nalang siyang makitang naglilinis ng mga gamit niya simula noong nagretiro siya.


Pumasok muna ako sa kwarto para magbihis. At saka bumaba din agad.

Tsk! Nakakapanibago talaga dito sa bahay dahil wala ang bunso namin. Ewan ko ba kasi kung bakit sila nagdesisyon agad na papuntahin doon si Jake.

Maloko siya oo, pero naging matino naman na simula noong naging sila ni Chua.


"Tsk! Na-mimiss ko na si bunso Pa. Kelan ba siya babalik dito? Nakakpanibago. Walang dada ng dada at walang laging nakikipag-away." Ako. Na umupo sa harapan niya at pinapanuod siya sa ginagawa niya.



"Mabuti na rin yon..para habang maaga pa ay masanay na kayo na lagi siyang wala dito...na hindi na natin siya makikita."fvck!? Ano ba pinagsasabi niya?



"Pa? A-ano bang pinagsasabi mo? Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo.? Tsk!" Iiling-iling ako na hindi makapaniwala sa sinabi niya.


"Ha!? A-E totoo naman diba ? Hindi natin alam kung hanggang kelan pa siya doon dahil sa kalagayan ng lola mo. Hayaan na muna natin siya. Para naman masanay siya hindi lagi ay nasa tabi niya tayo." Bawi niya sa nasabi niya kanina. Pero hindi siya nakaligtas sa akin. Ramdam kong may tinatago siya sa mga pinag-sasabi niya.



Nung isang araw ay naghalughog ako ng mga pictures naming magkakapatid. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon. Dahilan siguro ng sobrang pagka-miss ko kay Jake.

Kaming dalawa ni Kuya ay may mga pictures na kakalabas pa lang namin sa delivery room. Meron pa ngang ginugupitan ang mga pusod namin. Pero ng tignan ko ang album ni Jake ay wala siyang litratong ganoon. Ang mga litrato lang niya ay sa tantya ko...mga 10 months siya doon.


Kaya medyo naguluhan ako sa parteng yon. Ayaw ko namang mag-isip ng kung anu-ano. At ang gusto ko lang gawin sa ngayon ay mag-imbestiga. Dahil hindi ako pwedeng magkamali...alam kong may itinatago talaga sila sa amin.

Dahil lalo lang nadagdagan ang pagtataka ko ng may mabasa akong kung anong sulat sa drawer ni Papa. Hindi ko naman yon sinasadya. May hinahanap kasi ako that time at yon ang nahawakan ko.



Mensahe galing kay General Terorra. And I know him. He is a close friend to our family.

Ang tumatak lang sa isipan ko doon sa nabasa kong sulat ay may pinapa-ingatan siya kay Papa.


Shit! Nakakasakit ng ulo ang mag-isip! Sana lang talaga ay hindi totoo ang hinala ko. Dahil hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman once na maging totoo nga iyon. For God's Sake! Don't let it happen.



"Oh bro! What's happening?" Si Kuya Jeffrey na kakapasok lang ng gate galing duty.



"Kuya! We need to talk about some things.." yaya ko sakanya at agad naman siyang lumapit sa akin.



I told him everything what's bothering on my mind. And about that letter from General Terorra.



"Sigurado ka ba dyan?" Siya na parang nag-iisip pa ng pwede niyang idahilan.


"Oo nga! Nabasa ko mismo yung sulat. At parang iba ang mga ikinikilos ngayon ni Papa simula nong pumunta si Jake sa Cagayan." Ako.



"Kilala ko si General Terorra bilang opisyal lang. Pero wala akong alam sa personal background niya. He's a private person at hindi ka basta-bastang makakakuha ng mahahalagang impormasyon tungkol sakanya at sa pamilya niya. " sabi niya na ikina-laylay ng balikat ko. Paano pa masasagot ang mga tanong ko kung ganoon pala siya ka-pribadong tao?


"Pero susubukan kong magtanong-tanong kay hepe bukas. Dahil base sa sinabi mo..wala tayong maaasahang inpormasyon kay Papa kung totoo ngang may itinatago siya." Si Kuya.



Oo, wala nga. Pero hindi talaga ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang totoo.

Ang syota kong abnormal [completed]Where stories live. Discover now