Chapter 58- Beach

1.7K 61 3
                                    

JANJIE KANE TERRORA POV

tresita

Abala ang lahat. May nag-iihaw. May nag-iinuman at may nagswi-swimming na.

Kami ni Chua ay nandito lang sa cottage. Nanunuod. Haha! Pero totoo nga. Tinatamad kasi kaming tumulong. Kanina pa nga pinapagalitan ni Tita na Mommy ni Chua si Lachlan kasi ayaw pautusan ng kumag na to.

Pagtingin ko sa likod ko ay masayang nagtatawanan naman sila Mommy, Mama, Daddy at Papa na nag-iihaw. While the family of L was busy drinking liquors. At ang mga animal na mga kaibigan namin ay nag-eenjoy na sa dagat.

Ayaw ko kasing maligo sa dagat. Hindi ko feel pero feel ko ang hangin at ang tunog ng alon ng dagat.

Napakislot ako ng hawakan ni Lachlan ang bewang ko.

"Hoy...ano yan?" Si Daddy na may hawak na pang-ipit ng karne. Haha!

"Ah...hehe..tatanggalin ko na po. Ma-malamig po kasi." Palusot pa si Chua.

"Haha! Pagpasensyahan mo na yang anak ko pare. Nagmana kasi sakin yan!" Tatawa-tawa namang sabat ng Daddy ni Chua.

"Ano ka ba naman honey! Sweet lang si Lachlan sa anak mo." Saway naman ni Mommy kay Daddy na dahilan ng pagtawa ng lahat.

"Aba! Hindi dapat pina-public ang bagay na yan." Si Papa naman ngayon. Hahay! Epal kasi tong lalake na to e. Ayan tuloy topic na naman kami.

"Ikaw kasi e! Ang likot ng kamay mo!" Pabulong na singhal ko kay Chua.

"Oh! Kain na muna tayo. Tawagin nyo na muna mga barkada nyo." Sigaw ni Mama. Whew! Saved by Mama. Hahaha!

Oh my God! 0_0 mga barkada ba talaga namin mga to? Shet! Parang sila lang yung kumain sa inihanda nila Mommy na pagkain. Sabi nila pagod daw sa swimming. God! Over! Parang mga patay gutom!

Nabusog din naman ako dahil panay ang subo ni Chua sa akin ng pagkain. Lagi kaming tinutukso at pinagtutulungan. Malapit na naman akong mainis pero pinipigilan ako ni Chua.

Letsugas naman kasi siya e! Papansin! Kapag inaasar na kami mas pinapalala pa niya pagiging sweet niya sa akin.
-_- sarap niyang katayin at i-drain lahat ng dugo niya sa sobrang kainisan ko sakanya!

"Wow! Iba na talaga Jake. Ang dating siraulo at tigasing Jake ay ibang-iba na mga te! Sobra na ang kalandian ngayon!" Palakpak ni Allan. Kaya naman pinagtawanan na naman ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Inggit ka naman bakla. Tayo nalang kung gusto mo!" Sigaw ni Ulo.

"Yuck! Ulo! Tignan mo nga itsura mo! Kapal ng balat ng mukha mong sabihin yan ha! Uulitin ko na naman! Magpapakamatay nalang ako kung ikaw lang din makakatuluyan ko!" Tumayo pa talaga si Allan at idinuro si Ulo. Sa sobrang inis siguro ni Ulo ay sinugod niya si Allan at nagpa-gulung-gulong sila sa buhanginan. And sumakit talaga ang tyan ko sa kakatawa. Pati mga iba pa kaya wala man lang kahit isa sa amin ang umawat sakanila. Hahahahahaha! Bagay lang naman ay bakla dahil sobra na siya maka-offend. Buti nga inunahan na ako ni Ulo e. Baka kung ako, may bali na siguro siya ngayon

Pagtingin ko naman kay Relk ay sobrang titig na titig siya kay Buddah. Kaya naman kinalabit ko si Chua.

"Babe..may alitan ba kina Relk at Buddah? Bakit siya titig na titig si Relk kay Buddah?" Bulong ko kay Chua.

"Haha! Ah...yah.you don't know pla kasi nalasing ka kagabi. May gusto daw si Relk kay Buddah." Tatawa-tawang bulong din sakin ni Chua.

Ang syota kong abnormal [completed]Where stories live. Discover now