Chapter 59-Who's that girl?

1.8K 52 0
                                    

Janjie Kane Terorra POV

"hey babe,tulala ka yata? Tinatanong kita kung saan mo gustong pumunta sa monthsary natin." Kalabit sa akin ni Chua.

Hindi ko agad siya nasagot dahil pilit iniisip ng utak ko kung saan ko nakita yung babaeng yon na nakita ko kagabi sa resort.

Hindi maalis sa isip ko ang sobrang galit sa mga mata niya. At titig na titig sa akin na parang kahit na anong oras ay kaya niya akong patayin.

"Babe, are you okay? May masakit ba sayo?" This time naman ay kinakapa na ni Chua ang noo ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinigpitan ang pagkakahawak.

"I'm okay babe. Ikaw? Kung saan mo ko gustong dalhin. Okay lang naman sakin kahit saan. Basta ba kasama kita babe." Kindat ko sakanya.

"Nanlalandi kana naman babe eh!" Kunwaring irap niya sakin. Hahaha! Kupal talaga ng lalaking to e.

"Akala ko pa naman na-astigan ka sakin dahil sa kindat ko. Angas ko na don e!" Ganting biro ko din sakanya.

"Tsk! Please babe. Can you promise me na wag kana ulit papasok sa gulong gaya ng nangyari noon? I can't imagine of losing you. I don't want that to happen again. You, lying on a hospital bed and so many things attached to your body." Biglang sumeryoso ang mukha niya. Hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko.

Napatulala naman ako dahil sa reaksyon niya. Parang bigla akong nakaramdam ng takot sa pag-aalala niya. Ganon ba siya na-trauma sa nangyari noon? Ganon ba siya ka-takot na mawala ako sakanya?

Mawala sakanya

Mawala sakanya

Mawala sakanya

Mawala sakanya

Mawala sakanya

Biglang nag-paulit ulit sa isipan ko ang mga katagang yan. At parang biglang may sumabog na parte sa utak ko at naalala ko yung pangyayaring may nain-volve na babae noon sa amin ni Chua.

"Who's that girl again??" Kapit ko sa magka-bilaang braso ni Chua.

At halata naman sakanya ang pagka-gulat dahil literal na bumilog ang mata niya.

"Anong sino? Sinong babae?" Naguguluhang tanong niya sa akin.

"That girl on the beach before! Noong muntik na kitang hiwalayan! Sino na ulit yon babe!? I can't remember her name anymore!" Sigaw ko because I'm very eager to know her name already!

"A-Anggie??? Bu-but why? Pamangkin siya ni Daragon. Right?" Naguguluhang tanong parin ni Chua.

Doon na nasagot lahat ng mga katanungan ko. Kung bakit ganon nalang ang galit sa kanyang mga mata habang tinititigan ako kagabi.

Parang bigla akong nanghina. Akala ko ay tapos na ang lahat. Ngunit, meron pa palang natira.

Pero ano ang binabalak niya? Maghihiganti ba siya sa pagka-matay ng tiyuhin niya? Ano bang kakayanan niya? Hanggang saan ang kaya niya?

Parang sasabog na ang utak ko sa sobrang daming isipin. At sobrang daming katanungan.

Anggie POV

Sige lang, so sila parin pala hanggang ngayon? Ganon talaga nila kamahal ang isa't-isa? Sobrang sakit dahil sakanya napunta ang lalaking gusto ko. Pero wala ng mas masakit pa sa pagkamatay ng Tito ko na nagsilbing ama ko sa sobrang habang panahon. Ng dahil sakanya nawala lahat sa akin. Ng dahil sakanya, naiwan akong mag-isa at nagmumukhang kawawa ngayon.

Ang syota kong abnormal [completed]Where stories live. Discover now