Chapter 30-Bonfire

2.3K 69 1
                                    

MAITTA ESTRELLA POV

Shet! Bakit pa kasi ako sumama sakanya. Lalo tuloy akong na-o-awkwardan sa sitwasyon namin.

"Okay ka pa ba?" Tanong niya sakin.

"Ah-ah..hehe..oo naman no! Sige lang. Hihintayin kita. Txt na kasi ng txt si Jake kung nasaan daw tayo. Kasi tayong dalawa lang daw ang wala don." Sagot ko naman.

Totoong kanina pa sila txt ng txt ni Allan. Kanina pa nila ako inaasar na baka kung anong level na daw ang narating namin. At itong si Jake naman ay excited daw na magkwento sa nangyaring dinner kagabi kasama ang pamilya ni Lachlan.

Ang totoo kasi niyan, nandito kami sa medyo malayo sa cottage namin.Dito ata idinidiskarga lahat ng isda galing sa laot. Inutusan daw kasi siya ni Lachlan na bumili ng isda na iihawin mamayang gabi. E pwede naman sana kasi sa palengke. Ang katwiran niya ay mas mura daw dito. Marunong sa buhay ang lolo niyo! And for Pete's sake! Naglakad lang kami mga maderrrr! Ganito pala talaga ang nagagawa ng pumapag-ibig! Nyeta! Wala ako sa sarili kong napasunod sakanya!

Oooops! Ayan na nasabi ko na. Oo na! Pumapag-ibig ako kay Red. Huhu! E kasi naman tong lalaking to! Lakas makahatak saken e. Ang problema nga lang ay may pagka-torpe yata dahil ubod ng tahimik. Hindi makabasag pinggan te!

"O-okay na! Tara na?" Gulat ako dahil bigla-bigla nalang siyang nagsalita sa tabi ko.

"O-o sige! Pe-pero...maglalakad ba ulit tayo??" saad ko naman. Jusmiyo! Dina kaya ng mga paa ko ang maglakad! Sobrang layo kaya! Idagdag pa ang init ng buhangin!

"Ayaw mo na bang maglakad? Wala kasi talagang masakyan dito e." Haaaay! Ayoko ng sumama sayo next time! Promise! Gigil ko sa utak ko.

Hindi na ako nagsalita pa. Nagpatiuna nalang akong naglakad. Nakakainis!

Buti naman sana kung sweet siya saken! Pero hindi e. Napapanis ang laway ko sakanya!


"Gu-gusto mo sampa ka nalang dito sa likod ko." Parang nahihiya na nahihirapan siya sa lagay niya dahil magkabilaang plastik ang hawak-hawak niya tapos ano daw?? Sasakay ako sa likod niya. My God Red! Masyado mo talaga akong inaakit.


"Hu-huh!? Asa! Hirap na hirap kana nga dyan e! Akin na nga tulungan na kita. Tyaka kaya ko pa naman. Huwag kang mag-alala." Agaw ko sa isang plastik. And shet! Ang bigat te!! Malamang! Puro malalaking isda pala ang mga binili niya. Nakuuuuu naman talaga!!! Ang shongaers ko!


"Okay lang ba talaga sayo? Mukhang nahihirapan ka e." Medyo may nakita naman akong konting pag-aalala sa mukha niya. Pero fvck!? Ang manhud mo pre! Siguro naman alam mo kung gaano kabigat to!

Pasalamat ka at nagpapansin ako sayo! Kakayanin ko lahat sa harapan mo. Tssss! Ano ba kasing nagustuhan ko sa kagaya niyang sobrang manhid? My God! Talaga naman! Ahahay!!

___________________________
Pagkadating namin....ayun sila! Sobrang saya at ako naman ay hindi ko alam kung kaya pa nilang ipinta itsura ko!

"Oh Red! Saan kayo nag-date ni Maitta!?" Salubong samin ni Lachlan. Halatang masaya ang mood niya! Tsss! Sarap hambalusin ng malaking isda mukha niya! Date! Date pa siya!!!


"Hoy! Chua! Pwede ba pagod kami sa kakabitbit sa mga isdang to mula sa malayo. Kaya pwede ba tigil-tigilan mo kami!!" Bulyaw ko sakanya at lalo lang siyang natawa.


"Haha! Hey! Easy ka lang naman! Eh hindi ko naman sinabing sumama ka kay Red diba?" Nakangisi pang saad niya. At medyo napahiya ako dahil lahat sila ay sumali na sa usapan at kinakawawa na ako sa mga pang-aasar nila.

Ang syota kong abnormal [completed]Where stories live. Discover now